30-50% off hundreds of digital assets! WordPress themes, video, music and more 30-50% Off Go to Sale
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Photography
Photography

Paano Gumawa ng Matinding mga Larawan ng Tanawin sa pamamagitan ng Inyong Smartphone

by
Length:LongLanguages:
Sponsored Content

This sponsored post features a product relevant to our readers while meeting our editorial guidelines for being objective and educational.

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Karamihan sa atin ay may dalang mobayl na telepono kapag tayo ay lumalabas, at katulad ng sabi nila, na ang pinakamahusay na kamera ay ang kamera na mayroon ka.  Ngunit maihahambing ba talaga ang smartphone sa DSLR para sa potograpiya ng tanawin, at iyan ba ay makatarungang paghahambing? Sa tutoryal na ito, titingnan ko kung paano sulitin ang kamera ng inyong smartphone para sa pagkuha ng mga tanawin.

Para sa tutoryal na ito, pinahiram tayo ng Sony ng Xperia XZ2 Compact, ang pinakamaliit na modelo ng kanilang pinakabagong smartphone, na may nangungunang kamera. Liban sa paggawa ng mga telepono, ang Sony ay isa ding nangungunang kumpanya ng digital na teknolohiya; nilagyan nila ng mataas na kalidad na mga sangkap sa bawat bahagi ng tubo ng paglalarawan, kasama ang 19 megapixel na sensor at malawak na anggulo (katumbas ng 25mm ng buong-balangkas na kamera,f/2.0 lens. Mayroon din silang talagan malinis na video at panghuli ng galaw na mga tampok, na hindi natin tatalakayin dito.

Pag-unawa at Mabisang Paggamit ng Inyong Telepono para sa Potograpiya ng Tanawin

Sukat at Timbang: Isaalang-alang ang Tripod

Ang gulo sa ibang mga smart phone ay masyadong manipis at magaan ang mga ito na ang paghawak sa mga ito sa matagal na mga pagkakalantad (bilang kanais-nais sa pagkuha ng larawan ng tanawin) ay maaaring mapaglalang. Nasasagap kaagad ng mga ito ang hangin at kapag nasa mataas kayong lugar, basa, o mabato, halimbawa, maaaring gumugol kayo ng mas maraming oras na maaari ninyong mabitawan o masira ito kaysa sa mismong pagkuha ninyo ng mga larawan.

Ang Sony Xperia XZ2 Compact ay kamangha-manghang mabigat para sa 5.3"  na telepono. Iyan ay pangkaraniwan ng kasalungat ng hahanapin natin sa smartphone, ngunit kung gagamitin mo ito kadalasan para sa kamera kung gayon ang kaunting pabigat ay talagang kanais-nais.  Mararamdamang mabigat ito, hindi parang ang bugso ng hangin ay kukuhanin ito sa anumang sandali.

Ang pagkakasiksik nito ay nakakatulong din. Ang karaniwang kalakaran ay papunta sa mas malalaking mga telepono at mga tablet — ang mas malaking XZ2 ay kasama (ito ay 6").  Habang ang malaking telepono, tablet o phablet ay naghahandog ng mas malaking screen, na kahanga-hanga sa pagtingin sa mga larawan, ang mga ito ay sagabal, at medyo kapuna-puna para sa potograpiya.  Pagkatapos ng lahat, ang pinakamahalagang dahilan ng pagdadala ng smartphone para sa potograpiya ay upang wala kayong kaladkaring malaking kamera sa paligid.

Sony Xperia
Ang Sony Xperia XZ2 Compact sa tripod. Image: Marie Gardiner

Anumang kamera ang ginagamit ninyo para sa potograpiya ng larawan, makatwirang isipin ang tungkol sa pagkakabit sa maliit na tripod para sa katatagan at katahimikan ng isip.  Madaling sumipot ang mga ito sa inyong bulsa o bag, kaya hindi malaking pasan ang magdala ng isa. Gumagamit ako ng ‘Iggy’ ng 3 Legged Thing.

Auto Laban sa Manwal na mga Pamamaraan ng Paglalantad

Sa palagay ko ang pinakamahalagang aspeto ng pagkuha ng pinakamahusay mula sa kamera ng inyong smartphone ay talagang malaman kung ano ang kakayahan nito at kung paano ito gamitin. Habang hindi kayo magkakaroon ng kaparehong pagpapasunod sa inyong DSLR, ang pagkakakilala sa inyong aparato ay nangangahuluga ng kakayahang makagawa ng mas mabuting mga pasya sa nagbabagong mga kalagayan kaysa sa inyong telepono.

