Unlimited After Effects and Premiere Pro templates, stock video, royalty free music tracks & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Video
Photography

15 Nangungunang mga After Effect na Template para sa mga Bidyong Pang-Bahay at Lupa 

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang mga template sa Adobe na may mga After Effect ay pinapayagan kang gumawa ng customised na proyektong bidyo nang hindi nangangailangan ng maraming oras para gumawa ng sarili mo. Dito, pinagsama namin ang aming mga paboritong Envato Market mga template para tulungan kang gumawa ng nakakabilib na mga promosyon para sa iyong ari-arian o negosyong bahay at lupa. 

1. Bahay at Lupa Pro

Mag-anunsyo ng isa o maraming mga ari-arian gamit ang mga napili mong tatlong estilo: Elegante, Moderno o Klasiko. Kasama sa template na ito ang entrepanyo sa pagkontrol ng disenyo para makagawa ka ng mga pagbabago sa paraang mabilis at pleksibol. 

Real Estate Pro by LoopdeLoop and Envato
Bahay at Lupa Pro sa pamamagitan ng LoopdeLoop at Envato

2. Paketeng may Buong Bidyo para sa Bahay at Lupa 

Nagwagi ng Envato Pinakamahusay na AE Template para sa bahay at Lupa at Pinakamahusay na Maramihang Ari-Ariang Showcase Template, ito ay lahat-nasa-isa na kagamitan para sa paggawa ng nangungunang mga presentasyong pang-bahay at lupa. Kasama ang mga elemento ng mapa at bidyo para gabayan ka sa mga tampok para tulungan kang ibahagi at ibenta ang iyong ari-arian. 

Real Estate Full Video Pack
Paketeng may Buong Bidyo para sa Bahay at Lupa sa pamamagitan ng Frollibas at Envato

3. Eleganteng Presentasyong Pang-Bahay at Lupa 

Eleganteng Presentasyong Pang-Bahay at Lupa ay pwedeng gamitin para sa layuning pang-promosyon o magpakita ng ari-ariang ibebenta. Hindi mo kailangan ng mga plugin para baguhin o i-customize ang template na ito, gumawa lamang ng sarili mong bidyo na presentasyon at simulang i-anunsyo ang iyong negosyo sa paraang malikhain.

Elegant Real Estate Presentation
Eleganteng Presentasyong Pang-Bahay at Lupa sa pamamagitan ng Yeremia at Envato

4. Bahay at Lupa ProMay Kasamang Kinetikong Tipograpiya

Ito ay simple, malinis na template na espesyal na ginawa para sa sinumang gustong magdispley at magpakita ng serbisyo, pook-sapot o negosyo sa paraang kaakit-akit. Pwede mong gamitin ang bawat tanawin nang magkakahiwalay, at mag-order ulit kapag kailangan. 

Real Estate Promotion With Kinetic Typography
Bahay at Lupa Pro May Kasamang Kinetikong Tipograpiya sa pamamagitan ng Ouss at Envato

5. Bahay at Lupa Pro SlideShow

Magtampok ng hanggang walong mga ari-arian sa isang loop, bawat isa may apat na mga imaheng placeholder, tatlong tagahawak ng teksto at isang tsapa. Gamit ang madaling disenyong kontrol, ilang klik lang ang kailangan para baguhin mo ang iyong layout. 

Real-Estate SlideShow Pro
Bahay at Lupa Pro SlideShow sa pamamagitan ng Marnica at Envato

6. Bilhin ang iyong Pangarap na Bahay 

Ito ay isang AE na proyekto na akma sa promosyon ng bahay at lupa at ang konseptong pagbili ng pangarap na bahay. Ang animation ay madaling gamitin para sa mga bagong bahay na ibebenta, sangla o pautang sa bahay, seguro ng bahay, mga patalastas, bidyong pang-promosyon at marami pang iba. 

