Unlimited AE and Premiere Pro templates, videos & more! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Video
Photography

Ang 50 na Pinakamagagandang Proyekto at Templates ng Adobe After Effects na Aabangan sa 2017

by
Length:LongLanguages:
This post is part of a series called Market Watch: Current Styles and Hot Trends in Video.
30 Top Items From the VideoHive Front Page, Winter 2018
13 Top After Effects Project Templates for Creative Marketing Video in 2020

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Napakaganda ng 2016 sa Envato Market para sa mga mahilig sa Adobe After Effects: maraming magagandang proyekto na pagpipilian! Sa artikulo na ito, ipapakita namin ang 20 templates at mga proyekto na maaaring maging popular sa 2017, at babalikan din namin ang 30 proyekto at templates na nanguna sa 2016.

Ang 20 Pinakamagagandang Bagong After Effects Templates sa 2016 sa VideoHive

Ang 30 Simpleng mga Titulo

Ang 30 pambihirang mga titulo at mas mababang thirds graphics templates na may resolusyon na hanggang 4K. Madaling i-customize sa pamamagitan ng isinamang title controller: mabilis na pagpapalit ng zoom, kulay, backgrounds, shadows, at durasyon.

FX Particle Builder | Fire Dust Smoke Particular Presets

Bigyang buhay ang iyong proyekto sa pamamagitan ng paglikha ng apoy, alikabok, usok, kislap, liyab o mga effects ng maliliit na butil ng salamin sa pinakamabilis at pinakamadaling paraan. Nangangailangan ng Trapcode Particular.

Dynamic Opener

Nakakatuwa at may estilong opener na may 35 placeholders at buong control ng kulay.

Dynamic opener After Effects Template

Rigmo: Ang Rigged Character Animation Mockup

Huwag sayangin ang iyong oras sa rigging! Ang animasyon ay hindi kailanman naging madali. Lagyan ng disenyo ang iyong karakter sa Adobe Photoshop at i-load ito sa After Effects: ang Rigmo ang bahala sa iba.

Ang Lower Thirds

Ang 24 na maraming nagagawa, moderno at kaakit-akit na lower-thirds para sa kahit na anong proyekto.

Platinum | Logo Reveal

Ang Platinum ay may anim na estilo ng mga logo na may 4K na resolusyon at may na-update na 4K backgrounds. Maaari kang gumamit ng sarili mong kulay ng logo.

Ang mga Wedding Titles

Mga After Effects wedding titles template para sa pang-propesyonal na proyekto ng videography. Mamili sa iba’t-ibang vintage at modernong titulo upang  maging karagdagan na openers sa iyong sinematikong video ng kasalan. I-customize lamang ang text at i-import ang iyong background video. May 14 na templates.

Ang Superhero Logo

Dalawang openers sa isa! Gumawa ng kapana-panabik na estilo ng comic book, o kunan ang nakakatuwa, malakas na vibe na may ‘love’ opener.

Ang sinematikong slide show

Ang sinematikong slide show ay tamang-tama sa iyong opener, palabas sa TV, photo/video slideshow o kahit na anong media opener, at kahit sa mga espesyal na pagdiriwang. Napakasimple at napakaayos na proyekto; mabilis na mapapalitan ang mga kulay sa isang simpleng paraan. Baguhin ang text, i-drop ang iyong media, audio at i-hit ang render.

Ang Double Exposure Generator

Ngayon maaari ka ng makagawa ng malikhaing double exposure motion graphics nang walang kahirap-hirap. May kalakip na mga features: 29 preview video scenes na kasama para magamit bilang batayan para sa iyong proyekto, 15 bakanteng eksena na maaaring punuin, may kasamang preview video footage, mahigit sa 200 na larawan at 18 videos, lahat licensed CC0, anim na custom map presets para makagawa ng 3D effect portraits , at anim na animated cameras sa bawat eksena na maaaring pagpipilian.

Ang Urban Opener

Nagningning ngunit maestilo, ang paketeng ito ay maraming magagawa para sa iyo. Gumagamit ng enerhiya ng urban na kapaligiran na may glitch effects, lens dirt at modernong aesthetics.

Ang mga Upbeat Transitions

Maayos na graphics at may kasamang bold geometric wipes na lumilikha ng malinaw na visual effect sa mga transition pack. Ang mga transition sound ay kabilang para sa karagdagang epekto.

Ang 9 na Modern Glitch Titles

Ang mga Glitch epekto ay patuloy na malakas para sa 2017. Magdadala ng modernong dating ang title pack na ito para magkaroon ng kapansin-pansin na distorsyon effects na magbibigay ng kaunting digital drama sa kahit na anong proyekto.

