Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Video
Photography

30 Mga Nangungunang Bagay mula sa VideoHive Front Page, Taglamig 2017

by
Length:LongLanguages:
This post is part of a series called Market Watch: Current Styles and Hot Trends in Video.
30 Top Items From the VideoHive Front Page (Winter 2018)
50 Top Adobe After Effects Projects and Templates to Watch in 2017

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Envato's pangkat ng pang-kaledad ay palagiang pumipili ng pinakamahusay na mga bagay. Isang maliit na bilang ng mga bagay ang naka-abot sa inaasam na “featured items”  na nakalugar sa itaas ng VideoHive home page. Sa artikulong ito, tuklasin ang mga video project files at stock footage clips na naitampok sa VideoHive sa loob ng nakalipas na anim na buwan:

Glitch Transitions 4K

20 glitch transitions, para sa simple’t kahanga-hangang itsura. 3840×2160 resolution, 29.97 fps. Madaling gamitin, tugma sa  Adobe Premiere, Adobe After Effects, Final Cut, Sony Vegas, Movie Maker, Avid at iba pang editing software.

Glitch transitions green on black
Glitch Transitions 4K

Ang Short Clean Logo

Simpleng logo inihayag. Full HD at 4k resolution, walang plugins na kinakailangan. Dalawang bersyon ang kasama, gumagana sa kahit anong wika, kasama ang pagtuturo. Ang lahat ay gawa sa masks at mga hugis, kung kaya’t matamo mo ang full controller at madaliang customization. Napaka-bilis na gawin.

Ang Light Leaks Pack

Ito ay kakaibang pangkat ng elemento na maaring ilupi bilang isang constructor para sa di mapanghimok at magandang light leaks. 32 light leaks na katangi-tangi at gagayak sa iyong videos. Full HD resolution, madaling gamitin sa Adobe Premiere, Adobe After Effects, Final Cut, Sony Vegas, Movie Maker, Avid at iba pang editing software.

Skateboarder with light leaks
Ang Light Leaks Pack

Ang Harbor with Cargo

Ito’y simple ngunit kapansin-pansin na video na kuha ng drone mula sa itaas ay nagbibigay ng makulay na tanawin ng lakas ng pandaigdigang kalakalan: paglayag sa karagatan ng mga shipping containers.

Shipping containers sit beside a harbour
Ang Harbor With Cargo

Ang Parallax Media Opener

Ang After Effects project ay kapaki-pakinabang sa paglikha ng promos at intros na may makatawag pansin na parallax effect. Ito’y akma sa paglikha ng demo o promo reels, presentasyon, telebisyon o iba pang media openers.

Tampok full HD 1920×1080, easy global control sa particles, mga titulo at kalabuan ng linya, kayarian at light leaks. Gumagamit ng modular structure, bawat eksena ay may sariling control layer para mapalitan ang kulay ng mga teksto at mga hugis. Walang third party plugins na kinakailangan, walang pre-renders. Ang proyekto ay mahusay na naka-ayos nang may marka at mga komento, at ito ay simpleng gamitin, baguhin at i-customize. Kabilang dito ang PDF help file na may sanggunian na imahe at detalye ng font.

Parallax style media opener titlecard
Ang Parallax Media Opener

Ang Gold Particles Background

At narito ang ating kandidato para sa kategoryang “Pinakamahusay na Background sa Awards Show Video”: Gold Particles Background. Ito’y kahanga-hangang mga seamless loop ng marangyang nagpa-ikot ikot na gold particles sa full HD, 30 fps.

Ang Clean Business Company Profile

Ang perpektong After Effects project para ipakilala ang isang serbisyo, produkto, timeline o profile ng kumpanya. Full HD,  29.97 fps, walang plug-ins na kinakailangan, madaling i-customize. Kasama ang Video tutorial.

Ang Real Estate Pro

Lumikha ng sarili mong real estate video sa pamamagitan ng kahanga-hangang template na ito. Ianunsyo ang mga pag-aari sa pamamagitan ng tatlong istilo: elegante, moderno at klasiko. Design control panel ay kasama-palitan ang disenyo sa pamamagitan ng ilang pag-click. Ang flexible structure ay pinahihintulutan kang lumikha ng walang limitasyong pangkat ng mga pag-aari, na mayroon sampung yunit na pre-built.

Ang Dancing Particles Lower Third

Magdagdag ng kinang sa iyong palabas, pelikula, dokumentaryo, presentasyon, o video project sa pamamagitan ng lower thirds template. Full HD, broadcast quality, sa pamamagitan ng alpha channel. Tatlong magkakaibang kulay ang kasama, sa tatlong magkakahiwalay na files.

