5 Kahanga-Hangang Bagay para sa Magagandang Architectural Photographers
() translation by (you can also view the original English article)
Ang Architecture photography ay makapangyarihan, kahanga-hanga at aminin na natin, nakakatuwa! Alam mo man o hindi ang gothic mula sa brutalist, nakatakda kang makahanap ng magaganda at bagong pagkukunan sa pamamagitan ng aming 5 Kahanga-Hangang Bagay para sa Magagandang Architecture Photography.
1. Archi Sketch Photoshop Action
Gawing propesyonal ang iyong larawan sa pamamagitan ng Archi Sketch Photoshop Action. Nababagay ito sa panloob, pati na rin sa mga kuhang panlabas at ito ay may 10 opsyon na kulay. Mayroong detalyadong tutoryal sa download na ito na makakatulong sa iyo sa paglagay ng aksyon, at mga brush at pattern file.



2. Ang Imperiem Regular Typeface
Ang Imperiem ay isang pambihira, serif typeface, at nagmula ang inspirasyon sa arkitektura ng sinaunang Europa. Ang malalakas na patayong linya ay kumakatawan sa mga karaniwang haligi ng arkitektura ng Griyego at Romano, habang ang maninipis at magkakaugnay na linya ay nagbibigay ng magkasamang kaibahan, at balanse.



3. Urbania Photoshop Actions
Lagyan ng katapangan, butil at drama ang iyong mga larawan sa pamamagitan ng Urbania para sa Photoshop. May 18 preset na pagpipilian at katangian na maaari mong balikan upang mabilis at madaling maikumpara ang mga effects nito.



4. Instagram Pack
Ipakita ang iyong kahanga-hangang architecture photographs sa malinis at malikhaing paraan sa pamamagitan ng Instagram Pack template para sa Adobe Photoshop. May 16 natatanging mga templates, ang bawat isa ay may tradisyunal na Instagram square format; mayroon pang link para sa libreng fonts na kabilang sa download.



5. Architecture Logo Template
Kung ang pangunahing pokus ng iyong negosyo ng potograpiya ay ang architecture at urban landscape photography, marahil nanaiisin mong isama ito sa iyong marka. Inihahandong ng Architecture Logo Template para sa Photoshop o Adobe Illustrator ang maayos, walang patid na linya upang makagawa ng balangkas ng lungsod.



Ang bawat bagay dito ay mula sa Envato Elements, kung saan maaari kang mag-download nang walang limitasyon na pagkukunan para sa iyong buwanang subskripsyon.
Tuts+ Mga Nangungunang Paalala para sa
Architectural Photography
- Subukan at gumamit ng ibang anggulo o perspektibo mula sa karaniwan upang maging kapansin-pansin.
- Alamin kung anong oras makakakuha ng pinakamagandang resulta. Makakatulong ang mga apps sa pagpaplano ng pagkuha ng iyong larawan nang epektibo at upang makakuha ng tamang ilaw.
- Kunan ang parehong gusali ng higit pa sa isa upang mabago ang mga kondisyon. Hindi nangangahulugan na ang masamang panahon ay magbubunga ng masamang kondisyon ng mga larawan – minsan ito ay maaaring maging karagdagan sa iyong larawan.
- Alamin ang mga resultang maibibigay ng iyong lens. Depende sa iyong mga pangangailangan, maaaring maging maganda ang bunga ng mga malikhaing effects tulad ng barrelling o distortion.
- Magsaliksik tungkol sa iyong paksa. Mas maganda bang tingnan na ang iyong gusali ay puno ng tao o wala? Kung hindi sigurado, gawin parehas!
Mas Maraming Magagandang Arkitektura
5 Larawan ng mga Gusali na Puno ng Inspirasyon at Paano Gumawa ng Sariling Larawan ng Arkitektura
Mga Tampok na Larawan: Nakakatuwa at Makintab, Matataas na Gusaling gawa sa Glass
Paano Gumawa ng Isang Guhit ng Arkitektura mula sa isang Larawan
Ito ay Tungkol sa Tao! Ang Socially Engaged Photography ni Tina Modotti