Nang nasabi na iyon, ang Sony Xperia XZ2 Compact, ipinagyayabang ang Superior Auto Mod. Ako ay may pag-aalinlangan, ngunit nang ihambing ang mga larawan na kinuha ko sa Manual at Superior Auto, ang mga ito ay napaka-magkatulad.

Ngunit, sa ilang mga pagkakataon ang Sony ay nagagawa kung ano ang nakita ko sa karamihang nagagawa ng mga kamera ng smartphone (at maraming ibang mga digital na kamera), at iyon ay upang mauntog paitaas ang pagkakalantad – at maaaring hipan ang inyong mga highlight. Karaniwan ng maaari ninyong imetro lamang mula sa mas madilim na bahagi ng larawan upang malunasan ito, ngunit depende sa eksena, na maaaring maging biyolin.

Sa Manual na paraan karaniwan ng maaari ninyo pa ring piliing panatilihin ang ilang mga aspeto ng auto, kung iyon ay mas maginhawa para sa inyo. Kaya, katulad ng mga paraang A at S sa DSLR, halimbawa, maaari ninyong ayusin ang inyong sariling aperture at pabayaan ang kamera na magtrabaho sa putting balance at ISO.

Megapixels

Habang hindi ako maninilip sa pixel, nakikita ko ang kahalagahan ng kakayahang mas may makuha sa inyong mga larawan sa pagkatapos na produksyon, at ang mas mataas na mga pixel ay sadyang nakakatulong  doon. Dapat ay kaya mong piliin ang proporsyon at pagputol ng larawan ng inyong kamera, at iyon ay makakaapekto sa mga mayroong mga pixel.

Halimbawa, ang XZ2 Compact ay ipinagyayabang ang 19MP, ngunit iyon ay sa proporsyon na 4:3. Sa pamantayang kaayusan nito, ito ay nakaayos sa 16:9, ngunit iyon ay katumbas lamang ng 17MP.  Sa kasong ito, ito ay malaking ipinagkaiba ngunit ang proporsyong 16:9 ay mas angkop para sa mga tanawin, kaya payag akong kuhanin ang 2MP na kawalan kaysa kailangan pang magputol pagkatapos o maglagay ng mga palugit para sa komposisyon.

Kung kayo ay palaging gumagamit at ang lahat lamang ng ginagawa ninyo ay magbahagi ng mga larawan ng diretso mula sa kamera, online, o gumawa ng mga limbag para sa gamit sa bahay, kung gayon ay hindi ninyong masyadong iintindihin ang tungkol sa mga megapixel – karamihan ng mga kamera at mga smartphone nasakop na kayuo. Kung kayo ay litratista at gusto ninyong potensyal na maedit at maputol ang inyong mga larawan pagkatapos, kung gayon ito ay karapat-dapat na maglaan ng pansin hindi lamang sa bilang ng megapixel ngunit pati na rin sa sukat ng sensor.

Paggawa ng mga Larawang Tanawin sa pamamagitan ng Smartphone

Maging kumukuha kayo ng mga tanawin sa pamamagitan ng iyong smartphone o sa pamamagitan ng DSLR, ang mga prinsipyo ay pareho. Kung saan natin kailangang mag-isip ng magkaiba ay sa kakulangan ng pagpapasunod pagdating sa smartphone: paano natin ito papaikutin at paganahin para sa atin?

Malapad na Lens

Ang kamera ng smartphone ay karaniwang may malapad na lens; ang XZ2 Compact ay may katumbas ng 25mm na lens. Ang malapad na lens ay pinahihintulutan kayong samantalahin ito upang makakuha ng mga larawan ng bukas na mga puwang at malalaking mga ulap.

