Mga Kahanga-Hangang Aksyon: Paano Gumawa ng Kuwadrong Gawa sa Oil na Effect sa Litrato
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)



Maligayang pagdating sa aming Photoshop sa 60 Segundo na serye, kung saan matututunan mo ang kasanayan, tampok at pamamaraan sa Photoshop sa loob lamang ng isang minute!
Photoshop sa 60 Segundo: Kuwadrong Gawa sa Oil na Effect
Ang tradisyonal na sining ay nangangailangan ng kamangha-manghang pasensiya at maraming oras para makagawa ng hindi kapani-paniwalang mga gawa ng sining. Pero kapag gahol sa oras pwede mo pa ring makamtan ang kapuna-punang effect sa pamamagitan ng pagdownload ng Photoshop Aksyon mula sa Envato Market.
Tignan itong mabilis na bidyo sa ibaba para
makita kung paano baguhin ang anumang litrato kaagad! At subukan itong effect sa mga imaheng
Bulaklak at Larawan mula sa tutoryal na ito.

Gumawa ng Kuwadrong Gawa sa Oil na Effect sa Photoshop
Gagamitin ko ang Modang Larawan na litrato
para subukan itong HDR Oil Retokeng Aksyon.



Una i-load ang iyong Photoshop aksyon sa
pamamagitan ng pagpunta sa Bintana > Mga Aksyon, at piliin ang I-load ang
mga Aksyon mula sa drop down menu sa
loob ng Mga Aksyon na entrepanyo.



Buksan ang iyong paboritong litrato sa Photoshop, tapos piliin ang Aksyon at pindutin ang Play.



I-customize ang iyong litrato sa pamamagitan ng pageksperimento sa mga patong sa bagong HDR Oil Retokeng Pangkat. Itago ang Mataas na Pagpasa na Salaan at ayusin ang Pagkaopako ng Patong ng Pagkakalantad.



Pwede ka ring maglaro gamit ang mga kulay
sa pamamagitan ng pagdagdag ng Bagong Patong ng Pag-ayos ng Balanse ng Kulay
para sa karagdagang eksperimentasyon.



Gusto mong makita ang aksyon na ito? Tignan ang bidyo na ito sa itaas para
makita ang leksyon kapag gumagana.
Ilang Karagdagang Detalye
Gumawa ng maraming kamangha-manghang mga effect
sa litrato sa Photoshop sa pamamagitan ng pagtingin sa mga tutoryal sa ibaba.
- Photoshop ActionsMga Adobe Photoshop Aksyon, Pinaliwanag sa loob ng 60 SegundoHarry Guinness
- Photoshop ActionsPaano Gumawa ng Madilim na Litratong Effect Aksyon para sa mga Nagsisimula sa Adobe PhotoshopMarko Kožokar
- Pag-relightPaano I-Relight ang mga Larawan sa Post Gamit Itong 6 Dramatikong Photoshop AksyonMarie Gardiner
- Mga Effect sa Litrato25 Pinakamahusay na mga Photoshop Aksyon Gamit ang mga Malikhaing Effect sa LitratoSean Hodge
60 Segundo?!
Bahagi ito ng serye ng mabilis na mga video na tutoryal sa Envato Tuts+ kung saan ipapakilala naming ang malawak na mga paksa, lahat sa loob lamang ng 60 segundo – sapat lamang upang mapasabik ang inyon gana. Ipaalam niyo sa amin sa mga komento kung ano ang iniisip niyo sa video na ito at kung ano pa ang gusto niyong makitang ipaliwanag sa lob ng 60 segundo!