Mga Elemento ng Liquid Motion

Oras na para sa Liquid Motion! Kung ikaw ay naghahanap ng isang bagay na pambihira, makulay at makahulugan, bigyan ng pansin ang proyektong ito! Ang ilang elemento ay iginuhit sa pamamagitan ng frame sa loob ng mahabang panahon. Maaaring pagsamahin ang mga elemento at gumawa ng mga pambihirang bagay, ito man ay isang slideshow, presentasyon, logo o anuman ang nais mo. Ito ay tunay na makapangyarihang kagamitan para sa iyong trabaho. Gamitin lamang ang iyong imahinasyon!

Simple Infographics

Ang simpleng Infographics ay naglalaman ng madadaling i-customize at madaling gamitin After Effects CS6 template na may animated pre made Pie Infographics Charts, Horizontal & Vertical Charts, Minimal Horizontal & Vertical chats, Pie Charts With Placeholders, Timelines, Call Outs, Text Blocks & Lower Thirds at Social Icons Package na hanggang 4k na resolusyon. Madali itong i-customize at paghaluin ang mga infographic charts na may buong expressions control panel. Pumili ng kulay, kontrolin ang oras, opacity, laki, at siyempre,  baguhin ang numero sa ilang mga click.

Simple infographics bar chart example image

Ang mga Social Media Video Captions

Gumawa ng mga mapang-akit na mga pamagat at mga caption gaya ng Buzzfeed and NowThis para sa iyong kumpanya ng media videos! Mula Facebook hanggang sa Twitter at lahat ng mga nasa gitna ng template na ito, nandito na ang iyong mga kailagan upang makagawa ng worksafe text para ang iyong mga tagasubaybay ay makasunod kahit na hindi nakabukas ang tunog.

Chicago ferris wheel with closed caption example

Map Kit

Ang Map kit ay mayroon nang 202 na mga bansa, 51 na mga mapa ng US State, isang buong mapa ng mundo, 2D at 3D na 4k na mga bersyon ng mapa bawat bansa na nasa 3840x2160, at ang Font Awesome integration para sa higit 600+icons na gamitin bilang pins.

Ang Animated Map Path

Isang fully customizable na proyekto, na walang karagdagang plugins na kailangan, napakadaling baguhin, at may ilang mga video ng pagtuturo na kasama.

map with pins and flags marking points on a path

Ang Event Promo

Isang bold, modern opener, ang sopistikadong template na ito na may on-trend flat graphics promo na magdaragdag ng kredibilidad sa iyong proyekto.

Ang Clean Lower Thirds

Ang 70 Clean Lower Thirds sa Full HD (1920×1080) resolusyon.


Ang 30 Pinakamabentang Adobe After Effects Templates sa 2016

Mosaic Photo Reveal

Nais mo bang lumikha ng isang mosaic na imahe? Ngayon, maaari mo ng gawin sa pamamagitan ng Mosaic Photo Reveal. Isang komplikadong proyekto na ginawang mas madali  sa pamamagitan ng template na ito. Mag-customize ng eleganteng video na proyekto, para sa lahat ng okasyon. Ipagmalaki ang 100 na litrato para mailantad ang espesyal na imahe ng isang tao para sa kanilang kaarawan, kasal, anibersaryo, pasko, Pasko ng pagkabuhay, espesyal na mga okasyon, destinasyon ng paglalakbay, paglunsad ng produkto o para sa iyong komperensya ng kumpanya. I-drag at i-drop ang iyong mga litrato, isaayos ang posisyon para sa bawat gusto mo, magdagdag ng audio, tapos i-hit ang render! Ang ilang libreng texture na mga imahe ay isinama na rin kung gusto mong gamitin ito bilang background.

Ang Photo Gallery sa isang Maaraw na Hapon

Isang magandang pagpapakita ng iyong mga larawan habang dahan-dahang gumagalaw sa mga sanga ng puno ng birch sa maaraw na hapon. Nababagay sa kahit anong okasyon, kasama na ang 3 bersyon na depende kung gaano karaming larawan ang nais mong ipakita.

Photo Motion Pro – Ang Propesyonal na 3D Photo Animator

Itong kamangha-manghang After Effects proyekto na file ay mabilis at matalinong namamanipula ang mga static na mga imahe at mga larawan para bigyan sila ng buhay, galaw, at mahika! Gumawa ng mga nakakamanghang videos mula sa iyong mga larawan gamit lamang ang panimulang After Effects na kaalaman.

Ang Black Classic 3D Logo

Gumawa ng subtle at appealing ambient occlusion 3D na itsura na may kasamang reflections sa After Effects. Ang file na ito ay napakadaling baguhin, palitan mo lamang ang logo at i-render. Maaari ka ring maglagay ng text sa After Effects para magamit kasama ang 3D effect!

Ang Logo Intro Elegance Flare

Magdagdag ng maliwanag at may buhay na logo para mailantad sa iyong proyekto.

