Adobe Photoshop sa 60 Segundo: Gumawa ng Madaling Watercolor Effect Gamit ng Actions
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Maligayang pagdating sa aming Photoshop sa 60 Segundo na serye, kung saan matututunan mo ang kasanayan, tampok at pamamaraan sa Photoshop sa loob lamang ng isang minute!
Adobe Photoshop sa 60 Segundo: Watercolor Effect
Mahilig ka ba sa mga watercolor na larawan?
Maaari kang gumawa ng sariling mahuhusay na tradisyonal na likhang-sining gamit
lamang ng Photoshop Action upang ibahin ang anyo ng iyong mga litrato. Tignan ang seleksyon ng mga Photoshop Action
sa GraphicRiver upang makalikha ng mas marami pang kamangha-manghang mga photo effect.
Sa mabilis na video na ito, ipapakita kung
paano gamitin ang simpleng Watercolor Painting Action upang bigyang buhay ang
marilag na tigre sa ibaba.
Paano Gumawa ng Watercolor Effect sa Photoshop
Buksan ang iyong larawan sa Photoshop. Aking
gagamitin ang magandang Tiger Stock na ito mula sa Pixabay.

Ngayon ay buksan ang iyong Action panel sa pagpunta sa Window > Actions. Piliin ang Load Actions mula sa drop down options upang magamit ang Watercolor Painting Action.

Siguraduhin na ang iyong larawan ay ang orihinal na Background Layer at pindutin ang Play. Agarang gagawin nitong watercolor painting ang iyong larawan, at ang resulta ay malalagay sa New Group.

Buksan ang grupo upang baguhin ang iba’t ibang
mga Adjustment Layer setting. Tasan ang contrast sa Levels, o baguhin ang mga
kulay sa Gradient Map.

Ito ang pinal na resulta:

Gusto mo bang makita ang action na ito? Tignan ang bidyo na ito sa itaas para
makita ang leksyon kapag gumagana.
Ilang Karagdagang Detalye
Matutunan kung paano gumawa ng mas marami pang mga photo effect mula sa mga eksperto. Tignan ang mga sumusunod na tutorial:
- Photoshop ActionsKamangha-manghang mga Action: Paano Gumawa ng Oil Painting na Photo EffectMelody Nieves
- Mga Effect sa LitratoPhotoshop sa 60 Segundo: Paano Gumawa ng madaling Sketch effect Gamit ng mga ActionMelody Nieves
- Mga Effect sa LitratoPaano Gumawa ng Strip Fractal na Mirror Effect sa Adobe PhotoshopKirk Nelson
- Adobe PhotoshopPaano gumawa ng Cool Glitch na Photo Effect sa Adobe PhotoshopMelody Nieves
60 Segundo?!
Bahagi ito ng serye ng mabilis na mga video na tutoryal sa Envato Tuts+ kung saan ipapakilala naming ang malawak na mga paksa, lahat sa loob lamang ng 60 segundo – sapat lamang upang mapasabik ang inyon gana. Ipaalam niyo sa amin sa mga komento kung ano ang iniisip niyo sa video na ito at kung ano pa ang gusto niyong makitang ipaliwanag sa lob ng 60 segundo!
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Photo & Video tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post