20 After Effects Template na Websites
() translation by (you can also view the original English article)
-
VideoHive
Syempre sisimulan natin gamit ang ating sister site sa Envato network! Ang VideoHive ay may akmang presyo para sa mga materiyales, sari-saring mga kategorya, at kaunting social network na kasama. Maari kang magkamit ng mga badge, makisali sa mga forums, mag-rate, mag-iwan ng comments, at halos lahat ng iba-ibang klaseng mga bagay. Ito ay isang napaka-komprehensibong site, at mayroon pang mga stock footage at siksik na motion graphic videos rin na hindi na gaanong mangangailangan ng project files.
-
RevoStock
Ang RevoStock ay matagal nang narito, mas matagal pa kaysa sa ibang nasa listahan, at mayroon silang malawak na koleksyon ng templates. Ang mga ito ay nagkakahalaga mula $10 hanggang $50, ngunit ang kalidad, haba at propesyonalismo ay umuunlad kasama nito. Maging ito'y simple o isang corporate commercial, may makikita ka para sa lahat.
-
Red Giant People
Kakalunsad lang dalawang araw na ang nakakaraan, and Red Giant People ay parang kuya ng lumipas nang Trapcode People. Ito ay isang network na nagbibigay ng mga libreng presets at project files, at pati na rin mga premiere packages mula sa ilang mga kilalang pangalan sa mundo ng graphics, na nakatutok lang sa mga produkto ng Red Giant.
-
Digital Juice
Ang Digital Juice ay mayroon na ata halos lahat pagdating sa mundo ng pagpopost. Ang lahat ng kanilang mga toolkit gaya ng Motion Designer’s Toolkit o ang Editor’s Toolkit, lahat ay mayroong mga malulupit na graphics na maaari mong gamitin bilang stock, ngunit maaari mo ring baguhin ang mga graphics mula sa kasamang After Effects project files na kasama sa packages!
-
AE Dude
Mayroong mga 15 na templates sa site na ito, lahat ay high quality, sobrang maraming elements, sobrang makulay, at lahat ay full HD. Ang presyo ay nasa mula $15 hanggang $90 para sa mga high quality, kaya naman tignan mo na!
-
BlueFX
Ang Gyrofi Szilard ay tumatakbo sa BlueFX, at ito ay isang talaga naming presentableng site. Mayroon itong walkthrough video para sa mga bagong customers, mainam na pagpipilian ng mga astig na templates, at kasama ng mga template na ito, maaari mong panuorin ang mga pagtuturo o sundan ang kanyan blog para sa mga karagdagang impormasyon.
-
RuffKut Media
Hindi lamang nagbebenta ng templates ang RuffKut Media, mayroon din silang mga pagtuturo sa kanilang site, at mula pa sa ibang panig ng internet para sa iyong ikakapanatag.
-
AE Projects
Ang susunod ay talaga namang nakuha ang pinakamahusay na domain name para sa uri ng negosyo nila... AEPROJECTS.com. Hindi pa nila gaanong naa-update ang kanilang tindahan, ngunit mayroon silang nasa sampung proyektong maaaring makuha at ilang mga pagsasanay at mga presets na kalakip.
-
Ang Video Copilot
Alam kong madadaya ako kung hindi ko itatampok ang VC sa roundup na ito, mga salbahe. Kung kilala ninyo si Andrew at ang kanyang libreng mga project files mula sa kanyang mga pagtuturo, may mga kasama din syang project files mula sa bawat isa sa kanyang mga proyekto at pinapakita nya rin kung papaano ito gagamitin. Kaya naman tuklasin nyo na ang mga produkto nya at mabaliw sa mga kasamang file.
-
AfterEffectsProject.com
Napakasimpleng pangalan, napakahusay na mga project files. May mga project files silang nagaganap sa mga football at soccer fields, mga openers, mga title sequences at maski pa mga package na makukuha mo sa murang presyo pag bumili ka ng maramihan!