Ang 140 Flash FX Elements

Itong epikong animation pack ay naglalaman ng 20 Smoke Explosions, Electrical Discharges, Basic Shapes, Flames Shapes, Energy Elements, Sharp Lines, Transitions, Templates, Tutorial, at 140 move files na may kasamang alpha. Dapat makita!

Pixity Land | Character Explainer Toolkit

Napaka-cool at malinis na proyekto para makagawa ng mahusay na animated na tagapagpaliwanag sa iyong start-up o kumpanya. Ang paketeng ito ay may kasamang higit sa 500 na kakaibang elemento na maaari mong ilagay kahit saan, baguhin ang mga kulay at gumawa ng iyong animated na tagapagpaliwanag.

Man in office on blue background

Ultimate Earth Zoom Toolkit

Dahil sa Ultimate Earth Zoom Toolkit maaari mong i-zoom in sa kahit saan sa Mundo at gumawa ng topnotch graphics at mga elementong visual. Ito ang tunay na all-in-one na solusyon para sa lahat ng iyong broadcasting, pagpapaunlad ng laro, dokumentaryo, pagkakakilanlan ng korporasyon o kahit anong maisipan mo na pangangailangan. Ang komprehensibong library na may natatanging features na magbibigay daan sa iyo upang baguhin ang kahit anong nais, magdagdag ng malawak na halaga ng mga marker at mga graphic at i-customize ang bawat solong piraso batay sa iyong pangangailangan.

500 Animated Icons

Ang Animated Icons project ay isang pare-parehong set ng flat icons na ginawa para bigyang buhay ang kahit anong proyekto na magdaragdag dito. Nakapaloob sa disenyo na ito ang pagiging perpekto at katumpakan para sa pinakamalaking kasiyahan ng isang user.

Bawat icon ay may sariling custom build up animation at ito ay paulit-ulit lang nang walang katapusan. I-drag & i-drop lamang nang simple ang napiling icon sa iyong proyekto, itakda ang iyong kulay at (opsyonal) anino sa pamamagitan ng ilang pag-click at ikaw ay tapos na! Mayroong pang-kalahatang kulay na scheme na inilalagay sa lahat ng icons, pero maaari kang gumawa ng pagbubukod at itakda ang partikular na kulay sa bawat icon. Ang lahat ng icons ay may kasamang sound effects.

Ang Logo 3D Levels

Isang simple, ngunit kapaki-pakinabang, na 3D logo template. Tamang-tama para sa mga pang-isports na koponan!

Animated glossy logo

Ang Kinetic Typography Pack

Isang buong modular template para makagawa ng pambihirang typography. Nababagay para sa korporasyon, promosyon, pagkakakilanlan ng lipunan, at typography opener

creative typography examples

Multi Video & Multi Text Logo Formation

Ito ay isang pambihira at kapaki-pakinabang na logo formation sa dalawang bersyon para sa iyong text at mga larawan, na nagbibigay ng pahintulot para ipakita ang iyong linya ng produkto, tagumpay, news id, titulo ng isports, at mga trabaho sa fashion.

Ang mga 210 Title Animation

Ang 220 handang title animations; isang bagay na makakatulong sa bawat proyekto.

Ang Particle Reveal

Ipinapakita ng logo animation ang iyong tatak ng korporasyon o personal na may tatlong magkakaibang estilo na pagpipilian.

particle logo reveal example

Ang Makukulay Particles Logo Reveal II

Ang Logo reveal template na may maganda at eleganteng colors particles, na nababagay sa mga website, mga presentasyon, mga promosyon.

Ang Tablet Commercial

Ang template na ito ay tamang-tama sa developers. Ang Version 3 ay may apat na bagong mock-ups.

Whiteboard Kit – Gumawa ng Sarili mong Kwento

Ang animation kit ay may kasamang 35 pre-animated na eksena. Aangkop sa iyong pangangailangan, o gumawa ng iyong sarili.  Mula sa talentadong Mister Horse.

Ang Lower Thirds

Ang 50 pambihirang lower thirds at dalawang logo animations.

Ang Quantum HUD Infographic

Gawin ang hitech heads-up displays sa mas mataas na antas na may Quantum – Modular HUD Infographic Package: ang moderno, propesyonal at maestilong HUD at infographics elements. Mahahalagang elemento para makagawa ng mga sci-fi at mga misteryong pagpapakilala, pagpapakita ng mga laro, pagsubaybay at pagtutugma ng mga gumagalaw na larawan, at iba pa. Sa paketeng ito, tayo ay may kumplikadong HUD at data infographics at modular HUDs. Maaari mong pagsamahin ang mga ito upang gumawa ng iyong sariling elemento ng display.

Ang 30 Simpleng Titles

Gaya ng sinasabi!  Magagandang simpleng titulo.