Ang Ice Freezing Pattern

Panuorin habang ang Freezing Ice crystals ay mabilis na gumagapang sa ibang panig ng itim na background. Ito ay isang pisikal na epekto at hindi computer generated: isang kemikal na reaksyon na mukhang nagyeyelong tubig sa bintana. Ang reaksyon na ito ay tumatagal lamang ng apat na minuto. Makakakuha ka ng dalawang bersiyon ng parehong video:

  • Ang isang bersyon ay pinabilis sa 20 segundos na may png compression at prekeyed na may alpha
  • Ang orihinal na palabas (h264 compression) sa kasalukuyang oras (4 na minuto at 9 na segundo), Ito’y tamang-tama upang palitan ang bilis at gawin itong matulin ayon sa iyong nais. Ang bersyon na ito ay walang alpha channel ngunit mayroon itong itim na background para mas madali itong humalo sa pamamagitan ng pagpili sa Screen mode.
Ice crystals
Ang Ice Freezing Pattern

Ang Red Conference

Apple Motion template: lumikha ng masidhing, dynamic conference video.

Design Overhead Desk na may Wireframe at Computer

Overhead desk view ng isang taga-disenyo na nagtatrabaho sa kahoy na lamesa.  Wireframing at web design ay kasalukuyang nagaganap sa isang computer sa di kalayuan habang ang taga-disenyo ay naka-pokus sa ibang monitor. Parte ng mga serye ng nakatagong videos ng may-akda, brianckaufman, sa hipster designers at work.

 Ang Christmas Newsletter ni Santa

Sundan si Santa habang siya ay namamahinga sa harapan ng kanyang tsiminea sa bahay ilang sandali bago mag-Pasko, habang tumitingin sa kanyang paboritong diyaryo. Ngunit saglit lamang! Ang dyaryo ni Santa ay ang newsletter ng iyong pamilya, puno ng iyong sariling litrato, mga ulo ng balita at artikulo  na sakop ang nakakatuwang taon na nagdaan.

Ang Christmas Newsletter ni Santa ay isang Adobe After Effects template na madaling i-customize, kahit na ikaw ay baguhan sa After Effects. Mayroon detalyadong video user guide at step-by-step na PDF guide din.

Snow

Tatlong kakaiba, Ultra HD, seamlessly loopable snow at snowflakes overlay animations. Isang transparent na may Alpha, Snow ay lubos na gumagana sa kahit anong editing programs: drag-and-drop video o mga litrato, at igawad. Napapadaling loop para sa kahit anong tagal.

Student Fun

“Dalawang kabataan, malusog at kahali-halinang mga tao ang nag-aaral ng sabay sa aklatan ng unibersidad o kolehiyo. Sila ay nagbabasa ng libro at nangangalap ng impormasyon para sa paper work o konspektus. Ang proseso ng pag-aaral na ito ay bilang paghahanda para sa pagsusulit. Ang babae ay nagkukwento ng nakakatawang istorya o biro at sila’y parehong tumatawa. Ang lalaki ay ngumiti at sinubukang manahimik. Ang kanyang kasamahan ay napaka-siglang babae at hindi siya mapigilang magsaya sa silid-aklatan.

“Ang palabas ay napaka-saya, masigla, at romantiko. Ito’y naaangkop sa tema gaya ng komunikasyon ng mga tao, harutan ng kabataan, nagkakasiyahan at malokong mga kamg-aral. Saya ng pagkakaibigan, nobya at nobyo, magagandang emosyon at mga pambihirang karanasan sa kolehiyo.”

FCP YouTube Essentials

Ang proyektong ito ay kabilang ang lahat ng iyong kailangan upang markahan ang iyong mga videos para sa social media, lalo na sa YouTube. Kabilang dito ang apat na lower thirds, walong hayag ng logo, anim na pagbabago, anim na end screens, tatlong box-screen placeholders, limang half-screen placeholders  (kaliwa at kanan panig), at limang full-screen placeholders (kaliwa at kanan panig).  Ang Video tutorial na kabilang sa project files upang gabayan ka gamit ang lahat ng sari-saring mga bagay na kalakip.

Bright Modern Broadcast Package

Kung ano ang nakasaad sa tin!

Bright Modern Broadcast Woman
Bright Modern Broadcast Package

Promo Torn Sheets

Isang magalak, pusturiyosong pagbubukas.

Woman dancing
Promo Torn Sheets

Ang Klasiko

Isang klasikong corporate slideshow at presentation template para sa After Effects.

