Ang Kung-Paano na Gabay sa Pagsisimula sa Real Estate na Potograpiya
() translation by (you can also view the original English article)
Ang real estate ay isa sa mga pinakamataas ang kumpetisyon na industriya sa mundo. Nadodomina ng mga ambisyosong ahente na naghahanap ng susunod na malaking benta, ang pagbebenta ng real estate ay tungkol sa paghihiwalay ng iyong sarili mula sa kumpetisyon. Anong mas mabuting paraan upang makuha ang atensyon ng mamimili kaysa perpektong larawan ng perpektong tahanan? Sa artikulo ngayon, titingnan natin ang mga nakapupukaw na real estate na potograpiya sa mundo.
Ang pangangailangan sa matatag na real estate na potograpiya ay patuloy kahit na ano pang estado ng ekonomiya. Ang pagbaba ng merkado sa United States noong nakaraang mga taon ay hindi nakaapekto sa pangangailangan sa mga larawan upang ipakita ang mga ari-arian na ibinebenta. Kapag ang mga realtor ay nababahala sa pagbebenta ng mga bahay at ari-arian, ang pinong pagkakagawa ng mga larawan ay maaaring makagawa ng pagbabago sa takda ng kanilang mga ari-arian.
Dahil sa patuloy na pangangailangan sa real estate na potograpiya, maaaring makaakit na paghahabol o posibilidad na kapunuan sa kita ng freelancing. Ngunit, ang pagiging matagumpay sa real estate na potograpiya ay nangangailangan ng ilang pamamaraan at konsiderasyon na nagtatakda sa pagkakaiba sa ubang mga disiplina ng potograpiya. Tingnan natin.
Kilalanin si Chase Thibodeaux
Si Chase Thibodeauxay real estate photographer mula sa western North Carolina. Si Chase ay nagging matagumpay sa paggawa ng sariling negosyo sa real estate na potograpiya, ang Xposure Real Estate Photography, at pumayag na ibahago ang kanyang pagkadalubhasa sa artikulong ito. Ang negosyo niya ay mabilis na lumago at ngayon ay pinapanatili siyang abala sa pagkuga ng larawan ng mga kagulat-gulat na mga ari-arian sa buong lugar niya.



Ang Xposure Real Estate Photography ni Chase Thibodeaux ay sumasakop sa real estate na potograpiya sa Western North Carolina.
Pagpili ng Tamang Kagamitan
Sa kahit na nong paghahabol sa potograpiya, mahalagang isaalang-alang muna ang mga kasangkapan na magtatakba sa iyong tagumpay. Sa real estate na potograpiya, maaaring mayroon ka na ng mga kailangang kagamitian upang makapagsimula.
Mga Kamera
Madaming litratista ang gumagastos ng malaki sa kanilang badyet sa kamera mismo. Ngunit, ang real estate na potograpiya ay posibleng hindi kasing taas ang pangangailangan sa kamera mismo kaysa sa nakararaming niches sa potograpiya. Hindi mo kailangan ng pinakabago at pinakamagaling na kamera upang makakuha ng matatatag na larawan.
Lagi kang makikinabang sa kamera na may magandang mataas na ISO performance, at kapag mas bago ang kamera, mas maayos ang paggawa na maaari mong maranasan. Ang mga kliyente ay maaaring humiling ng mga larawan na kinuha ng gabi upang maipakita ang kung ano ang hitsura ng kanilang mga ari-arian kapag bukas ang ilaw.
Kung mayroon ka ng makabagong digital SLR, maaarig hindi mo na kailangang bumili ng mas mataas na uri upang makapagsimula sa real estate na potograpiya. Itago ang ]iyong badyet para sa iba pang bagay na tatalakayin sa ibaba.
Ang mga lens
Ang mga lens ay napakahalagang isasaalang-alang sa real estate na potograpiya, at ang malawak na anggulo ng lens ay ang iyong pinakamabuting taya. Hindi ka laging kukuha ng larawan sa Taj Mahal, kaya ang mga banyo ng dalawang silid na Cape Cod na estilo ng bahay ay siguradong mangangilangan ng malawak na anggulo ng lens upang makuhanan ang buong silid.
Ang makawak na anggulo o ultrawide na anggulo ng lens ang susi sa tagumpay ng real estate na potograpiya. Ang perspectibo na ibinibigay ng ganitong lens ang nagpapangyari upang ilagay mo ang iyong manonood sa gitna ng eksena at maiparamdam sa kanila na parang nasa bahay na talaga sila.
Ayon kay Chase: "Upang makakuha ng pinakamagagandang mga larawan gusto mong maipakita ang pinakamalaking lugar na possible". Ang mga anggulo ng pagkuha ng larawan (mula sa mga sulok) sa silid ay magbibigay ng impresyon ng malaking lugar. Maaari mong gawing mukhang higit na malaki ang napakalit na silid sa pamamagitan lamang ng kung paano mo ipiinoposisyon ang kamera."
