5 Nakakaaliw na Assets Para Magplano at Mag-promotote ng Photography Exhibition
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
Ang pagpapakita ng iyong photographic work ay nakakapanabik na
pagkakataon, subalit ang pagkuha ng ideya, pag-curate ng images at pag-anunsiyo
ng show ay matrabaho. Sa round-up na ito, kumuha kami ng limang templates at
mock-ups para mas mapadali ang proseso.
1. ART GALLERY Mockup
Malinis at klasiko, ang Art Gallery Mockup para sa Adobe Photoshop ay magaling na paraan para ipakita ang iyong mga kinuhang larawan na may museo o istilo ng gallery na lighting. Madaling ilagay ang iyong mga larawan gamit ang smart objects:ilagay mo lang ang iyong ginawa sa smart layers at ayusin para umayon.



2. Exhibition
Subukan ang medyo kakaiba sa pamamagitan ng paggawa ng video mockup ng iyong iminumungkahing exhibition. Ang template na ito para sa Adobe After Effects ay moderno at simple, at ang karagdagang paggalaw ay sadyang nakakadagdag sa iyong inihahain at maiiba ka sa lahat.



3. Photography Flyer
I-anunsiyo ang iyong exhibition dito sa nakakatawag-pansing flyer template para sa Adobe Photoshop. May dalawang disenyo na mapagpipilian, at madali itong pagpalitin o i-customise ang ma images at text.



4. Poster Exhibition Gallery Mockups
Ang pack na ito ay naglalaman ng 10 posters na pagpipilian, bawat isa ay nakahiwalay na PSD file na dinisenyo para magtaglay ng mataas na resolution ng mga larawan. Ang ilan sa mga pagpipilian ay makakapagsama ka ng mga bisita sa iyong exhibition.



5. Art Exhibition Design
Ang funky at modernong PDS template, Art Exhibition Design ay para sa mga gustong ipakita ang kanilang gawa sa mas relaxed, hindi pormal na setting: community space or sikat at usong cafe, halimbawa.



Bawat asset dito ay mula sa Envato Elements, kung saan maaari kang mag-download ng walang limitasyon na resources para sa buwanang subscription.
Tuts+ Mga Maiksing Paalala Para sa Pagtanghal Ng Iyong Photography
- Kung ang iyong portfolio ay up to date, mas magiging madali sa iyo na pumili ng images na ii-exhibit. Subukan at kumuha ng objective na opinyon-masyado kang nakatuon sa iyong sariling ginagawa kung minsan para gawin ang tamang pagpili.
- Pagdating sa lugar, maaaring mayroon ka ng isang naisip. Kung hindi, isiping simulan ang mga lugar katulad ng artist-run na mga espasyo, na maiintindihan kung ano ka at makakapagbigay-gabay sa iyo sa tamang direksyon.
- Gawin ang lahat kung paano pinakamagandang mapi-print ang iyong images. Gusto mo ng balanse sa pagitan ng isang propesyonal ang dating at mukhang napakaganda, at pagiging abot-kaya.
- Kung nagtatrabaho ka bilang photographer, malamang ay sa ikaw ay insured (kung hindi, dapat oo!), subalit siguraduhing sasagutin ng iyong insurer ang iyong exhibition. May kabuluhan din ang pagtingin ng lugar na sasagutin ng insurance.
- Isigaw ito. Hindi ito magandang i-exhibit kung walang nakakalam dito! Siguraduhin na ianunsiyo ito sa pamamagitan ng kahit na anong channels: ang lugar, ang iyong sariling social media, flyers, posters at iba pa.
Mas Marami Pang Nakakatuwang Maiiksing Paalala Para Makatulong sa
Iyo
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Photo & Video tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weekly