Paano Gumawa ng Arkitektural na Guhit Mula sa isang Litrato
() translation by (you can also view the original English article)



Maligayang pagdating sa aming Photoshop sa 60 Segundo na serye, kung saan matututunan mo ang kasanayan, tampok at pamamaraan sa Photoshop sa loob lamang ng isang minute!

Photoshop sa 60 Segundo: Arkitektural na Guhit
Ang mga arkitekto ay mga bihasang propesyonal na gumagawa ng ekstraordinaryong mga teknikal na guhit ng mga gusali at mga panloob na disenyo. At pwede mong makamtan ang parehong propesyonal na plano gamit ang Photoshop Aksyon. Pasadahan ang napakaraming seleksyon ng mga Photoshop Aksyon mula GraphicRiver para baguhin ang iyong mga litrato kaagad.
Tignan kung paano gumawa ng magandang
teknikal na guhit sa mabilis na bidyo sa ibaba, at i-download ang Arkitektum
Iskets na mga Kagamitan Photoshop Aksyon na itinampok sa bidyo.
Paano Gumawa ng Arkitektural na Guhit Mula sa Photoshop
Buksan ang iyong litrato sa Photoshop. Dito, gagamitin ko itong panloob na disenyong istak mula sa Pixabay.



Tapos pumunta sa Bintana > Mga Aksyon at
piliin ang I-Load ang mga Aksyon na opsyon para i-load ang aksyon na gusto
mo.



Basahin ang anumang mga panuto nang mabuti
bago ilapat ang effect. Gumawa ng Bagong Patong at gamitin ang Bras na
Kagamitan (B) para i-bras ang mga lugar kung saan gusto mong tumutok ang guhit.
Tapos pindutin ang Play.



Depende kung gaano kakomplikado ang aksyon, maaaring kailanganin ng ilang minuto para magload nang lubusan. Kapag tapos ka na, panatilihin ang resulta o ituloy ang pagbabago sa effect sa pamamagitan ng pagpapaandar ng mga karagdagang aksyon.



Nandito ang pangwakas na resulta:



Tignan ang bidyo sa itaas para makita ang
leksyon kapag gumagana!
Ilang Karagdagang Detalye
Matuto pa lalo mula sa aming mga eksperto sa Photoshop. I-check ang sumusunod na mga tutoryal sa ibaba:
- Mga Effect sa LitratoPhotoshop sa 60 Segundo: Paano Gumawa ng Madaling Iskets EffectMelody Nieves
- Photoshop ActionsPaano Gumawa ng Iskets Effect Aksyon sa Adobe PhotoshopMarko Kožokar
- Photoshop ActionsPaano Gumawa ng Basang Basong Aksyon sa Adobe PhotoshopIndranil Saha
- Photoshop Actions50 Sobrang Kahanga-Hangang mga Photoshop Aksyon mula sa Envato ElementsMelody Nieves
60 Segundo?!
Bahagi ito ng serye ng mabilis na mga video na tutoryal sa Envato Tuts+ kung saan ipapakilala naming ang malawak na mga paksa, lahat sa loob lamang ng 60 segundo – sapat lamang upang mapasabik ang inyon gana. Ipaalam niyo sa amin sa mga komento kung ano ang iniisip niyo sa video na ito at kung ano pa ang gusto niyong makitang ipaliwanag sa lob ng 60 segundo!