Hot Shots: Cool at Makitantab at Makinis, Mataas Na Gawa Sa Salamin na Mga Gusali ng Opisina
() translation by (you can also view the original English article)
Sa seryeng ito, ipapakita namin ang look-book ng tunay na mga larawan na naipon ng mga manunulat at taga-edit dito sa Envato Tuts+. Sana ang mga larawang ito ay makapagbigay ng mga ideya, at magbigay sa iyo ng mas magandang pang-unawa sa visual na komunikasyon.
Ang Image Ngayon: Gusali ng opisina. Ang image na ito ay liufuyuna ito ay magagamit mula sa Envato Elements.



Mas Malapit na Tingin sa Image Na Ito
Ang mga gusali ng opisina ay sikat na subject matter, subalit ang isang ito ay mukhang nakakatawag-pansin. Tingnan natin ang ilang dahilan kung bakit.
Forced Perspective
Ang pagtingin sa gusali ay hindi naman bago, binibigyang-diin o pansin at sinosobrahan nito ang ideya ng taas;subalit ang sa tingin ko ang kaibahan dito ay ang perspektibo ay bahagyang nakahilig at maayos na naka-frame ng nakakurbang daanan o kalsada sa itaas.
Sana lang ay mayroon pang maraming puwang sa pagitan ng dalawang bloke sa kanan at sa taas ng frame, lahat ay medyo lapat, subalit marahil ay mayroon na hindi natin nakikita na maaaring nakasira sa effect kung ginawa ito ng photographer.
Ano ang Hindi Natin Nakikita
Kung ano ang iminumungkahi ng larawan ay maaaring kasing galing ng totoong ipinapakita nito; at higit pa minsan. Dito, makakakita tayo ng ilan pang mas maraming matataas na gusali na masasalamin sa tampok na skycrapers, na nagpapatibay ng ideya na ang nakikita natin ay abalang lungsod kaysa sa ilan lang na watak watak na gusali.
Wala din tayong nakikitang kahit anong sasakyan, kung saan ay karaniwan lang para sa anggulo at perspektibo, subalit salungat sa inaasahan natin mula sa cityscape.
Juxtaposition
Nabanggit ko ang abalang lungsod at ang image na ito ay nagsusumigaw na lungsod, subalit ang cool na colour edit, lighting at materyales ng skycrapers mismo ay napaggmumukhang makinis at makintab at malinis ang gusali — kabaliktaran ng iyong inaasahan mula sa abalang lungsod.
Ang mga puno sa image ay nakakatulong din sa kaibahan nito. Makikita na din natin ang hilera ng berdeng damo na nakasilip sa barandilya sa itaas, maraming halaman dito at naihahambing nito ng mabuti kung paano natin madalas naiisip ang isang lungsod: madumi, mabaho, at maingay.
Pagbasa ng Larawan
Gusto namin na marinig kung ano ang iyong masasabi sa larawang ito, at kung hindi ka sigurado kung saan ka magsisimula, sa Paano Magbasa ng Larawan ay makakapagsimula ka kung paano suriin ang pagkuha ng larawan. Kadalasan, ito ay pagsabi lang ng kung ano ang iyong nakikita at kung ano ang pakiramdam mo tungkol sa image!