Unlimited After Effects and Premiere Pro templates, stock video, royalty free music tracks & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Video
Photography

Pangunahing 5: Pinakamabentang Manlilikha ng Video sa Envato Market, Nobyembre 2017

by
Length:ShortLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Matuto mula sa Pinakamahuhusay: Narito ang 5 Nangungunang Manlilikha ng Video sa VideoHive Ngayong Buwan.

Sa seryeng ito ipakikilala namin ang kasalukuyang nangungunang limang manlilikha ng video sa Envato Market's VideoHive, ayon sa benta.

Mahirap malaman kung saan mag-uumpisa kapag pinalalago ninyo ang inyong kakayahan bilang isang manlilikha ng video. Ang buwanang nangungunang lima ay manlilikha na pinakamahusay sa kanilang kasanayan. Inaasahan namin na ang kanilang mga kwento, at ang mga bagay na nililikha nila, ay mahikayat kayo upang makagawa kayo ng sarili ninyong kahanga-hangang mga video at mailagay ito sa merkado. Maaari niyo ring tingnan ang kumpletong ranggo sa VideoHive anumang oras, ang mga ito ay ina-update linggo-linggo.

5. Pressmaster

Sa ika-lima, Production Studio Pressmaster ay isang grupo ng mapangahas at malikhaing propesyunal na gumagawa ng haka-hakang imbak ng guni-guni, footage at musika. Ang saklaw na ihinahandog nila ay mula sa footage ng kumpanya, hanggang sa eksena ng pamilya at maging ang pagluluto.

Bagay na Itinatampok: Kasamahang Hipster na Kumukuha ng Sariling Larawan

Ang pagkuha ng sariling larawan ay hindi makabuluhan sa ngayon, ngunit madalas mahirap kumuha ng footage ng mga taong gumagawa nito: nauuwi tayo sa pagtingin na lamang sa natapos na resulta! Ang ganitong klase ng imbak na footage ay perpekto para sa mga pagtatanghal sa kumpanya, ngunit pati na rin para sa mga pagbabalita ng nauukol sa lipunan.

Hipster Colleagues Taking Selfie
Kasamahang Hipster na Kumukuha ng Sariling Larawan

4. Gorodenkoffs

Ang estudyo na galing Europa na Gorodenkoff Visulas ay pumasok sa ika-apat na bilang, naghahandog ng pagsasapelikula, pagpatnugot at pagkatapos ng produksyon ng larawan ng patalastas at guni-guning video. Ang kanilang portpolyo ay nagpapakita ng mataas na kalidad, propesyunal, at mapang-akit na halo-halong imbak na footage.

Bagay na Itinatampok: VR Headset

Kasama ang pokus sa pananaliksik, pag-iinhinyero at virtual na katotohonan, ang mga imbak na footage ng Gorondenkoff ay may kaugnayan, kaakit-akit at magkakaiba.

VR Headset
VR Headset

3. Videolancer

Sa ikatlo, ang portpolyo ng Evgeny ay nakalulugod na pinaghalo-halong uri ng lahat ng uri ng elemento ng video na maari ninyong maisip. Hindi niyo na kailangan pang humanap ng mga dinamikang treyler, mga transisyon at mga slideshow.

Bagay na Itinatampok: Madaling Makinis na Transisyon

Ang Madaling Makinis na Transisyon kasama ang halos 500 na mga transisyon, perpekto para sa mga proyekto ninyong video. Kasama sa mga pagpipilian ang fisheye, glitch at mga patag na epekto, narito na lahat ng gugustuhin ninyo at higit pa!

Handy Seamless Transitions
Ang Madaling Makinis na Transisyon

2. Mister Horse

Katulad ng iminumungkahi ng pangalan, Mister Horse, ang pangalawa natin ngayong buwan, ay may nakakatuwa at palabirong portpolyo na may ayos na mga preset ng 3D na galaw at ilang nakakatawang mga kit ng puting pisara. Hindi kayo magkakaroon ng problema sa paghahanap ng isang bagay na gusto niyo.

Bagay na Itinatampok: Whiteboard Kit - Gumawa kayo ng Sarili Ninyong Kwento

Ang kit na ito ay lampas 1000 mga elemento upang matulungan kayong gumawa ng sarili ninyong kwentong pangputing pisara mula sa wala. Hilahin at ilagay lamang ang laman at bigyang buhay ito sa pamamagitan ng mga preset na kasama – wala ng patumpik-tumpik pa.

Whiteboard Kit - Make Your Own Story
Whiteboard Kit - Gumawa kayo ng Sarili Ninyong Kwento

1. Joel Starling

At ang aming bituin ngayong buwan at ang nanguna: Joel Starling isang malayang ilustrador ng galaw at direktor ng sining mula sa Brazil. Ang kanyang portpolyo ay kahanga-hanga ang maayos na mga titulo at mas mababa sa ikatlo, subok na nakadadagdag ng gilas sa anumang pagbabalita.

Bagay na Itinatampok: Titulo ng Mahabang tula para sa Final Cut Pro X

Para sa mabilis na oras ng pagsasalin at madaling pagpapasadya, ang mga titulong ito ay idinisenyo upang mabigyan kayo ng pinakamataas na kontrol na may pinakamaunting abala. Mayroong mga madadaling pagtuturong video na kasama kung sakaling kayo ay natatagalan.

Magkita Tayo sa Susunod na Buwan!

Sana ay natuwa kayo sa mga nakasama ngayong buwan at sana ay nakakita kayo ng ispirasyon sa bagong nilalaman upang mabigyan ang mga proyekto ninyong video at pagbabalita ng dagdag na sukat.

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.