Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Street

Potograpiyang Daan sa Loob: Paglalakbay sa Pabloob na Lugar

Scroll to top
Read Time: 6 min
This post is part of a series called Street Photography.
Street Photography: How to See and Use Daylight Creatively
Embracing the Role of Fear in Street Photography

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Potograpiyang Daan sa Loob: Paglalakbay sa Pabloob na Lugar

Maski na marami sa atin ang nag-iisip na ang potograpiya sa daan ay ang pagkuha ng letrato sa labas, maaari rin itong kunin sa ano mang lugar na bukas sa publiko, katulad ng mga nasa loob na lugar. Mga pamilihan, restawran, kapehan, transportasyon, pliparan, subway na mga sasakyan, mga hotel, opisina, tanggapan, bodega, groserya, bilihan ng gamot, labahan, simbahan, museo, galeriya, gupitan, sinehan, gasolinahan, at maski na mga tindakan ng kamera ay iilan lamang sa napakaraming panloob na lugar na maaaring gamitin sa daan g potograpiya. Bsta ito ay bukas sa publiko, ang pagkuha ng larawan sa ganitong tipo ay maituturing na daang potograpiya bilang posible.

Pagresolba sa mga praktical na bagay: Pagbibigay ng matutuluyan

Sa panahon ng masamang panahon o malamig na na panahon kung saan ang mga daan ay nagmumukhang mas malungkot, ang mga panlob na espasyo ay maaaring gamitin din para sa mga daang potograpiya. Ang mabagyong panahon at malamig na oras ay nagbibigay na mga kakaiba at magagandang daang potograpiya, ang maulan o may nyebe ay maganda ring basehan para sa mala-ibang mundong imahe ngunit ang bilang ng mga oportunidad sa larawan ay nawawala kapag ikaw at ang iyong nasasakupan ay hindi komportable sa ganoong elemento sa mas matagalan. Ganoon pa man, ang panloob na lugar ay ang pinaka-pagpipilian dahil nagagawa nito ang mga daang potograpiya na maganap maski na ito ay imposible sa katotohanan. 

Subway New York City 2015 Subway New York City 2015 Subway New York City 2015
Subway, New York City, 2015. Larawan mula kay Amy Touchette

Pagpapalawak ng mata: Panghahhasa ng hinala

Maliban sa pagbibigay ng prodaktibong lokasyon, ang pag-gawa ng daang potograpiya ay nagbibigay ng mahalagang kaalaman na ang mga interesanteng imahe ay makukuha sa kahit na saan pang lugar.  Marami sa mga panlabas na daang potograpiya ay nakukuha sa “kalagitnaang” momento ng iyong buhay (kapag ikaw ay tagalinis, sabi) o habang may maiikling pagtigil (katulad ng sa kapehan) dahil ito ay nakaka-ilang o ikaw ay aalisin sa espasyo para kumuha ng larawan sa malayo.

Ngunit iyon ay totoong maganda: ang pagkakaroon ng larawan sa maikling panahon ay hinahayaan kang obserbahan ang iyong paligid at maging sensitibo sa pakiramdam o pangkalahatang pakiramdam ng mga tao at lugar ng mas hihigit pa sa nakagawian.

Ang pagsasanay sa ganitong potograpiya (at buhay) iskil na obserbasyon at sensibilidad at nakakatulong sa iyo na mahasa ang iyong pakiramdam. At kapag ikaw ay nakikitungo na sa publiko, ang lugar ay palaging puno ng sorpresa, ang pagkakaroon ng malakas na pakiramdam ay ginagawa kang gumalaw ng walang alinlangan at desisyon na hindi lamang makakabuti sa pag-gawa ng matagumpay na larawan sa pa-iba-ibang gamit, na sadya namang ka-ibig-ibig.  Parang napagdesisyunan mong pagkatiwalaan muli ang iyong sarili.

Pagtatrabaho sa mas madilim na lugar: Paglagpas sa mga bagong problema

Ang panloon na danng potograpiya ay nagbibigay ng mga problema. Ganoon pa man, ang pinaka halata ay ang pagkakaroon ng mas mahinang ilaw kumpara sa inang natural. Bilang resulta, ang lugar ng iyong kamera ay kinakailangang may mas magandang marka sa loob. Heto ay isa na namang pagkakataon kung saan ang abilidad na sumukat ng distansya ay karagdagang pribelehiyo, dahil ang lalim ng lugar na pinagtutu-unan ay mas mababaw kaysa sa maliwanag na umaga. Pagkatapos ayusin ang pagkakalantad sa mayroon ng nakalagay na disenyong panlooob na mga ilaw, gugustuhin mong masigurado na kapag ang subjek ay doon pupunta sa oras ng pagtutok.

Ang panlood na daang potograpiya sa ganoon ay mas nangangailangan ng maraming atensyon sa ilaw at sa iyong kamera kaysa sa panlabas na daang potograpiya, depende sa iyong sabjek at kung gaano kadalas magbabago ang kondisyon ng iyong mga ilaw. Kung posible, isiping palitan ang iyong madalas na gamiting lente sa iyong pinakamabilis para makakkuha ka ng mas maraming latitud kapag nagtatrabaho sa panloob na ilaw. Ang pag-gamit nito ay makakaragdag sa tyansa mong makakuha ng magagandang larawan.