Ang Album Memories

Sa lumang papel mahirap makita ang mga hugis at silweta na napakapamilyar sa iyo, tulad ng pagpapahalaga natin sa mga nakalipas na pangyayari sa ating alaala. Pagkatapos makikita ang mga larawan. Makikita ito sa ibabaw tulad ng mga pangyayari sa nakaraang buhay na makikita sa ating alaala. Matutulungan ka ng Album Memories na maranasan ang mainit na pakiramdam muli at upang mapanatili ang mga larawan na mahalaga sa iyo na nasa format ng video.

Photo Animator

Ang kahanga-hanga, orihinal na photo animation template na naglunsad ng isang libong videos! Tulad ng madalas nating ginagawa, tayo ay nasa sitwasyon na kinakailangan na gumamit ng mga larawan sa mga video (dokumentaryo, larawan sa pelikula, ulat… sabihin mo)  Ang madaling paraan na gawin ito ay mag-zoom sa larawan o kumuha ng larawan habang iniikot ang camera. Kung gusto mong bigyan ng “buhay” ang iyong mga larawan, simulan mo na gumuhit ng mga mascara at bigyan ng buhay ang bawat bahagi ng larawan upang bigyan ng ilusyon ang ilan sa mga galaw ng camera. Maaaring gumamit ito ng maraming oras. Sa halip, gumamit ng Photo Animator!

Neon Sign Kit

Itinatampok ng Neon Sign Kit ang lahat ng iyong kakailanganin upang makalikha ng makatotohanang 3D neon signs direkta mula sa After Effects. Isang simple at makapangyarihan na set up para makagawa ng mga neon sa iyong text, mga logo at larawan, hindi na kailangan ang mga plugins. Dalhin ang iyong mga eksena ng mas malayo pa gamit ang lahat ng built-in extra features, kasama ang abilidad na gumawa ng 3D sign, ilagay ang iyong neon sa pagitan ng mga pane na salamin, ilagay ito sa editable truss na sistema, o ikabit ito sa dingding. Nilikha na may kasimplehan sa pag-unawa, lahat ng mga neon ay walang putol na animated gamit ang isang simpleng slider — isang makapangyarihang setup para lumikha ng nakakabilib ng mga resulta na may kaunting paggawa.

A neon sign that spells NEON Sign Kit

Infographics 3D Map Kit

Ang Infographics Map Kit ay dinisenyo para sa madaling paglikha ng presentasyon na magandang tingnan.
Makakatipid ng maraming oras para sa mga propesyonal at madaling magagamit ng mga nagsisimula na lumilikha ng mga video.

TypoKing | Title Animation & Kinetic Typography Text

Ang typoking ay isang kumpleto at makabagong template. May kasamang 14 na matataas na kalidad ng kategorya kabilang ang popular at nauuso na mga pamagat gaya ng: Typography, Minimal Titles, Broadcasting, at iba pa.

Ang Lower Thirds

Mahaba at linear lower-thirds pack.

Eleganteng Extrusion

Ilagay lang ang iyong logo at i-render! Kung gusto mong i-customize ang animation nang higit pa, baguhin lamang ang ilan sa mga galaw ng camera o palitan ang oras ng ilan sa mga animation, at maaari mong gawin ang proyekto na ito na isang bagay na kakaiba sa loob ng ilang minuto. Kasama sa project file ay ang in-depth video na tutoryal para makatulong sa iyo na i-customize ang proyekto nang mabilis at madali. Tingnan din: Elegant Inversion.

 Ang mga Flip Characters

Ito ay simple at napakaraming nilalaman na template para magsulat ng text o numero, para makagawa ng bilang o di kaya oras mula sa pagbaligtad ng mga karakter. Ang sound effect ay kasama sa project file.

Ang mga Photo Frames

Ilagay ang iyong mga larawan, iniisip, mga ideya at personalidad sa pamamagitan ng elegante at malawak na HD na presentasyon. Ang maestilong proyekto, na may pre-made na mga disenyo, ay handa na para sa iyo upang punuin ang iyong mga larawan, at gawin itong iyo. Lagyan ang iyong mga larawan at mga video ng makapangyarihan na text, at mamili ng tumpak na musical bed para mapaganda ang iyong mensahe. Pananatilihin ng mga transisyon ang iyong presentasyon upang gumana ng tuloy-tuloy, habang magdagdag ng kalaliman at direksyon ang iyong mga salita at musika.

Photo frames slideshow animation photograph depicting New York City

Ang SEO: Corporate Typography Pack

Maganda at maayos na proyekto ng typography. Ang paketeng ito ay may 27 na eksena, kabilang ang sosyal, internet, infographic at animation ng korporasyon.

Ano ang Nasa Iyong Watch List?

Mananatiling malakas ba ang kampeon noong nakaraang taon, o magtatagumpay ba ang mga bago?

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.