Photoshop sa 60 Segundo: Paano Lumikha ng Binyeta sa 3 Paraan
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)



Maligayang pagdating sa aming serye ng Photoshop sa loob ng 60 Segundo, kung saan maaari mong matututunan ang kasanayan, tampok o pamamaraan ng Photoshop sa loob lamang ng isang minuto!
Epekto ng Binyeta
Ang binyeta ay epekto sa disenyo at
potograpiya kung saan ang larawan ay
kumukupas mula sa gitna hanggang sa karaniwang itim na likuran.
Nagdadagdag ito ng mapaglalang pagbabago sa kalooban ng larawan habang
humahatak ng atensiyon ng tagamasid papunta sa gitna. At dahil sa kapayakan nito, may ilang
paraan upang makamit ang ganitong epekto sa maiksing oras lamang. Magmula sa
Gradient hanggang sa mga Adjustment Layer at marami pang iba, idagdag itong
mabilis na epektong ito sa iyong arsenal sa pamamaraan ng pag-edit ng larawan.
Tingnan mo ang mabilis na video na ito upang matutunan mo ang 3 magkakaibang pamamaraan ng paglikha ng simpleng binyeta.

Konting Dagdag na Detalye
Matuto pa ng higit tungkol sa Adobe Photoshop sa Envato Tuts+:
- Pagtuturo ng Photoshop sa mga Baguha
- Mahahalagang Kurso sa Photosho
- Ang A to Z ng Adobe Photoshop
- Ang Pundamental ng Pagdidisenyo para sa Kurso ng
Litratista
At huwag kayong mag-atubiling subukan ang
epektong ito sa larawan na mula sa video na ito, gamit ang libreng Sparkler
Stock via Pixabay.
60 Segundo?!
Ito ay bahagi ng serye ng mabilis na pagtuturo ng video sa Envato Tuts+ kung saan ipakikilala naming ang saklaw na paksa, lahat sa 60 segundo – sapat lamang upang hasain ang iyong gana. Ipaalam sa amin sa komento kung ano ang iniisip niyo sa video na ito at kung ano pa ang gusto ninyong makitang ipinapaliwanag sa loob ng 60 segundo!
