5 kahanga-hangang Nakikitang mga Bagay na Mahalaga para sa mas Mabuting Brodkast ng Video ng mga Balita
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
Paggawa ng sariling brodkast ng balita ay hindi kailanman naging madali at mas abot kaya. Sa dami ng tao na may gusto nito, paano mo masisiguro na ang iyong brodkast ay ang papanigan ng tao? Dito ay pinagsama-sama namin ang 5 kahanga-hangang Bagay na may Halaga para sa Brodkast ng mga Balita, kasama rin ang ilang mga pangunahing mga tips.
1. Live News - Sakto sa Oras na News Ticker
Ang Live News ay isang WordPress plugin na dinisenyo para magmukhang television news ticker, maaari mong i-customize ang plugin pra magkasya sa iyong website, ito ay sakto sa pagpapakita ng impormasyon gaya ng balita, mga babala sa panahon o balitang sports, sa saktong oras.

2. News website UI
Isang pahinang graphic template para sa Adobe Photoshop, News website UI ay isang magandang panimula para sa paglikha ng iyong broadcast site. Malinis at kapanahon, makakatulong ito sa iyong proyekto na magmukhang propesyunal at katiwa-tiwala.

3. News Logo Template
Isang magandang maliit na vector logo para sa alinman Adobe Photoshop o Illustrator, at ang News Logo Template ay maaaring mai-customize at may kasama pang iba’t-ibang mapagpipiliang kulay. Ito ay tamang-tama para sa streaming, podcasts at serbisyong Brodkast.

4. Balita na World
Ang balita na World font ay isang bold typeface na dinisenyo para mas maipakita ang nilalaman at makuha ang atensyon ng mga nanunuod. May apat na ibat-ibang istilo, para mapanatili ang diwa ng iyong istilo na hindi gaanong inuulit.

5. Gazeta
Ang Gazeta ay isang kahanga-hangang drupal na tema na tamang-tama para sa balita at magazine-style na mga website. Maaari kang gumawa ng ilang kategorya ng balita at magkaroon ng maramihang may akda na bawat isa ay mayroon sariling profile.

Bawat asset dito ay mula sa Envato Elements, kung saan maaari kang mag-download ngwalang limitasyon na resources para sa buwanang subscription.
Top Tuts+ Tips para Streaming News Broadcasts
- Ang pagkakaroon ng magandang nilalaman ay mabuting simula, pero isipin din kung paano bumuo ng tapat at malaking tagapanood.
- Napakaraming paraan para sa live stream, Huwag sakupin lahat ng trabaho – matutunan ang pinakamahusay na live streaming na pamamaraan para sa iyo.
- Ang pag-adlib ay maaring magdulot ng malaking pagkakamali lalo na’t hindi handa, ang pag basa sa iskrip ay maaaring magtunog kahot. Pag-aralan kung kailan dapat mag-ad-li at kung kailan dumepende sa teleprompter.
- Ang iyong pangunahing madla ay alam kung saan ka hahanapin at iyon ay magaling, ngunit tandaan na dapat pag-igihan din ang iyong search engine optimization.
- Ang di-maayos na footage ay maaaring sanhi para isara ng iyong mga tagapanood. Pag-aralan kung paano at kailan kumuha ng ibabalita gamit ang iyong smartphone.
Iba pang mga Nangungunang mga Pagtuturo para sa Maningning na Brodkast
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Photo & Video tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post