15 Kahanga-hangang Mga Tool at Template Para sa Animation sa Adobe After Effects
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
Maging ang mga kahon-kahon na 8bit graphics mula sa ‘80s o ang maemosyon na estilo ng Studio Ghibli, mahal natin ang graphics at animation. Ang isang bagay na hindi natin mahal ay ang napakamaoras na proseso ng paggawa nito. Anong mas mas gaganda pa na makapagbibigay ng dating sa iyong video na proyekto kundi ang ilan sa aming mga paboritong mga template at tool mula sa Envato Market.
1. Ang Freeze Frames: Comic Pack V2
Maganda para sa mga intruduksyon ng sine, video para sa Youtube o kahit mga home video, ang Freeze Frames: Comic Pack ay magdaragdag ng saya at dating sa kahit anong pelikula.



2. Hugis, Hugis, Hugis: Umpisa Pa Lamang ‘To
Sakaling hindi mo nahulaan mula sa pamagat, at template na ito ay tungkol sa mga hugis - higit 100 sa kanila. Tuklasin ang iba’t ibang mga istilo at kulay.



3. Guhit-kamay na mga Motion Clip
Ang pack na ito ay mayroong 30 na guhit-kamay na mga clip na magdaragdag ng halina at tuwa sa kahit anong produksyon. Ito ay madaling gamitin, kunin laman at ilagay sa iyong footage para sa agarang epekto.



4. 15 Dakilang mga Light Transition na Pack
Kulang ba ang dating ng mga transition mo? Sana ba ay may iba kang paraan ng pagpresenta ng iyong mga gawa? Ang susunod ay nakaaakit at maaaring gawing sarili.



5. Elemental 2D FX pack
Nang may higit sa 170 na guhit-kamay na mga FX-animation, hindi ka mauubusan ng ispirasyon sa pack na ito. Hawig sa istilo ng Studio Ghibli, ang mga animation ay maganda ang pagkakalikha at malaki ang maidaragdag sa kahit anong proyekto.



6. Ang Dynamic Cartoon FX Pack
Ang pinakamagandang toolkit para sa mga motion designer at 3D animator, ang Dynamic Cartoon FX Pack ay mayroong higit sa 100 na animation na magagawang sarili, kabilang na rito ang sparks, smoke, fire at water.



7. Anime Motion Lines na Background Pack
Nang mayroong 12 na transition at 12 na madulas na looping background, ang daming posibleng kumbinasyon gamit ng pack na ito. Mabilis at madaling dagdagan ng galaw at kulay an iyong proyekto.



8. 2D Cartoon FX
Pinapaalala sa akin ng 2D Cartoon FX ang mga pinapanood na cartoon tuwing Sabado ng umaga noong bata pa ako, Magdagdag ng reto 2D FC na mayroong makabagong dagdag sa iyong proyekto, at maggunita.



9. 2D Cartoon FX 2
Kung nagustuhan ang 2D Cartoon FX, ika’y matutuwang malamang na mayroon itong pangalawang yugto. Ano ang bago? Ang electricity pack, na mayoong 150 na bagong mga effect, ay maaaring gawin sarili.



10. Mga Elemento ng Future Camera HUD
Sopistikado at kapaki-pakinabang, ang Future Camera HUD Elements Pack ay maganda para sa mga instruksyonal na mga video, silip sa mga laro, at marami pang iba. Ang pack ang mayroong iba’t ibang interface, tracking target, at loading element, upang mabigyan ka ng espasyon para sa pag-ayos ng iyong proyekto.



11. Mga Light Leak at Bokeh Vol 1
Ang pagdagdag ng analog na mga artifact tulad ng light leak at bokeh ay maaaring bigyan ang iyong video o animation ng marahan, ngunit makapangyarihan, na pakiramdam ng pagiging sarili. Drag-and-drop lamang at maaari mo nang dagdagan ng magandang mga light effect ang iyong proyekto, maging nag-iisa lang o may kumbinasyon sa iba.



12. 80s Retro Futurism Background Pack vol.3 4K
Mga Pez dispenser, nakapagtatakang perm, ang Walkman… ang pack na ito, buti na lamang, ay walang bakas ng mga klasikong parte ng 80s na mga ito. Ang mayroon ito ay magagandang mga background na maaaring i-loop, na dadalhin ka sa panahon ng Tron.



13. 8BitToons FX
Ang 8BitToons ay magugustuhan ng mga mahilig mag-arcade. Ito ay mayroong tumataginting na 735 na animation na magdaragdag ng retro na dating na mayroong modernong dinamiko sa iyong proyekto.



14. ToonsTool (FX Kit)
Nang may 400 na effect, 24 na transition, 20 na lower-third at 40 na motion element, ang malaking koleksyon laman na ito ay iyong kakailanganin upang magdagdag ang animated na dating sa iyong proyekto. Lahat ng elemento ay vector, kaya maaari mong i-scale nang hindi mawawala ang kalidad.



15. Ang Glitch Theory (UltraHD Distortion Kit)
Ang Glitch Theory ay mayroong 864 na glitch element, 28 na overlay, 39 na light leak, 28 na TV noise, at isang intro template. Ang mga elemento ay madaling gawing sarili, ngunit ang download ay mayroong nakatutulong na tutorial na video kung sakaling maligaw.



At iba pa…
Kung nais mong magdagdag ng espesyal na katangian ang iyong proyekto sa After Effects, heto ang ilang artikulo kung saan maaari kang magsimula:
- 21 Scripts to Supercharge Your Adobe After Effects Workflow: Sa artikulo na ito, pinagsama-sama namin ang ilan sa aming mga paboritong mga script mula sa VideoHive upang hindi gumastos ng oras at hirap sa After Effects.
- How to Create Dynamic Backgrounds With After Effects: Matutunan kung paano lumikha ng dinamikong mga background gamit ang effect na CC RepeTile, Fractal Noise, at gamit ng mga batis mula sa mga website.
- Tear & Curl Paper in After Effects: Sa tutorial na ito, ika’y lilikha ng animation ng pinupunit na papel gamit ang After Effects.