Mga Aksesorya
Ang mga gamit sa itaas ay mahalagang lahat, ngunit huwag kaligtaan ang unang bagay na makapagpapabuti sa iyong mga kuhang larawan sa real estate: ang tripod. Madalas, mapupunta sa mga lugar na mababa ang liwanag at ang tripod ang makagagawa ng pagkakaiba. Mapipilitan kang kumuha ng larawan na mababa ang ISO para sa mataas na kalidad, dagdag pa ang mababang siwang para sa mas matinding talim at mataas ng lalim ng lugar. Maliwanag, ang pagpapalitan ay kailangang mangyari, kaya ang bilis ng shutter ay madalas na naisasawalang bahala.
Mga isipin ni Chase: "Para sa kahit na sinong nagbabalak na galugarin ang real estate na potograpiya ang pinakamalaking bagay na dapat pagtuunan ng pansin ay ang iyong mga kagamitan". Hindi ito kailangang marangyang kagamitan upang makakuha ng magaling na mga larawan ngunit ang DSLR at ultra wide na angle len ay kailangan. Idagdag pa ang tripod at handa ka ng magsimula!"
Ang Pagkuha ng Larawan
Ngayon mayroon na tayong mga kagamitan na kailangan upang magtagumpay sa real estate na potograpiya, planuhin natin ang pagkuha mismo ng larawan.
Kapag gumagawa kasama ang iyong mga kliyente, siguraduhing naihanda ang lahat ng mga kailangan. Kung ito ang iyong unang pagkakataon na kukuha ng real estate na potograpiya, siguraduhing mayroon kang listahan ng mga larawan na magpapakita ng hitsura ng mga ari-arian na gustong maipakita ng realtor o may-ari. Ang kliyente ay halos walang alinlangang gugustuhing ipakita ang pangunahing sala, mga silid at banyo.
Ang pagpaplano ng pagkuha ng larawan sa real estate ay nangangahulugan ng pagtatakda ng mga inaasahan para sa pagkuha ng larawan sa lalong madaling panahon. Kapag gumagawa kasama ng mga kliyente, kailangan mong makipag-ugnayan na bahay ay dapat na nasa kondisyon sa pagkuha ng larawan upang magawa mo ng tama ang iyong trabaho. Ito ay lalong mahalaga kapag kumukuha ng larawan sa bahay na may nakatira na.
Kung ang bahay ay kasalukuyang walang nakatira, ang ahente ng real estate ay malamang na gugustuhing naandoon sa panahon ng pagkuha mo ng larawan. Ang ganitong kaayusan ay nangangailangang makipag-ugnayan sa ahente hinggil sa oras na kailangan niya upang makapunta sa oras ng pagkuha ng larawan.
Siguraduhing binibigyan mo ang iyong mga kliyente ng parehong web based at full resolution na mga larawan. Dahil sa abalang iskedyul, ang mga ahente ng real estate ay madalas na walang oras o kagamitang kailangan para sa pagpoproseso ng mga larawan, kaya siguraduhin na kung ano ang iyong ibinibigay at akma diretso sa Sistema ng kanilang listahan.
Pagkuha ng Eksena
Ngayong nakakuha ka ng pahintulot at hand aka ng makipagsapalaran sa ari-arian upang makakuha ng mga larawan na makapagbebenta sa bahay sa halos hindi mamalayang oras. Tingnan natin ang ilang mga hakbang sa pagkuha ng mga bagay nang perpekto.
Ang unang bagay na kailangan mong gawin ay tingnang mabuti ang loob ng bahay. Mayroon ka ng magandang ideya ng mga silid na kailangan mong kuhanan, kaya tumalon na sa eksena. Sige i-setup na ang tripod at simulan na ang paggawa ng mga eksena sa paraan na maipakikita ang kagandahan ng bahay. Ang hakbang na ito ay nangangailangan ng tiyak na pagkalugod sa arkitektura at disenyo.
Si Chase sa setup: "Maraming tao ang gustong pahabain ang tripod sa pinakamataas na possible at magkaroon ng gawi na kumuha ng larawan na ‘pantay sa mata’. Hindi ito bagay na inirerekonmenda ko dahil kapag kumuha ka ng larawan mula ng pantay sa mata natural na itinutok ang kamera pababa. Ang paggawa nito ay makalilikha ng bagay na tinatawag na “nagtatagpong patayo”. Ito ay kung saan ang diretsong anggulo ng pader ay magmumukhang hindi tapat o nakahilig kumpara sa balangkas ng larawan. Ang perpektong taas ng tripod ay halos hanggang dibdib o 4.5 - 5 talampakan ang taas, nagpapangyari upang makuha mo nang patayo ang lahat ng mga pader sa balangkas.”