Birds flying
Ang Klasiko slideshow.

Halloween

Isang mainam, nakakatakot, Hallowe’en-themed logo sting template para sa After Effects.

4k Flight Through Blue Space Nebula

Ang bagay na ito ay naka-tag sa mga sumusunod: abstract, astrolohiya, astronomiya, backgrounds, kosmos, paglipad, kalawakan, langit, nebula, kalangitan, kalawaan, bituin, araw, paglalakbay, sandaigdigan, epekto, maliit na butil, mga planeta, sci-fi, diyos, screen saver, wallpapers, konstelasyon, disenyo, siyensya, nebula, kalawakan, spaceship, solar, solar system, eklipse, milky way, black hole, mercury, bulalakaw, meteorite, kometa, asteroid, satellite, cosmonaut, astronaut, orbit, heavently, teleskopyo, raumsonde, gravity, malalim, itim, malayo, pantasya, mga bulalakaw, aliens, walang hangganan, kalawaan,  maganda, astronomer, atraksyon, pagsabog, walang hanggan, kaguluhan, big bang, hubble, nasa, suspense, bekgraund, saboy, malikhain, paglipad, paggalaw, clip, maliwanag, makulay, kulay, dakila.

Sa tingin naming ito’y kahanga-hanga! Tignan ang portfolio ng may-akda para sa iba pang paglipad sa kalawaan.

Dark Logo

Dark logo ay isang madilim at mabagyong logo reveal na perpekto para sa lahat ng klase ng madilim, cinematic, superhero, Hallowe’en at horror na klase ng mga proyekto.

All Around Glass Rig

Ang All Around Cinema 4d Rig ay may pangkat ng apat na presets na nagpapahintulot sa Cinema 4D users ng mabilis at madaling makalikha ng maigising text animations na glassy text. Ang presets ay nagpapahintulot  ng  magandang klase ng customization at ito ay may madaling built-in controls kung saan ay maari mo itong baguhin ng saglit lamang. Ito ay gumagana gaya ng sa studio set-up, ngunit walang kailangan na pag-iilaw. Kabilang dito ang pagsasalin ng presets. Gumagana sa After Effects CC+Cinema 4d Lite.

Roboto TV

Ang Roboto TV ay matindi: 23 segundo ng madaming buong animation! Gamitin ito para sa intro o opener para sa iyong programa! Palitan lamang ang mga litrato, palitan ang text, at ito’y sa iyo na.

Wind-up robot toy
Roboto TV

Pagluto ng Masustansyang Pagkain

Ang template na ito ay makakatulong sa iyo upang lumikha ng disenyo para sa masustansyang pagluto at palabas sa pagluluto. Kabilang dito ang maraming magkakahiwalay, high-resolution na imahe ng mga gulay at mga prutas. Perpekto para sa TV, YouTube channel, o website: Ang modern design template ay nagpapahintulot sa iyo na mai-presenta ng maganda ang recipe para sa kahit anong pagkain. Ang template na ito ay binuo upang ang pagdadagdag ng mga recipe at videos ng pagluluto ay simple at madali.

Masaya at kaaya-ayang kamusmusan

Slow motion stock footage ng dalawang bata, isang lalake at isang babae, na tumatakbo sa daanan ng isang park.

Summertime Opener

Magkwento ng masiglang istorya tungkol sa moda, paglakbay, at pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng bago, marangyang opener template para sa Adobe After Effects.

Person wearing a brightly coloured watch
Summertime Opener

Animated Flower Titles

Isang madaling panimula para sa baguhan na slideshow, promosyon, paanunsiyo, at visual montage template. Tampok ang: sampung design templates, madaling mai-edit na text placeholders, at isang organisadong project file.

50 Quotes Titles at Lower Thirds

Kunin ang pansin ng ibang  mas may kaalaman sa pamamagitan nitong Apple Motion at Final Cut Pro X template.

Design Logo Animation Pack

Ang proyektong ito ay may kasamang tatlong magkakaiba ngunit pare-parehong may istilo, buhay na buhay at dynamic animated na panimula na tatatak sa alaala para sa iyong logo, marka o kahit anong iba pang nilalaman. Sa bawat isa sa tatlong istilo maari kang pumili ng apat na kulay sa pagpipilian o baguhin ang kulay ayon sa iyong kagustuhan sa isang simpleng antas lamang. Ang pagbabago sa marka at sa text ay simple lamang din, walang mas makabagong kaalaman sa After Effects ang kinakailangan.

the Envato logo in nine styles
Design Logo Animation Pack
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.