Advertisement
  1. Photo
  2. Photographing
  3. Composition

7 Paraan ng Pag-pose para sa mga Walang Karanasan sa Pagmomodelo

Scroll to top
Read Time: 7 min
This post is part of a series called How to Shoot Perfect Portraits.
Making Your Poses Work for You
Step-by-Step Guide to an Engagement Session

() translation by (you can also view the original English article)

Hindi lahat ay may katrabaho na mga modelo. Mga ordinaryong tao ang karaniwang nagiging paksa ng mga litratista at kinakailangan natin na gawin silang magmukhang propesyonal na mga modelo. Pero paano mo ito magagawa kapag ang mga ito ay walang anumang karanasan sa kung paano umakto sa harap ng kamera? Narito ang pitong pamamaraan upang magmukhang propesyonal na mga modelo ang mga napiling gaganap.


1.  Pag-ayos ng buhok

Lingid sa ating kaalaman, magagawa nating iaayos ang buhok ayon sa ating kagustuhan. Kapag ang kinukuhanan mo ng litrato ay may mahabang buhok, unang mapapansin dito ay kapag ito ay may hindi kaaya-ayang buhok. Walang patakaran kung alin ang “pinakamainam” sa mga ito. Ang bawat isa ay nagkakaiba sa hitsura ayon sa kung anong klaseng buhok meron ang isang tao.

Isipin nalang natin na ikaw ay may simpleng sesyon sa pagkuha ng larawan na walang taga-makeup at taga-ayos ng buhok. Unang isaisip na ang buhok na nakalugay haggang balikat ay hindi maganda sa mata. Kung ang buhok ay nakalugay sa kanilang balikat, magmumukha itong napabayaan kaya kinakailangan na ayusin ito. May limang mga bagay na pwede nilang gawin sa knilang mga buhok.

benlucas_portrait_posing_1_hairbenlucas_portrait_posing_1_hairbenlucas_portrait_posing_1_hair
  1. Lahat na buhok ay nasa likod ng balikat.
  2.   Lahat ng buhok ay nasa harap ng balikat.
  3. Lahat ng buhok ay nasa isang panig lang.
  4. Lahat ng buhok ay nasa iba pang panig.
  5. Nakapusod.

Ang buhok na nakalugay sa balikat (#1) ay dapat iwasan. Nakadepende ang pag ayos ng buhok sa iyong modelo at sa hitsura na gusto mong makuha. Ang dahilan kung bakit kinuhanan ko ng litrato na ang buhok sa dalawang panig (#4 at #5) ay dahil natural na parte sa buhok ng tao na napupunta ito sa kabilang panig na nagmumukhang maganda tingnan kaysa sa kabila.

Sa pangkalahatan, gusto mo na ang kanilang parte ay nakaharap sa kamera para karamihan ng mukha ay nakasama. Sa pagtuturong ito, pinili ko na ang buhok ay nakapusod (#6) upang maging malinaw at makita ng maayos ang ituturo na walang sagabal. Para sa karamihan na kababaihan, ang pusod na ayos ng buhok ay isang “simpleng” ayos ng buhok lamang pero sa katunayan, ito ay maganda tingnan sa harap ng kamera dahil maging maaliwalas tingnan ang mukha.


2.  Iposisyon ang Baba (o Tenga) Paharap

Kung ang isang tao ay nakatayo ng normal, o di kaya nakatayo ng matuwid upang magkaroon ng magandang postura, mayroon paring kaunting taba na mkikita sa ibaba ng baba. Kahit gaano sila kapayat, makikita mo parin ito. Kung sasabihin mo sa mga tao na e posisyon ang kanilang baba na paharap o pasulong, na kung ano ang nararapat, e poposisyon pa rin nila ang kanilang baba papunta sayo, na ang mukha nila ay nakataas at makikita mo nalang ang butas ng kanilang ilong bilang resulta. (Hindi maganda tingnan.) Sa halip, sabihin nalang sa modelo mo na iharap ang kanilang tenga.

benlucas_portrait_posing_2_chinbenlucas_portrait_posing_2_chinbenlucas_portrait_posing_2_chin

Ito ay nagpapakita noong bago sila sinabihan at ang naging resulta nang sinabihan sila na iharap ang kanilang tenga.

benlucas_portrait_posing_3_chinbenlucas_portrait_posing_3_chinbenlucas_portrait_posing_3_chin

Magkatulad ang noon at ngayon kung tingnan sa gilid. Minsan, tinatawag ko itong “turtling” sapagkat palagay nila ay para silang pagong na lumalabas sa kanilang siyel. Parang hindi ito komportable at hindi natural, ngunit ang resulta ay nararapat din.

benlucas_portrait_posing_4_chinbenlucas_portrait_posing_4_chinbenlucas_portrait_posing_4_chin

Magkatulad ang pamamaraan kung lalaki ang modelo. Siya ay matipuno at makisig, ngunit ang tindig ng katawan ay hindi maganda sa litrato.