Pagbabago ng Perspektibo

Ang mobayl na telepono ay hindi mabigat katulad ng DSLR, kaya mas madaling kumuha ng mga larawan mula sa mas mataas o mas mababang mga perspektibo – lalo na kung mayroon kayong tripod na kailangang panatilihing matatag!

st marys lighthouse
Parola ng St Mary, Northumberland - Image: kinuha ni Marie Gardiner sa pamamagitan ng kanyang Sony Xperia XZ2 Compact

Harapan

Ang malapad na lens ay nangangahulugan ng matinding mga panoramikong mga tanawin, ngunit minsan ay maaaring maiwan ang mata ng inyong manonood na walang mapuntahan, at kaya, walang interes sa inyong larawan.  Subukang isipin ang tungkol sa kung paano maisasama ang kaakit-akit na harapan habang nananatiling nakukuha pa rin ang buong tanawin. Maghanap ng mga bagay katulad ng nakakawiling mga bato, mga layer ng mga burol, o mga halaman at mga bulaklak.

Craster
Craster Harbour. Image: kinuha ni Marie Gardiner sa pamamagitan ng kanyang Sony Xperia XZ2 Compact

Pangunahing mga Linya

Ang paghahanap ng mga linya upang gabayan ang mata sa larawan ay isa pang paraan upang makalikha ng mga larawan na may nakapirming malapad na lens habang nananatiling nakukuha ang magandang likuran.

Dunstanburgh Castle
Kastilyo ng Dunstanburgh, Northumberland - Image: kinuha ni Marie Gardiner sa pamamagitan ng kanyang Sony Xperia XZ2 Compact

Huwag I-zoom

Kung mayroon kayong mataas ang spec na telepono kung gayon ay maaaring mayroon kayong dalawahang kamera, na maaari ninyong i-zoom, hurrah!  Ngunit, ang pagzoom sa pamamagitan ng statik na lens ay ang talang ginagawa lamang pinuputol ninyo ang larawan at naiwawala ang kalidad, kaya iwasan ito! Kung kailangan ninyong magputol, gawin ito sa pagkatapos na produksyon kung saan ay kahit paano ay may orihinal kayo na babalikan.

zoomed in image
Larawan ng Kastilyo ng Alnwick, pinalaki. Image: kinuha ni Marie Gardiner sa pamamagitan ng kanyang Sony Xperia XZ2 Compact

Makikita ninyo mula sa larawang ito na ang pagpapalaki ay nagdudulot na ng kaparehong nakakaabalang pag-aartepakto katulad ng pagpiga: pagkawala ng kalidad sa kabuuan, ngunit lalo ng kapuna-puna sa palibot ng matitigas na mga gilid katulad ng mga gusali. Ito ay sobra sa pagputol.

Pagkatapos na Produksyon para sa mga Tanawing Larawan ng Smartphone

Tingnan kung ang inyong telepono ay nagtatago ng pinakamataas na kalidad. Karaniwan, ito ay nakaayos upang magtago ng malaking JPEG, na nangangahulugang mayroon kang mas kakaunting mga pagpipilian kaysa kung karaniwan ninyong kinuhanan ng HILAW.  Ngunit, may pipiliin ko pa ding magbukas ng JPEF sa pamamagitan ng Adobe Camera RAW editor. Upang gawin ito sa , pumunta sa File > Open As at piliin ang Camera RAW mula sa mga pagpipilian.

Kapag nabuksan na ninyo ang tagapamatnugot, dapat ay makikita na ninyo ang ginawa ng inyong telepono sa tab ng Profile, na pagkatapos ay papahintulutan kayong itama ang ano mang pagbaluktot ng lens o kromatikong pagkaligaw.

adobe camera raw
Mas gusto kong buksa ang mga larawan sa Adobe Camera RAW

Ang araw ay may kulay-abo at pangit na simula, kaya hindi ako masyadong makakakuha ng mg ulap sa pamamagitan ng telepono, ngunit ang kabuuan ng larawan ay maayos na nakalantad at lubos na balanse.  Salamat sa Superior Auto Mode! Maaari pa din tayong makagawa ng ilang panimulang pag-aayos upang mapabuti ang larawan nang hindi mawawala ang anumang kahulugan.

Gumawa ng Panimulang mga Pag-aayos

basic adjustments
Gumawa ng Panimulang mga Pag-aayos

Dito, binawasan ko ang mga highlight, itinaas ang mga anino, ibinangga ko ang kabuuang pagkakalantad, at pagkatapos ay nagdagdag ng ilang kaliwanagan at kahulugan, Binawasan ko din ang pagkabuhay, dahil ang mga kamera ng mobayl na telepono ay karaniwang pinapanigan ang sobrang pagkababad ng mga kulay.

Mga Paghahambing sa DSLR

Ang paghahambing ba ng kamera ng telepono sa DSLR ay hindi patas? Oo, siyempre, ang mga ito ay ganap na magkaibang bagay. Gagawin ko pa din ba ito? Tama ka gagawin ko.

