Advertisement
by
Read Time:2 minsLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Two couple dancingTwo couple dancingTwo couple dancing
Tansbar. Yva (Else Simon), sirka 1930.

Nangunguna sa Bago at Kakaibang Aleman

Katulad ni  Tina Modotti, at nagtatrabaho nang humigit-kumulang sa parehong oras, ang mga larawan ni Yva ay tinulak ang mga hangganan ng potograpiya:

" Noong panahon ng 1920 at 1930, pinatakbo ni Yva ang isang yumayabong na estudyo sa Berlin na may ilang empleyadong trainee , kabilang sa kanila si Helmut Newton. Ang kanyang mga larawan ay inilathala sa iba't ibang kilalang mga magazines at itinuturing pa ring nakapagbibigay inspirasyon sa bago at kakaibang Aleman. " - Museo ng Hudyo sa Berlin

Sinimulan ni Yva ang kanyang estudyo sa edad na 25, at isa sa mga nangungunang litratista sa Berlin noong unang bahagi ng 1930. Ang kanyang malikhaing pananaw ay nasa mataas na demand sa advertising at sa mga moda, at ang kanyang mga larawan ay inilalatha nang regular sa UHU, isang magazine para sa mga batang kababaihan , at sa Die Dame, isang fashion magazine.

Si Yva ay na-ban mula sa pagtatrabaho bilang litratista noong 1938 , nahuli at na-deport sa isang concentration camp noong 1942, kung saan siya ay pinatay sa Holocaust. Dalawa sa ikatlong bahagi ng kanyang mga arkibos at mga epekto ay kinumpiska noong 1943 , at nawala sa isang sunog.

Tanzbar

Narito, mayroon kaming litrato , sirka 1930, ng dalawang parehang nagsasayaw. Ang ibig sabihin ng Tanzar ay " kasayaw-sayaw " , " boppy " o  " tabernang sayawan. "

Gusto ko ang maraming bagay sa larawang ito . Una ang mga hugis. Gusto ko ang kombinasyon ng mga makinis na mga tones at ng matatalas na mga linya; ang kamay sa balikat, ang malalim na bahagi ng kwintas. Gusto ko ang texture din; makinis na balat, magaspang na balahibo, satin. Buhok. Nais ko ang paulit-ulit na dalawang magkaparehang nagsasayaw. Bagama't lahat  ng ating atensyon ay nakatuon sa magka- pareha sa unahan, ang dalawa sa likod ay nagbibigay ng espasyo sa larawan , laki at konteksto. Ang komposisyon ni Yva ay nagpapagalaw sa aking mata palibot sa kuwadro sa isang kahanga-hangang paraan , hindi talagang tumitigil.

Ang aking pinaka-gusto , bagama't , ay ang pakiramdam ng kapalagayang-loob at koneksyon na nakapaloob dito. Ito ay isang potograpiya ng isang lugar, isang sayaw, at isang yakap, subalit ito rin ay pandaigdig ; ito ay bawat sayaw, lahat ng magkasintahan , kahit saan. Isang napakalakas na pagkakaisa ng mga paksa, litratista , at sandali.

Karagdagan Tungkol Kay Yva

Ang Dazed ay may isang magandang profile. Ang Tanzbar ay makikita sa Ang Met. Mayroong isang kahanga-hangang kabanata tungkol kay Yva sa Pagsasanay ng Modernidad : Pagkamalikhain ng Kababaihan sa Republika ng Weimar.

Mga Litratistang Tinatangkilik

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.