Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Adobe After Effects
Photography

15 Usong, Superhero-Inspired na mga Adobe After Effects Template

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Mga heroes, mga heroes kahit saan

Ang buong mundo ay baliw na baliw sa mga superheroes at hindi maaaring hindi tayo makakita ng isang sinusubukang iligtas ang mundo... o wasakin ito tuwing nagbubukas tayo ng TV. Tuklasin ang aming koleksyon ng Envato Market After Effects Templates. Siguradong super ang mga ito (sorry).

1. 25 SuperHero Trailer Titles Pack

Gamit ang mga pamagat na halaw sa ating mga kilalang karakter, hindi ka mauubusan ng effects sa Superhero Trailer Titles Pack. Ang template na ito ay nangangakong madali itong gamitin, at may kasama pang help file kung sakaling ikaw ay ma-stuck.

25 SuperHero Trailer Titles Pack
25 SuperHero Trailer Titles Pack batay sa Envato at xFxDesigns

2. Superhero Games Trailer- Mga Sinematikong Pamagat

Ang dynamic na title sequence at 3D na intro ay magbibigay sa ‘yong project ng pakiramdam na para bang nanonood ka ng sine. Ang template na ito ay may 8 placeholders at 17 textholders, kaya naman pupuwede mo itong baguhin sa kung anong nais mo!

Superhero Games Trailer - Cinematic Titles
Superhero Games Trailer - Mga Sinematikong Pamagat batay sa Envato at Maksmovie

3. Cinematic Light Rays Logo

This nifty template works with any logo or text, without the need for further plugins. The Cinematic Light Rays download comes with a video tutorial to guide you through the editing process.

Cinematic Light Rays Logo
Cinematic Light Rays Logo batay sa Envato at piktufa

4. Superhero Logo

I-animate ang iyong logo sa paraang tunay na pang-superhero gamit ang template na ito. Kung wala ka namang logo, hindi mo kailangang mag-alala, gumagana din ito sa text, at may kasamang dalawang bersyon sa isang eleganteng 3D style.

5. Heroes Logo

Madaling i-customize, ang Heroes Logo na download ay hahayaan kang gumawa ng mga pagbabago sa kulay, tagal, camera at kahit pa ang animation styles-na tutulong sa iyong makagawa ng totoong flexible na proyekto.

Heroes Logo
Heroes Logo at hgungor

6. Epic Trailer

Ang proyektong ito ay nangangailangan ng Element 3D v2 na plugin, ngunit sa oras na na-install mo na ito, maaari ka nang mag-relax at i-enjoy ang iyong full HD, madaling i-customize, na Epic Trailer.

Epic Trailer
Epic Trailer batay sa Envato at PROSPEKT_PL

7. The Amazing Spider Web - Intro / Credits

Maramdaman ang pagiging Peter Parker gamit ang Amazing Spider Web Intro at Credits na sequence. Nasa full HD at hindi na nangangailangan ng iba pang plugins, at may kasama pang pagtuturo, ang proyekto mo ay magiging tunay na pang-superhero sa lalong madaling panahon.

The Amazing Spider Web - Intro Credits
Ang Amazing Spider Web - Intro / Credits batay sa Envato at byDimas

8. Ang Pakikipagsapalaram sa Galaxy 

Ang download na ito ay naglalaman ng 6 na placeholders na madaling i-customze. Halaw sa Star Trek, ang iyong proyekto ay matapang na tutungo where no credits ever gone before... ahem.

Galaxy Adventure
Ang Pakikipagsapalaram sa Galaxy batay sa Envato at WesJamesMarsh

9. And Mundo ng mga Zombie: Season 2

Makigulo na sa zombie fever gamit ang customizable na template na ito, updated mula sa orihinal na Zombie World. Ang download na ito ay mayroong 23 na footage mula sa mga eksena sa horror at 30 placeholders upang totoong manginig sa takot ang iyong mga tagapanood.

The Zombie World Season 2
And Mundo ng mga Zombie: Season 2 batay sa Envato at WesJamesMarsh

10. Dark Logo

Ang Dark Logo ay perpekto para sa madilim, sinematiko o dramatikong pagbubunyag ng logo. Hindi mo kakailanganin ng karagdagang plugin upang magamit ito, at may maaasahang video tutorial na kasama, pati na rin ang mga link sa mga tugtog at tunog na ginamit.

Dark Logo
Dark Logo batay sa Envato at PROSPEKT_PL

11. Glitch Action Trailer

Ang Glitch Action Trailer template ay mayroong 20 media holders para sa mga video o mga larawan, saktong-sakto para sa mga movie trails, panimula o mga video presentation. May kasama din itong tutorial upang magabayan ka sa tamang proseso.

Glitch Action Trailer
Glitch Action Trailer batay sa Envato at PROSPEKT_PL

12. Cinematic Trailer

Sa habang isang minuto, ang Cinematic Trailer template ay perpekto para sa panguudyok sa iyong mga manonood ng susunod na mangyayari. Magdagdag ng kaunting class at misteryo sa iyong proyekto, ang pagdadownload ay madaling i-edit at walang karagdagang plugin na kailangan.

Cinematic Trailer
Cinematic Trailer batay sa Envato at PROSPEKT_PL

13. Dark City

Ipakita ang iyong pagiging malikhain gamit ang Dark City Template. Gamit ang sampung natatanging animated scenes, maaari mong baguhin ang mga kulay, pamagat at mga litrato upang gawin itong bagay na bagay sa iyong proyekto.

Dark City
Dark City batay sa Envato at 15owls

14. Misteryosong mga Titulo

Hindi misteryo kung bakit mahal natin ang title sequence na ito! Taglay ang mga eye-catching na mga kulay at matikas na graphic design elements, ang iyong proyekto ay hindi mabibigong umangat sa iba.

Mysterious Titles
Misteryosong mga Titulo batay sa Envato and 15owls

15. Last Hero II (Ang Huling Laban)

Gamit ang 29 na eksena at 22 piraso ng animated na ink footage, maaari kang makagawa ng isang bagay na talagang maaalala at katangi-tangi gamit ang Last Hero II. Idagdag lang ang iyong sariling mga imahe, teksto at tugtog.

Last Hero II The Final Battle
Last Hero II (Ang Huling Laban) batay sa Envato and Wayman

Maaaring magustuhan nyo rin ang...

Dahil mukhang nasasayahan kayo sa mga superhero, may mga pinagsama-sama kaming mga artikulo para sayo.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.