7 Kapansin-pansin na Print Resume Templates para sa mga Visual Artist
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
Ang paggawa ng CV o resume ay maaaring maging mahirap na gawain. Hindi lang ang nilalaman nito ang iyong pinag-iisipan kundi pati ang pinakamainam na paraan para ito maipresenta upang makakuha ng magandang resulta mula sa employer.
Pinagsama-sama namin ang pitong paborito at kapansin-pansing mga resume templates sa isang listahan. Kaya kung ikaw ay naghahanap ng paraan upang ipakita ang iyong pagiging malikhain, mahahanap mo dito ang para sa iyo.
1. Ang Visual Resume
Ang Visual Resume ay isang Adobe Indesign
template para sa mga malikhaing nagnanais maging mabisa ang kanilang resume o
CV. Magpalit ng kulay, maglakip ng mga infographics at maglagay ng mga larawan
o ilustrasyon para mapabilib ang iyong potensyal na employer o kliyente.



2. Ang CV
Ang download na ito ay may mga file formats, kabilang ang Word, Illustrator at Photoshop. Gamit ang matibay na balangkas at mga bold na font, ang CV na ito ay propesyonal, gayunman ito ay mas kapansin-pansin kaysa sa iba. Maglagay ng magandang bahagi ng iyong portpolyo o gumawa ng covering letter kalakip ang iba pang pahina



3. Ang Infographic Resume Bundle
Ang mundo ay nawili sa paggamit ng infographic, at ngayon maaari ka ng gumawa ng resume na matindi ang dating gamit ang Infographic Resume Bundle para sa Photoshop o InDesign. Mamili sa isa o dalawang pahina na template upang gawing maikli ang mga bagay at maging maganda sa paningin-makakakuha ka ng trabaho sa lalong madaling panahon!



4. Ang Retro Style Resume
Ang fully layered na PSD files na ito ay maaaring i-customize at ito ay may 5 magkakaibang kulay. Ihatid ang iyong CV sa panahon ng istilo at class gamit ang vintage look na ito. Ito ay napakaganda, at dapat siguraduhin mong ito ay mababasa ng iyong magiging boss at hindi lang ilagay sa kuwadro.



5. Ang Resume
Ito ay tamang-tama sa mga pinaka-popular na format gaya ng Word, Photoshop at InDesign, ang template na ito ay angkop sa kahit na anong tema. Ang matitingkad na kulay, na sinamahan ng kulay-abo, ay mukhang propesyonal, gayon man ito ay nakadadagdag pa din ng saya. Maglagay ng mga larawan, infographics at mga tsart hangga’t gusto mo.



6. Ang Creative Resume
Ang InDesign template na ito ay nagpapakita ng pagkamalikhain—nasa pangalan din naman nito! Itinatampok ang 10 A4 na pahina na maaaring i-customize, ang CV na ito ay may anyong mataas na kalidad ng isang magasin. I-print sa magandang papel upang lumitaw ang iyong portpolyo mula sa pahina.



7. Ang Creative Resume
Makukuha ang mga ito sa PSD at AI na format, ang resume na ito ay may 3 pahina, at cover letter at set ng mga icon. Lahat ng graphics na kasama ay vector, kaya di mo iisipin na ang paggalaw at pagbabago ng sukat ay makakasira dito.



Paano Gumawa ng Isang Mahusay
na Unang Impresyon
Sana ikaw ay may nagustuhan dito at may
magagamit na epektibo para sa iyo. Siyempre, ang paggawa ng isang mahusay na
resume ay hindi lang nakasalalay sa magandang template. Makikita sa ibaba ang
ilan sa mga tutorials na makakatulong sa iyo upang makagawa ng pinakamagandang
impresyon:
- Mga ResumePaano Mabibigyang-diin ang Freelance Work sa Iyong ResumeLaura Spencer
- Mga ResumePaano Magdisenyo ng Isang Perpektong ResumeGrace Fussell
- Mga KareraAng 13 Nangungunang Pagkakamali sa Resume (Na Nakakasira ng isang Magandang Resume)Charley Mendoza
- Mga ResumePaano Sumulat ng Isang Propesyonal na Resume Summary StatementCharley Mendoza
- Mga ResumeAno ang Pagkakaiba ng CV sa Resume?Charley Mendoza
- Mga ResumePaano Gumawa ng ResumeLaura Spencer
- Mga ResumePaano Balangkasin ang Iyong ResumeLaura Spencer
- Mga ResumeAng Pinakamahusay na Format ng Resume: Ang Pangunahing Gabay sa PDF kumpara sa WordLaura Spencer