Pagkatapos mong lumikha ng eksena na gusto mo, magandang ideya na kumuha ng larawan sa serye ng mga larawan na may panaklong. Sa mga larawan na may panaklong, kumukuha tayo ng mga larawan mula sa parehong posisyon, ngunit may iba’t ibang klase ng mga exposure. Kukuha tayo ng mga larawan na sumasaklaw sa liwanag at dilim upang pagsamahin natin mamaya. Ang Software katulad ng Photoshop ay nagpapangyari upang magsama ang mga larawan at pagsamahin ang nakahighligh at ang anino sa mga lugar upang makakuha ng malawak na saklaw ng exposure.
Chase sa liwanag: "Isa sa pinakamahalagan bagay tungkol sa pagkuha ng larawan ng bahay ay ang pagkakaroon ng magandandang liwanag". Ang karaniwang maling paniniwala tungkol sa real estate na potograpiya ay kailangan mo ng panlabas na kislap upang makakuha ng magagaling na mga larawan. Hindi ito totoo! Lahat ng potograpiya ko ay ginawa gamit ang natural na liwanag gamit ang mga pamamaraan ng HDR.
"Ang pagkuha ng mga larawan na panaklong para sa HDR ay humaharang sa malupit na mga anino o maiinit na lugar na normal na ibinibigay ng panlabas na kislap. Ang mga kulay ay lumalabas na mas maningning kapag gumamit ng HDR. Kapag nagsasama ng mga larawan na may panaklong mahalaga sa pagprsoseso na magmumukha pa ring natural ang mga ito. Gumagamit ako ng pagsasanib ng exposure sa halip na karaniwang pamamaraan ng tone mapping dahil mas gusto ko ang mga resulta. Ang fine tuning at pagproseso ng higit pa ay ginagawa sa Photoshop."
Huwag kaligtaang kumuha din ng matatag na panlabas na mga larawan. Minsan, nangangahulugan ito ng ilang pagmamanman na trabaho bago ang araw ng pagkuha ng larawan. Alamin ang mga oras ng pinakamabuting liwanag na tumututok sa panlabas ng bahay at pakinabangan ito. Dagdag pa, pagtantuin na ang panahon ay dapat kasama sa mga isasaalang-alang sa pagkuha ng larawan sa labas. Kahit ang bahay na nagkakahalaga ng milyong dolyar ay magmumukhang pangit sa madilim na langit.
Chase sa panlabas: "Para sa panlabas na pagkuha ng mga larawan hilig kong ibaba ang exposure ng isa o dalawang hinto upang balansehin ang liwanag galing sa araw sa. Ang mga araw na medyo maulap ay nagbibigay ng pinakamabuting kondisyon sa pamamagitan ng paglilimita sa anino at paglalapit ng liwanag mula sa labas sa liwanag sa loob ng bahay, ito ay nakatutulong upang pinakamaunti ang nililipad na bintana. Ang nililipad na bintana ay nangyayari kapag ang liwanag sa labas ay mas maningning kaysa sa loob. Ang sensor ng kamera ay hindi matukoy ang ganitong pagkakaiba na pinupunuan ng mata na tao".
Isa pang Kaisipan
Nag-aalok si Chase ilang huling mga kaisipan kung paano mo ihihiwalay ang sarili mo sa ibang mga litratista, “Ang lubhang sikat na serbisyo na iniaalok ko ay ang Pole Aerial na Potograpiya para sa panlabas na pagkuha ng mga larawan. Ang pagkakabit ng kamera sa poste ay nagbibigay ng malaking pagkakaiba sa perspektibo ng ba]hay at naghihiwalay dito sa karamihan".
"Kapag ang mga inaasahang kliyente ay nagbrowse sa mga larawan ng mga bahay napakadali para sa kanila na magsimulang magmukhhang magkakapareho. Kahit anong kaya mong gawin upang maiba ay magiging malaking tagumpay! Mahalaga din na maunawaan an ang real estate na potograpiya ay hindi tungkol sa basta pagbenta ng mga ari-arian, ito ay tungkol sa pagbenta ng mga indibidwal, ang mga ahente na nagbebenta ng mga bahay. Kahit gusto mong mapunta sa real estate na potograpiya para sa kasayahan o upang magsimula ng negosyo ang paglalakbay ay may gantimpala."
Konklusyon
Ang real estate na potograpiya ang isang field na may patuloy na pangangailangan at nagbibigay ng kawili-wiling mga pagkakataon. Ang pakikipagsapalaran sa mga magagagandang ari-arian ay maaaring maging kawili-wiling parte ng ng trabaho at nagpapangyari upang mapalawak mo ang tanaw mo sa potograpiya.