Unlimited AE and Premiere Pro templates, videos & more! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Adobe After Effects
Photography

15 Mahusay na Analogue Templates para sa Adobe After Effects

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Sinong makakaalam na matapos lamang ang (halos) pagkawala ng analogue, tayo ay magiging desperado upang malikha ang kalugod-lugod nitong mga katangian, sa digital na paraan. Nais natin muli ang glitching, ang mga malalabong linya at ang walang katiyakang pagkulay. 

Huwag mangamba, mga naghahanap ng analogue effects; kami ay gumawa ng lista ng Envato Market na magbibigay sa iyo ng pre-digital mong nais. 

Analogue Emulation

1. Ang Ultimate Glitch Logo Intro 

Ang Ultimate Glitch Logo Intro ay nagbibigay sa iyo ng dampi ng makalumang analogue distortion (isipin ang sirang signal’ na maaari mong i-customize gamit ang iyong sariling logo o pamagat.

The Ultimate Glitch Logo Intro
Ang Ultimate Glitch Logo Intro sa pamamagitan ng XFxDesigns and Envato

2. Insert VHS Title 

Maging makaluma gamit itong Insert VHS Title sequence para sa CS5 pataas. Ang download ay may kasamang link sa libreng font na ginamit sa demo at hindi mo kakailanganin ng kahit anong dagdag na plugins.

Insert Vhs Title
Insert VHS Title sa pamamagitan ng Mizukovideo at Envato

3. Ang Printer 

Ang Printer ay nagtatampok ng glitch, organic na mga epekto na may katangiang retro, nagtatampok ng mga pamagat at litrato sa makinis na paraan. Patag, na may halong grunge at may kasamang tunog na talagang nagdadagdag sa pakiramdam na analogue.

The Printer
Ang Printersa pamamagitan ng CarlB at Envato

4. VHS Trailer (TV Interference at Typing Text)

Gayahin ang analogue glitch effects gamit itong VSH Trailer download. Muling buhayin ang saya ng mga klasiko ng 70s at 80s sa pamamagitan ng kumukurap at dagdag na ingay.

VHS Trailer TV Interference and Typing Text
VHS Trailer (TV Interference at Typing Text) sa pamamagitan ng TimMG at Envato.

5. Prosesong Technicolor

Ang proyektong ito ay base sa pagkagawa ng lumang Technicolor workflow at ang pangunahing proyekto ay hindi gumagamit ng anumang presets na kulay. Ang orihinal ay hiniwalay sa isa-isang mga channels ng kulay at nagproseso ng mga hakbang na katulad ng orihinal na proseso ng analogue, upang makamit ang pinakahuling mahusay na resulta.

Technicolor Process
Prosesong Technicolor sa pamamagitan ng GlowingBulbs at Envato

Istilong Retro

1. Ang Lovely Slides

Ipakita ang iyong mga larawan, video o portpolyo gamit ang Lovely Slides. Ang templeyt ay may kasamang 75 placeholders at pagkalat ng epekto ng ilaw tulad ng bokeh at lens flare.

Lovely Slides
Lovely Slides sa pamamagitan ng ZuzuZa at Envato

2. Memories II

Ang proyektong ito ay tumutulong sa iyong magdagdag ng 204 larawan o video files at 10 teksto, na may opsyong magdagdag pa kung kinakailangan. Ang isang mahusay na edukasyonal na video ay matutulungan kang magsimula sa iyong paglalakbay na retro.

Memories II
Memories II sa pamamagitan ng Wayman at Envato

3. Ang Kinetica 

Ang Kinetica ay kayang dalhin ang iyong mensahe sa paroroonan gamit ang maganda at dinamikang paglilimbag. May kasamang anim na napapanahong pagpipiliang mga kulay, hindi na magkakaroon ng kakulangan ng pagpipilian kapag iyong na-download ang proyektong ito.

Kinetica
Ang Kinetica sa pamamagitan ng SmallScreen at Envato

4. Vintage Projector Slideshow

Itampok ang iyong mga larawan at mga videos gamit itong projector animation. Ang projector ay umiikot sa iyong mga paboritong larawan at mga videos. Ang templeyt ay may kasamang 40 placeholders at maaari mong palitan ang tiyempo upang umakma sa kondisyon ng iyong proyekto.

Vintage Projector Slideshow
Vintage Projector Slideshow sa pamamagitan ng Alex_watson at Envato

5. Pormal na Templeyt ng mga Pamagat ng Video ng Kasal

Ito ay napapasadyang animated graphics na templeyt para magamit sa malapelikulang panimulang video na pangkasal o iba pang proyektong video. May kasama itong brush-in, formal, at ribbon animations na may halong moderno, retro, at makalumang tema ng paglilimbag, palitan lamang upang umakma.

Formal Wedding Video Titles Template
Pormal na Templeyt ng mga Pamagat ng Video ng Kasal sa pamamagitan ng GerardGerard at Envato

Vintage Templates

1. Kasaysayan sa mga Litrato

Ang makaluman opener na ito ay mahusay na paraan upang itampok ang iyong mga videos o mga litrato. Ang download ay may kasamang parehong maikling bersyon (1:06 na may 19 placeholders) at mahabang bersyon (2:04 na may 40 placeholders) at may kasamang sangguni sa PDF.

History in Photographs
Kasaysayan sa mga Litrato sa pamamagitan ng 3uma at Envato

2. Ang Vintage Memories 

Ang Vintage Memories ay may kasamang parehong litrato and video na bersyon sa download. Hini mo kakailanganin ng kahit anong plugins para dito, buksan lamang at magsimula! May kasamang grunge overlays tulad ng alikabok, gasgas at mga tumatagas na ilaw.

Vintage Memories
Ang Vintage Memories sa pamamagitan ng Vcgmotion at Envato

3. Ang Vintage Film Opener 

May kasamang mainit, at maamong ilaw, ang Vintage Film Opener ay 23 segundo ng purong tikas. Para sa CS5 pataas, ang logo ay madaling palitan at ang download ay may kasamang link sa tampok na font.

Vintage Film Opener
Ang Vintage Film Opener sa pamamagitan ng Dimka4D at Envato

4. Ang Super 8 Bundle 

Ang Super 8 Bundle ay kinunan kasama ang kahanga-hangang Red Epic 5K camera ngunit ito ay ipinalit sa mas user-friendly na 3k. Ang mataas na kalidad na pack ay may kasamang (kasari-sariwang) lahat ng iyong nakikita sa preview—kasama ang teksto at tugtog.

Super 8 Bundle
Ang Super 8 Bundle sa pamamagitan ng PHANTAZMA at Envato

5. Itsurang Makalumang may Kulay na Pelikula 

Kunin ang bisa makulay na pelikula gamit ang pack na ito, na may kasamang 25 na halong kulay, 10 preset na kulay at 10 overlays.

Vintage Color Film Look
Itsurang Makalumang may Kulay na Pelikula sa pamamagitan ng Ruslan-ivanov at Envato

Iyon Lamang, mga Kaibigan

Hindi ko alam sa iyo, ngunit lahat ng mga analogue effects na iyon ay nagbigay sa akin ng nais na pumunta sa itaas para sa aking Commodore 64.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.