5 Kamangha-manghang Bagay upang Magkaroon ng Mas Magandang Anyo ang iyong Blog sa Paglalakbay
() translation by (you can also view the original English article)
Ang paggawa ng isang bagong blog sa paglalakbay ay kapana-panabik, masaya at puno ng potensyal. Mayroon ka lamang isang pagkakataon para gumawa ng maganda at unang impresyon, kaya hayaan mong tulungan ka naming magsimula: Sa artikulong ito, kinolekta namin ang 5 sa pinaka-nangungunang produkto para magbigay sa iyong proyekto ng paglalakbay ng mas kakaibang dating na kinakailangan upang mapansin.
Isang lalaking Naglalakbay na may Bag sa Istasyon ng Tren — Stock na Larawan
Minsan imposible ang paggamit ng iyong sariling larawan, o kaya wala kang oras para kuhanan ang lahat ng kailangan mo para sa iyong blog sa paglalakbay. Ang stock na larawan na ito ay sapat na para bumagay sa maraming post ng temang paglalakabay habang pinapanatili ang mataas na kalidad at kariktan nito.



2. Ang Travel Blog Web Template
Isang malinis at minimal blog na template, Ang Travel Blog Web Template ay dinisenyo para maging isang blangkong canvas para maibahagi ang iyong mga larawan sa paglalakbay.



3. Ang Backwoods Cabin Font
Ang Backwoods ay malalaking font na may tibay sa panlabas. Ito ay magiging magandang karagdagan sa isang blog na nakatuon sa pakikipagsapalaran sa paglalakabay, paglalakad at pagtuklas!



4. Ang PRO Landscape at mga Travel Lightroom Preset
Kung ikaw mismo ang kumuha ng iyong mga larawan, malalaman mo na kung minsan kahit na ang pinakamagandang tanawin ay kailangan ng boost sa pag-eedit. Subukan itong 15 propesyonal na lightroom preset na dinisenyo partikular sa mga larawan ng paglalakbay at mga tanawin upang maging mas kamangha-mangha ang iyong mga larawan.



5. Mga Travel Icons
Ang Icons ay magandang paraan para madaling maipakita kung tungkol saan ang isang post. Kabilang sa mga Travel Icons lahat ng sari-saring mga disenyo na maaaring kailanganin mo, mula sa pasaporte hangang sa mga suitcase at kahit ang isang hot air balloon!



Ang bawat mahahalagang bagay dito ay mula
sa Envato Elements, kung saan maaari mo itong madownload ng walang limitasyon para sa isang
buwanang subskripsyon.
Mabilis na mga Tip ng Tuts+
- Pumili ng isang pangalan na kapansin-pansin, ngunit subukang iwasan ang mga salitang walang pagka-orihinal tulad ng ‘nomad,’ ‘journey,’ or ‘wanderer.’
- Tiyakin na hindi pabago-bago ang pangalan ng iyong blog at ang pangangasiwa ng iyong social media para madali kang mahanap ng mga tao
- Maging mas magaling sa pagkuha ng larawan — sa pamamagitan ng mga blog sa paglalakbay, ang pagkuha ng mga larawan ay kadalasan na pangunahing punto o rason upang makuha ang pansin ng isang tao sa iyong blog.
- Gawin mo ang iyong pagsasaliksik. Nito lamang ay nakakita ako ng site sa paglalakbay gamit ang isang larawan na tanda ng Isle sa Skye para itaguyod ang turismo sa timog ng Inglatera...
- Planuhin ang bawat paglalakbay upang mapakanibangan ang iyong mga biyahe at mapanatili ang iyong blog nang maayos.
Paano Maprotektahan ang Iyong mga Kagamitan sa Kamera Habang Naglalakbay
Ang Tagakuha ng larawan sa Paglalakbay: Higit pa sa isang Turista na Tagadala ng Kamera
Paano Mapabuti ang iyong mga Video sa Paglalakbay Gamit ang Malakas na Tunog
Paano Maghanda Sa Iyong Unang Gawain Sa Pagkuha Ng Larawan Sa Ibang Bansa