Birthday Sale! Up to 40% off unlimited courses & creative assets Birthday Sale! Save up to 40%!
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Drones
Photography

Ang 15 na Pinaka-nangungunang Audio Track para sa mga Video ng Drone

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ilarawan ito ngayon: Kaaya-aya at kapana-panabik na footage na nakunan ng isang drone habang ito ay nakamasid sa isang tanawin. Ngayon, isipin mo ang tema ng Sesame Street na pinatutugtog kasabay nito. Iyan ay ibang uri ng vibe at ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ang mainam na pagpili ng iyong track.

Hindi maikakailang Kahanga-hangang Sasakyan

Pinagsama-sama namin ang 15 na mga paborito mula sa Envato's Audio Jungle upang tulungan kayong hanapin ang tamang tunog para sa iyong UAV video.

1. Ang Timelapse Background

Ang Timelapse Background ay isang moderno, magilas na electronic track na nagtatampok ng mga sinematikong tunog, mga breakbeat drum at deep bass;  tamang-tama para sa anumang malikhaing video na proyekto.

2. Ang Inspiration Orchestra

Isang kahanga-hanga at nakakapukaw na komposisyon para sa background music ng video ng iyong drone. Ang mga instrumentong itinampok ay tselo, byolin, at brass.

3. Ang Inspiring and Uplifting Cinematic Trailer

Isang may pag-asa, nakakahikayat na piyesa na nagsisimula ng mahina at bumubuo ng sinematiko, positibo at pampasiglang mga tunog. Ang piyano at ang isang buong orkestra ay lumilikha ng isang may dating na kasimplehan na nagnanais magbigay inspirasyon, magdala ng habag at maghikayat. Kabilang dito ang mga pre-cut edit na walang mga bleed.

4. Ang Firefly In A Fairytale

Kumakatawan sa landas ng isang alitaptap, ang track na ito ay gumagamit ng kampanilya at tunog na nagmumula sa synth upang makalikha ng simple ngunit maka-kalangitang bagay.

5. Ang Heaven on Earth

Ang Heaven on Earth ay isang emosyonal na track, na dinisenyo upang umakma sa isang dramatikong produksyon. Ang track na ito ay binuo upang magbigay ng lakas at drama.

Drone
Ang Drone image via Photodune

6. Ang Inspiring Storytelling

Ito ay isang emosyonal at isang piano-based track na magandang mapagmuni-munihan, puno ng nakapagpapasiglang mga seksyon, na angkop para maging background sa kahit na anong makapukaw-damdaming proyekto. Ang piyesa na ito ay akma sa mga sentimental, nostalgic o romantikong proyekto pati na rin ang mga nakahihikayat o nakaaantig na video.

7. Dubai

Ang Dubai ay nagsisimula ng mahinahon, bago ito nagiging mas komplikado. Ang piyesang ito ay kumuha ng inspirasyon mula sa imahe ng Dubai: skycraper, init at ang kasaganaan.

8. Ang Chillout

Ang Chillout ay isang malinis at nagbibigay inspirasyon, na ambient track na may malakas at matatag na ritmo. Ipikit ang iyong mga mata at isipin mong ikaw ay lumilipad sa ibabaw ng mga bundok sa piyesang ito. Pagkatapos, ilagay ito sa video ng iyong drone at di mo na kakailanganin pang magpanggap.

9. Ang Uplifting Emotional Piano Pop

Angkop para sa malawak na saklaw, ay isang nagbibigay inspirasyon, malakas, at isang piano pop track. Ang “Uplifting Emotional Piano Pop” ay tumataas ng tuloy-tuloy na may kasamang nakapagpapasiglang tunog ng piyano, umaalingawngaw na tinig, at atmosperikong gitara.

10. Ang Emotional Indie Rock

Ang piyesa na ito ay mabagal sa simula at tuloy-tuloy bago ito nagiging isang mataas na crescendo. I-slow-mo ang iyong drone, bago pabilisin ang tiyempo at bigyan ito ng napakagandang katapusan.

New York Aerial Shot
Ang Image via Photodune

11. Ang Relax

Ang Relax, na makukuha mo nga sa pangalan nito, ay isang kalmado, mahinahon at mabagal na track, na may mid-tempo na ritmo upang ito ay hindi iwanan ng iyong mga manonood sa kalagitnaan ng video!

12. Ang Abstract Motion

Ang Abstract Motion ay isang banayad na electronic track na itinatampok ang mga organic na tunog at mga electronic texture.

13. Ang Epic

Makaantig-damdamin at emosyonal. Isipin mo na ang mga Hobbit, sa wakas, nakarating na sa Mount Doom. Kung walang mga hobbit (o salamangkero, o duwende) sa iyong produksyon,  ito ay magiging magandang pakinggan sa ibabaw ng nakamamanghang senaryo.

14. Ang Memories

Ang download na ito ay mayroong apat na bersyon na angkop sa iyong pangangailangan. Ang malumay na musikang mula sa piyano ay pupukaw ng damdamin ng kapayapaan at nostalgia, kaya punasan ang luha mula sa iyong mata at ilagay ito sa iyong emosyonal na video para sa mga makabagbag-damdaming reaksiyon.

15. Ang electronic

Ang electronic ay isang moderno, upbeat at abstract na piyesa at madaling i-edit para i-loop kung kinakailangan.

Ang Droning On

Gusto mo ba ng iba pang tulong at inspirasyon sa iyong mga drone na proyekto? Naisip namin na baka kailanganin mo, kaya heto ang ilan sa mga tutorial na pinili namin upang makatulong sa iyo.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.