Kami ay mga litratista, kaya hindi naming ito ihahambing sa aming mga karaniwang kit kung gayon ano ang punto? Hindi ito tungkol sa kung alin ang mas malakas, ito ay tungkol sa pagkuha ng pinakamabuti mula sa kamera ng inyong telepono na maari ninyong makuha.  Sa palagay ko ay maaari lamang nating gawin iyon kung susubukan natin at hahawakan natin ito sa aking karaniwang, mataas na pamantayan ng kalidad ng larawan.

Kumuha ako ng ilang magkaparehong mga larawan gamit ang Nikon D800 DSLR at Sony. Diretso mula sa kamera (na may magkaparehong panimulang pag-aayos katulad sa itaas) ang mga ito ay mapaghahambing:

bamburgh taken with mobile
Kastilyo ng Bamburgh, Northumberland - Image: kinuha ni Marie Gardiner sa pamamagitan ng kanyang Sony Xperia XZ2 Compact

Kinuha ko ang nasa itaas na larawan gamit ang manwal na paraan ng pagkakalantad, kaya mayroon akong ganap na kontrol. Tinumbasan ko ang langit at ginawang mas madilima ang kabuuan ng pagkakalantad – bahagyang kulang sa pagkakalantad – dahlia alam kong kaya kong pangalagaan ang mga highlight sa mga ulap at ibalik ang mas madaming kahulugan ng langit sa ganoong paraan. 

Bamburgh Castle Northumberland - Image Marie Gardiner
Kastilyo ng Bamburgh, Northumberland - Image: kinuha ni Marie Gardiner sa pamamagitan ng kanyang Nikon D800

Narito ang kaparehong larawan gamit ang aking Nikon D800.

Sa puntong ito, walang masyadong ipinagkaiba – magaling! Ang larawan ng DSLR, gayunman, ay maaaring putulin ng mas malayo nang hindi mawawala ang kahulugan kaysa sa kaya ng kamera ng telepono.  Ngunit ayos lamang iyon, hindi natin inaasahan ang malakas na resolusyon ng mga kamera ng telepono. Ang 19 megapixel ay madami na.

Pagtutulak para sa pagpapatnugot

Malaking tagahanga ako ng mataas na kontrast, dramatikong itim at putting mga larawan, kaya masigasig akong Makita kung kayang hawakan ng Sony ang ganoong uri ng pamamatnugot. Una ang Nikon, pagkatapos ang Sony:

Bamburgh Castle Northumberland - Image Marie Gardiner taken with Nikon D800
Kastilyo ng Bamburgh, Northumberland - Image: kinuha ni Marie Gardiner sa pamamagitan ng kanyang Nikon D800
Bamburgh Castle Northumberland - Image Marie Gardiner taken with the Sony Xperia XZ2 Compact
Kastilyo ng Bamburgh , Northumberland - Image: kinuha ni Marie Gardiner sa pamamagitan ng kanyang Sony Xperia XZ2 Compact

Ang larawan ng telepono ay tumatayong mas mahusay kaysa sa inaakala ko. Sadyang itinulak ko ang kontrast sa ganitong istilo ng larawan, at maayos nitong nagawa.  Nagdusa ito mula mas maraming butyl kaysa sa DSLR na larawan, ngunit maaari itong maging boon kung gusto ninyo ng mabutil na film na hitsura. Mayroon din mantsa ng sinag sa paikot sa mga gilid ng baton a hindi makikia sa larawan ng DSLR.

Sa kalahatan, hindi masama!

Magsalaysay ng mga Kwento sa pamamagitan ng Inyong mga Tanawing Larawan

Ang bawat isang larawan ay hindi kailangang maging perpekto. Subukang pagsamahin ang mga larawan sa montage o lumikha ng mga diptychs at mga triptych upang magsalaysay ng kwento ng inyong paglalakbay. Pumili ng mga komplimentaryong mga larawan na makikita kaagad ng inyong manonood sa sulyap, kaugnay sa bawat isa.

montage
Ang montage ng tatlong larawan na kinuha gamit ang Sony Xperia XZ2 Compact

Sa pamamagitan ng paggamit ng kaparehong pagproseso at mga pagsala sa inyong mga larawan, mas madali ninyong magagawang mukhang nabibilang ang mga ito sa set. Ito ay magaling kung ang panahon ay biglang nagbago habang kumukuha kayo ng larawan sa labas.

