() translation by (you can also view the original English article)



Maligayang pagdating sa aming Photoshop sa 60 Segundo na serye, kung saan matututunan mo ang kasanayan, tampok at pamamaraan sa Photoshop sa loob lamang ng isang minute!
Photoshop sa Loob ng 60 Segundo: Mga Layer Blend Mode
Sa Adobe Photoshop, maaaring kontrolin kung
paano pinagsasama ang mga layer sa pamamagitan ng pagsali ng mga Layer Blend
Mode sa iyong trabaho. Matatagpuan sa Layers na panel, tignan ang iba’t ibang
mga mapagpipilian upang makita ang mga posibilidad sa pagdisenyo sa loob lamang
ng iilang pindot.
Mula sa paglikha ng mga nakamamanghang dating
sa larawan hanggang sa hindi nakasisira na pag-edit sa larawan, matutunan ang
mga kailangan pagdating sa pagtrabaho sa mga Layer Blend Mode gamit ang maliit ng bidyo sa ibaba.
Maaaring mag-eksperimento sa iba’t ibang mga effect gamit ang mga nakaimbak galing sa bidyo na Envato Market.

Paano Gumamit ng mga Layer Blend Mode sa Adobe Photoshop
Ang mga Layer Blend Mode ay matatagpuan sa
tuktok ng Layer na panel.



Upang subukan, lumikha ng New Layer, at punuin
ito gamit ng kahit anong kulay na 50% ang Opacity gamit ang Paint Bucket Tool.



Ngayon, hawakan ang Shift habang pinipindot
ang Plus Sign upang makita ang iba’t ibang mga moda. Pansinin kung paano sila
gumagamit ng sariling mga pagbabago nang hindi sinisira ang orihinal na
larawan.



Gumawa ng madadaling mga vignette gamit ang Multiply, taasan ang contrast gamit ang Overlay, at magdagdag ng texture gamit ang Divide.



Gustong makita ito habang ginagamit? Tignan
ang bidyo sa itaas para mapanuod ang paggamit ng leksyon!
Iba Pang mga Detayle…
Nais matuto pa tungkol sa mga too at setting ng Adobe Photoshop? Tignan ang mga leksyon na ito sa ibaba:
- Adobe PhotoshopAng A hanggang Z ng Adobe PhotoshopMary Winkler
- Adobe PhotoshopPhotoshop sa 60 Segundo: Paano Gumamit ng mga Adjustment LayerKirk Nelson
- Pag-edit na Hindi NakasisiraPag-edit sa Larawan nang Hindi Nakasisira sa Loob ng 60 SegundoHarry Guinness
- Adobe PhotoshopPhotoshop sa 60 Segundo: Ano ang mga Artboard?Kirk Nelson
60 Segundo?!
Bahagi ito ng bagogng serye ng mabilis na mga video na tutoryal sa Envato Tuts+ kung saan ipapakilala naming ang malawak na mga paksa, lahat sa loob lamang ng 60 segundo – sapat lamang upang mapasabik ang inyon gana. Ipaalam niyo sa amin sa mga komento kung ano ang iniisip niyo sa video na ito at kung ano pa ang gusto niyong makitang ipaliwanag sa lob ng 60 segundo!