-
Max After
Ang MaxAfter.com ay isa sa mga paborito kong tutorial sites, at kasama pa ng kanyang mga blog at mga pagtuturo, may malaki din siyang tindahan na puno ng mga interesante at kakaibang mga project files na ibinebenta. Ang ilan ay mababa ang presyo, ang iba ay may kamahalan, pero lahat ay tunay na da best.
-
Ang Planet AEP
Mas gusto ko itong tawaging...”Planet of the AEPS” haha... marami kang mga kategoryang pwedeng pagpilian dito, mga individual files, o kahit pa mga malaking packages na maaaring i-download sa halip na maramihang pa-isa-isa.
-
Ang We Make Motion
Taglay ang isang site na madaling i-navigate, maaari kang magbrowse sa lahat ng mga produkto sa isang page, panoorin ang mga kasamang video sa Youtube, at mamili mula sa sari-saring mga formats na pwedeng i-download.
-
Ang Your Wedding in Motion
Ang kapatid na website ng We Make Motion, ang site na ito ay nakatutok lamang sa pangkasal na After Effects Templates, at ang tanging site na ganito ang tema. Pinapadali nitong mahanap ang mga kailangan mo, at kung hindi mo trip itong baguhin, maaari mo silang arkilahin para gawin ito para sa iyo.
-
Ang Drop Drop
Ang mga tropa nating ito ay mayroong malupit na site, at mga kahanga-hangang preview videos at mga projects na puwedeng-puwede mo mai-download. Medyo mataas ang presyo nito, pero kung makukuha mo naman ang eksaktong kailangan mo, sulit na sulit na ito. Kasi kung ikaw ang gagawa, baka kung kalian mo pa ito matapos, hindi ba?
-
Ang Broadcast GEM
Ang site na ito ay tila mukhang galing sa GeoCities era, ngunit ang kanilang mga projects ay hindi na ganoon kasama. Kailangan mong i-download ang mga MPEG-1’s upang makita ang mga ito ngunit packages sila kung magbenta sa halip na mga single files.
-
Ang Motion | VFX
Kahit na ang kanilang Apple Motion template library ay mas malaki kaysa sa After Effects, mayroon pa rin silang malaking pamilian ng templates. Ang lahat ng kanilang mga produkto ay nasa 1080p, at mayroong stock video, mga animated elements at iba pang mga kasamang libre!
-
Ang Digital Video Team
Ang mga tropang ito ay nagsespecialize sa DVD Menu Packages kasama na rin ang After Effects na mga project file, na nakabase sa Adobe Encore para sa DVD Menu na bahagi ng paggawa. Mayroon silang malaking pagpipilian ng daan-daang iba –ibang proyekto, ngunit hindi lahat ay gumagamit ng AE. Mayroon din silang nakalaang mga lugar para sa mga proyektong gaya ng SD, HD, 720p na mga menus, at marami pang iba.
-
Ang Professional Video Templates
Ito ay isang mas maliit na site, ngunit mayroon silang mga magagandang bagay na ibinebenta, pati na rin ilang mga bulto, kaya naman maaari kang makatipid sa pagbili ng maramihan.
-
Ang Adobe’s After Effects Exchange
Ang Adobe ay may sariling database na maaaring pag-uploadan ng iba ng kanilang mga libreng template o di kaya’y i-link ang mga template na gawa nila sa ibang sites, gaya ng ilang nasa itaas. Magandang site ito na antabayanan, maaari kang makakuha ng ilang mga libreng bagay, o iang template mula sa ibang site na hindi mo nakita noong una.
Minsan, kukulangin ka sa oras sa paggawa ng isang proyekto, lalo na kung may mga barat kang kliyente, maiikling deadlines, o kailangan mong samahan ang iyong anak sa kanilang mga soccer practice. Salamat sa Diyos at mayroong mga After Effect template sites na talagang maaasahan natin! Kung kailangan mo ng mabilisang project file upang magpalit ng mga imahe, baguhin ang ilang mga kulay, at hayaan na ito, narito ang iilang mga pagpipiliian mula sa interwebz upang magawa mo yon!
Kung nagustuhan nyo ang post na ito, sana’y bigyan nyo ito ng vote sa Digg o isang stumble bilang pasasalamat!