Doctors office Bed-Stuy Brooklyn 2014Doctors office Bed-Stuy Brooklyn 2014Doctors office Bed-Stuy Brooklyn 2014
Opisina ng Doktor, Bed-Stuy, Brooklyn, 2014. Larawan mula kay Amy Touchette

Mas Malapitan: Paghahanap ng Komportable sa mas maliliit na espasyo sa emoryonal at teknikal

Posible rin na ang panloob na daang potograpiya ay babaguhin ang lebel ng emosyonal at pisikal na komportable, dahil kadalasang kakailanganin silang kuhanan ng mas malapitan. Hindi kasama rito ang mga pamilihan, paliparan, atiba pang maluwag na lugar, and mga panloob na lokasyon ay kadalasang mas maliit kaysa malawak na daan.  Ang mas masisikip na espasyo ay maaaring magbunga ng mga magulong larawan na mahirap kunin, dahil madalas kang mapansin ng mga tao, kaya maging handa na makausap ang iyong mga sabjek kaysa doon sa labas.

Kung ang prospektong ito ay nagdadala ng inis at takot para subukan ang mga panloob, huwag hayaang ang ganitong negatibong pag-iisip ay maka-apekto sa iyong mas magandang emosyon. Basta hindi mo kinukuhanan ang sino man ng hindi magandang momento o para pagtawanan ito, at iba pa, kung ganoon ay wala kang ginagawang masama.  At kapag may nagsabi sa iyong ayaw nilang magpakuha ng larawan, respetuhin iyon at humanap na lamang ng iba pang sabjek. Hindi malaking bagay.

Ang isang maliit na espasyong lugar ay maaaring mangailangan ng malaking angulo ng lente, tulad ng 28mm o mas malaki pa, para mailagay mo ang lahat ng elemento na gusto mo sa iyong larawan. Ang mga imahe na nakukuhanan mula sa looban ay mas magiging lahirap gamit ang mas mahahabang lente, na mas malit at kung ganoon ay mas kapansin pansin, ay makatutulong sa iyo para mabawasan ang pagka dominante ng presensya ng kahit na anong bagay na naroroon.

St Peters Basilica Pope John Paul IIs Rite of Visitation shortly after his death Rome Italy 2005St Peters Basilica Pope John Paul IIs Rite of Visitation shortly after his death Rome Italy 2005St Peters Basilica Pope John Paul IIs Rite of Visitation shortly after his death Rome Italy 2005
St. Peter's Basilica, Ritwal na Pagbisita ni Pope John Paul II bago siya mamatay, Roma, Italya, 2005. Larawan mula kay Amy Touchette

Pagiging ma-alam kung sino ang amo: Kaaalaman na ito ay hindi ikaw

Panghuli pero importante, ang ilang panloob na espasyo na bukas sa publiko, tulad ng mga restawran, galeriya, tindahan, tanggapan, at iba pang katulad, ay maaaring pigilan ang pagkuha ng larawan sa maraming kadahilanan, kaya kailangang magkaroon ng kaalaman kung nassan ka at kung ano ang sitwasyon. Kung ang lugar ay mahigpit na nagbabawal sa pagkuha ngrespetuhin ito o kumuha parin ng mga larawan.

Ngunit bago ang iyong magulong kaluluwa ay piliin ang huli, alamin ng mas maaga sa oras ang mga konsikwensya na haharapin mo kapag ikaw ay nahuli. Maaaring ikaw ay mapagalitan lamang o ipabura ang mga larawang iyong nakita. O maaari namang ikaw ay palabasin at tiisin ang kahihiyan dahil makikita ka ng iba na pinapalabas sa lugar.  Kung importante sa iyo na kumuha ng larawan, ang mga potensyal na kalalabasan ay karapat-dapat na itaya. Sa kabilang banda, maaari kang tanungin ng mga nasa awtoridad at magdulot pa ng mas maraming kaguluhan.

Ang punto ay hindi tulad ng mga malalawak at bukas na daan, ang mga panloob na lugar ay pagmamay-ari ng kung sino man. Ang mga taong namamahala ay maaaring may pakialam owala sa iyong pagkuha ng larawan, o maaaring nandoon o wala sila sa oras na gagawin mo iyon. Maging malinaw lamang na maaaring may isang magpahinto sa iyo habang ginagawa mo ito. Ngunit kung ikaw ay kukuha ng maingat (hindi marami) at may pang-intindi, maaari ring wala ni isa mang gugulo sa iyo.

Konklusyon

Ang mga panloob na pagkuha ng larawan ay maaring malawak na alternatibo sa mga panlabas na pagkuha ng larawan, hindi man kinakailangan sa mabagyong panahon o para lamang mag-iba ng paningin. Ang pagtingin sa larawan sa loob man o sa labas ay magbibigay sa iyo ng mas prodaktibong pananaw at gagawin ka nitong sanay sa lahat kaysa sa panlabas lamang. Maghanda ng mas maaga para s amas mahirap na sitwasyon sa pagpapa-ilaw at maliliit na espasyo, at maging maaalam na ang mga ganoong klase ng lugar ay may nagmamay-ari na maaaring hindi ka ayagang kumuha ng larawan. Maging handa sa mga magiging konsikwensya kapag kumontra ka sa  kanilang nais bago kumuha ng larawan para makagawa ka ng magandang desisyon kung paano mo gugustuhing magpatuloy.

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Photo & Video tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
One subscription. Unlimited Downloads.
Get unlimited downloads