Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
Kung pinag-iisipan mong simulan ang iyong sariling news broadcast, halos hindi mo malubos maisip lahat ng iba’t ibang element na iyong kakailanganin para pagsama-samahin ang lahat ng mga ito. Ang openers, graphics, lower thirds, maraming isasaalang-alang... Buti na lang mayroong ilang may talentong mga may-akda sa Envato Market na nagsama-sama ng buong packages para sa iyo.
Narito ang ating nangungunang sampu, kasama ang ilang karagdagang packages para umayon sa iyong programa.
Broadcast News Identity Packs: Dalhin Ang Iyong Disenyo sa Mas Mataas na
Antas
1. Ang Broadcast Design - Kumpletong News Package
Ang Broadcast Design ay ang lahat ng iyong kailangan para makagawa ng
magandang -tingnan na newscast. Kabilang dito ang openers, on-air graphic elements
at pati ang virtual studio na naka set para sa dalawang anchors na may 11 na
anggulo ng kamera. Phew, ikaw ay napagod sa simpleng pagbasa lang ng
nakakatuwang listahan!

2. Broadcast Design - News Package
Simple at epektibo, ang Broadcast Design News Package ay naglalaman ng pitong pre-rendered loopable backgrounds at pitong-segundong umiikot na globo. Any backgrounds, lower thirds, at pamagat ay lahat umaakma sa bawat isa ng mabuti, kung kaya ito ay magaling na pangkalahatang package para ikaw ay makapagsimula.
3. Broadcast News Package
Ang download na ito ay naglalaman ng tatlong iba’t ibang studio setups na may mahalagang pagpipilian para baguhin ang posisyon ng kamera. Mayroon ding nakakatulong na pagtuturo sa video na magagamit, kung sakaling ikaw ay matigil.

4. TV Broadcast News Packages
Ang proyektong ito ay naglalaman ng lahat ng iyong kailangan para masimulan ang iyong news broadcast, kabilang ang mga elemento sa balita, palakasan at panahon. Ang mga kulay at elemento ay madaling i-customize at maaaring baguhin para umakma.

5. Broadcast Design - Kumpletong News Package
Ang Broadcast Design download ay komprehensibong package, kabilang ang looping backgrounds, live screens at over-the-shoulder na mga anggulo. Sakaling may alinlangan, ang anchorman ay hindi kabilang.

6. World News Broadcast Package
Taglay ang broadcast elements at on-air graphics, ang World News Broadcast Package Additional Packages ay magdadala sa iyo sa napakagandang simula kung gagawa ng propesyonal na broadcast.

Additional Packages
7. Glow TV Broadcast Package
Ang Glow ay ginawa para sa pangkalahatang telebisyon kaysa sa balita, subalit may mga elemento na sakto para sa feature segments katulad ng fashion, lifestyle, at entertainment.

8. Broadcast Design - Kumpletong On-Air Soccer Package
Hoy, hoy mga tagahanga ng laro, ang Soccer Package na ito ay saktong saliw sa iyong broadcast. Kabilang dito ang lahat ng may kinalaman sa soccer (o football, kung ikaw ay taga Britanya): stats, scoreboards, starting line-up at iba pa.

9. Elegante Broadcast Package
Isa pang magaling na template para sa karagdagang news package, sa bagay na ito, mag-isip ng mas banayad na features, magaan sa pakiramdam na mga kuwento, mga panayam at iba pa. Ang proyekto ay makabago at moderno na may nakawiwiling matte overlay.

10. Awards Package
Oh, ang glitz at glamour ng awards ceremony. Kung ikaw ay sadyang pinalad para mag-cover ng isa sa mga kapana-panabik na mga pangyayaring ito, ang Awards Package ay magbibigay sa iyo ng lahat ng iyong kailangan para magawa ito ng may istilo.

Good Luck
Sana ay ikaw ay nakagawa ng matagumpay at sikat na news channel at ang mga packages na ito ay nakatulong para ikaw ay makapagsimula. Kung gusto mo ng ilang magaling na kaunting paalala sa paggawa ng iyong sariling broadcasts, narito ang ilan pang artikulo na maaaring tingnan.
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Photo & Video tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post