Buy a Dream Home
Bilhin ang iyong Pangarap na Bahay sa pamamagitan ng Creativethings at Envato

7. Slideshow II

Kapag kailangan mong magpakita ng mga litrato na may mga paglalarawan ito ang template na para sa iyo. May mga tatlong bersyon na kasama, pinapayagan ka hanggang 75 na mga litrato at ang pag-download ay madali lamang gamit ang mga panuto sa bidyo na sasabihin sa iyo lahat ng kailangan mong malaman. 

 Slideshow II
Slideshow II sa pamamagitan ng Robertojorge at Envato

8. Urbanong Abot-Tanaw 

Akma para sa mga proyektong may kasamang mga DVD na pang-bahay at lupa o may kinalaman sa mga gusali at buhay sa siyudad. Ang pagpalit ng hugis ng gusali ay simple, gumuhit lamang ng maskara sa kanilang patong sa proyekto. 

Urban Skyline
Urbanong Abot-Tanaw sa pamamagitan ng Aeyaz at Envato

9. Bahay at Lupa

Ang proyektong ito ay tutulungan kang ipaliwanag ang mga detalye at hitsura ng iyong bahay. Ang template ay nasa buong HD na resolusyon at naghahain nang mabilis, sinisiguradong magagawa mo ang mga mahahalagang bagay - tulad ng pagbenta ng ari-arian!

Real Estate
Bahay at Lupa sa pamamagitan ng Harut108 at Envato

10. Presentasyong Bahay at Lupa

Madaling gamitin, presentasyong madali ang paghain para sa ahensiya ng bahay at lupa. Sa Presentasyong Bahay at Lupa may pleksibilidad, kaya pwede mong ayusin ang kulay at estilo na akma sa iyong mga pangangailangan. 

Real Estate Presentation
Presentasyong Bahay at Lupa sa pamamagitan ng Zigzagstudio at Envato

11. Bahay at Lupa Promo

Ang template na ito ay may dalawang mga proyektong payl para sa ekstra na placeholder na mga opsyon. Isang simpleng istrakturang modular ang dahilan kaya madaling ayusin at may kasamang bidyong tutoryal para gabayan ka sa proseso. 

Real Estate Promo
Bahay at Lupa Promo sa pamamagitan ng Aronzblackz at Envato

12. Presentasyong Bahay at Lupa

Presentasyong Bahay at Lupa ay simple, malinis at organisadong template. Idagdag lamang ang iyong teksto; magpasok ng midya at logo, at palitan ang mga kulay para akma. Isang madaling gamiting bidyong tutoryal para tulungan kang magsimula. 

Real Estate Presentation
Presentasyong Bahay at Lupa sa pamamagitan ng ATIKO at Envato

13. Ahensiya ng Bahay at Lupa

Gumawa ng simpleng galeriyang midya sa loob ng sampung minuto gamit ang template na Ahensiya ng Bahay at Lupa. Gamit ang iba't-ibang mga opsyon sa estilo at eleganteng animation, mamimihasa ka sa mga pagpipilian kapag ginagawa mo ang iyong proyekto. Isang maayos na PDF tutoryal ang tutulong sa iyo habang ginagawa mo ito. 

Real Estate Agency
Ahensiya ng Bahay at Lupa sa pamamagitan ng Mix-motion at Envato

14. Presentasyon para sa Bahay 

Lahat customisable at simpleng gamitin, ang template na ito ay hindi nangangailangan ng anumang mga plugin at organisado, ang oras ng paghain ay madali. Idagdag ang iyong sariling musika para maging bukod-tangi ang iyong proyekto, akma sa iyong negosyo. 

15. Real Estate Property Showcase

Ang Ari-Ariang Showcase ay simple at eleganteng template na dinisenyo para magdispley ng mga bahay at lupa gamit ang estilong propesyonal. Hindi nangangailangan ng mga plugin at ang template ay naglalaman ng 3 magkakaibang mga estilo, bawat isa ay pwedeng i-customise. 

Ano Ang Iyong Paboritong Template na Pang-Bahay At Lupa? 

Umaasa kami na naisyahan ka sa napanood mo, pero kapag sa tingin mo may sobrang ganda at husay na mga After Effect ng template para sa bahay at lupa na hindi kasama dito, ipaalam mo sa amin!  

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.