A montage of three images taken with the Sony Xperia XZ2 Compact
Ang montage ng tatlong larawan na kinuha gamit ang Sony Xperia XZ2 Compact

Subukang magdagdag ng ilang teksto upang magbigay ng konteksto sa inyong montage.

Karagdagang mga Tampok

Ang bawat telepono ay mayroong sarili nitong set ng mga tampok at nasa sa inyo kung paano ninyo gagamitin ang mga ito. Panatilihin itong payak. Kung kumuha kayo ng larawan nang malinis kung gayon palagi kayong may pagpipilian na ipatnugot ang orihinal na larawan pagkatapos.  Kung ginamit ninyo ang mga tampok ng app katulad ng ‘bokeh’ upang lumikha ng pekeng lalim ng parang, kung gayon kayo ay karaniwang matigil dito.  Ang mataas na dinamikong saklaw ay nagtatampok ng karaniwang trabaho sa pamamagitan ng pagtataas ng talim, kontrast at pagbababad, at sa pamamagitan ng artipisyal na pagpapalamig ng mga highlight at pagtataas ng mga anino. Kung gusto ninyo ng pagpipilian ng mas mataas na dinamikong saklaw, kung gayon, kung maaari, mas mabuti kung kukuha kayo ng larawan katulad kung paano ninyo gagawin sa DSLR: manwal na palitan ang mga pag-aayos sa pagitan ng mga paglalantad at pagsamahin ang mga larawan pagkatapos.

Konklusyon

Ako ay patuloy na namamangha sa bilis na nabubuo at napapaunlad ang mga kamera ng telepono. Sa loob lamang ng ilang taon hindi kapani-paniwalang layo na ang ating nararating at ang potograpiya ay naging nalalapitan, kung hindi man lubos na mura, para sa lahat.

Kung hindi kayo litatista, ngunit nasisiyahan kayo sa pagkuha ng mga larawan, kung gayon ang teleponong kamera ay tama para sa inyo – makakakuha kayo ng disenteng mga limbag, maaari ninyong ibahagi online sa inyong mga kaibigan at pamilya, at diresto mula sa inyong kamera ay makukuha ninyon ang mga larawan na matalim, malinaw at kaaya-ayang naibabad.

Kung kayo ay litratista, ang inyong telepono na may kamera ay maaaring makabigo sa inyo sa mga oras na wala itong pagpapasunod ng DSLR. Ayos lamang ito, ang mga ito ay magkaibang mga kagamitan para sa magkaibang mga resulta at sa palagay ko ay hangga’t pinapanatili ninyo iyon sa isip, magkakaroon kayo ng mabuting gamit sa pareho.

Narito ang ilan sa mga pangunahing mga puntos na dapat tandaan kapag kumukuha ng mga larawang tanawin sa pamamagitan ng inyong mobayl na telepono:

  • Ang pagkakaroon ng maliit na tripod ay makakatulong upang mapanatili ang inyong teleponong ligtas at malabanan ang panginginig ng kamay.
  • Ang pagkatutuo ng paggamit ng manwal na paraan ng inyong telepono ay nangangahulugang mas makagagawa kayo ng mas mabuting mga pasyaa sa mga nagbabagong mga kondisyon.
  • Siguraduhing ang mga sukat ng inyong larawan ay nakaayos sa pinakamataas na kalidad at habang hindi kayo dapat mahumaling sa mga megapixel, dapat ninyong sanayin ang inyong sarili sa kung ano ang mayroon sa kamera, laban sa kung ano ang kailangan ninyo.
  • Iwang gumamit ng zoom, palagi ninyong maaaring putulin ang inyong larawan pagkatapos kung kailangan.
  • Huwag matakot na isalalim ang inyong mga karaniwang mga pamamatnugot ng larawan na software at ilagay ang mga ito sa tulin ng lakad nito.
  • Gamitin ang inyong kaalaman sa komposisyon at maglagay ng hanggang kayang kaisipan sa inyong mga mobayl na larawan katulad ng gagawin ninyo sa DSLR, hindi kailangan maging mga ‘bigla’ lamang ang mga ito.
  • Magsalaysay ng mga kwento gamit ang inyong mga larawan sa pamamagita ng pagpapangkat ng mga ito sa montage.
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.