3. Itaas ang Braso

Kapag ang mga tao ay nakatayo ng natural, ang isang pang bagay na kanilang nagagawa ay tumayo na ang kanilang mga braso ay nakadiretso sa magkabilang gilid. Ito ay nagdudulot ng maraming problema. Una, nagmumukha silang nahihirapan at hindi comportable sa litrato. Pangalawa, napapalapit o napapadikit ang kanilang mga braso sa kanilang katawan. Napapadiin ang braso sa katawan at magmumukhang mataba o malaki ito kaysa sa tunay na anyo.

benlucas_portrait_posing_5_armbenlucas_portrait_posing_5_armbenlucas_portrait_posing_5_arm

Maiaayos ito sa pamamagitan ng pagtaas o paglayo ng braso ng isang pulgada o dalawa upang ito ay “nakalutang” at hindi nakadiin. Sa alternatibong paraan, maiposisyon mo ang kanilang kamay upang ang braso ay nasa ibang posisyon, tulad ng pagposisyon ng kamay sa balakang. Sa larawan sa taas, ang pulang linya ay ang laki ng braso kapag nakatayo na hindi naka-pose. Ang parehong pulang linya ay inalis sa ikalawang larawan upang makita mo kung gaano nagiging magmukhang maliit ang braso kung hindi ito nakadiin sa katawan.


4. Hayaan ang Pangmata na Ispasyo sa iyong Baywang

Gusto ng lahat na magmukhang payat. Isang bagay na maari mong magawa upang ang iyong modelo ay magmukhang payat ay ang hayaan ang kanilang “natural” na baywang, na walang anumang dinagdag na kung anumang bagay. Ang ibig kong sabihin ay hayaan ang payat na parte ng katawan upang magmukhang payat pa rin. Meron akong modelo na pinalagay ko ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang. Ang unang larawan ay nagpapakita na walang anumang pag-pose. Ang braso sa likod ay walang ispasyo sa pagitan nito at ng katawan, kaya nagmukhang malapad ang gitnang parte ng katawang kung titingnan. Sa pamamagitan ng paglayo ng kanyang braso paharap, makikita mo ang ispasyo, kaya ang baywang ay walang kahit anumang nakadikit dito na makakasagabal.

benlucas_portrait_posing_6_waistbenlucas_portrait_posing_6_waistbenlucas_portrait_posing_6_waist

Ang pulang linya ay nagpapakita ng lapad ng modelo mula sa unang larawan. Ito ay inilagay din sa ikalawang larawan upang ipakita kung gaano kalaki ang dinagdag na lapad. Ang patakarang ito ay hindi lamang para sa mga braso. Anumang nasa likod ng inyong modelo na magmumukha silang mas malaki ay hindi mabuti. Ang ibang halimbawa sa mga ito ay ibang mga tao, punong kahoy, o kaya poste ng ilaw.


5. Pagtagilid o pagbaling ng Balikat

Ito ay napakasimpleng payo, pero importante. Kung ang iyong modelo ay nakatingin sa kamera na nakapokus ang ulo, sila ay magmukhang malaki. Mabuti ito kung ang kinukuhanan mo ay isang manlalaro ng football o CEO ng malaking kompanya, pero hindi maganda kapag ang kinukuhanan mo ng litrato ay isang modelo. Sa pagbaling ng iyong modelo, napapakita nila ang kanilang mas payat na anyo sa harap ng kamera at nagmumukhang payat.

benlucas_portrait_posing_7_shouldersbenlucas_portrait_posing_7_shouldersbenlucas_portrait_posing_7_shoulders

Ang pulang linya ay nagpapakita ng sagad na lapad ng modelo kapag nakatayo ng diretso paharap. Magbibigay a rin ng larawan na ang modelo ay nakaharap sa kamera pag ito ay bumaling o tumagilid ng kaunti sa gilid, ngunit mas payat ang anyo.


6. Huwag Ipakita ang Puti ng mga Mata

Kung gusto mong kuhanan ang iyong modelo na para syang naka tingin sa malayo, o makmukhang nag-iisip at pinili mo na ang iyong modelo ay wag tumingin sa kamera, huwag mong sabihin na “tumingin ka doon.” Bigyan mo sila ng bagay sa iyong likod na kanilang tititigan upang ma-kontrol mo ang kanilang tingin.

benlucas_portrait_posing_8_eyesbenlucas_portrait_posing_8_eyesbenlucas_portrait_posing_8_eyes

Sa unang larawan, sinabihan ko ang modelo na tingnan ang pinto malapit sa amin. Makikita mo puro halos ang puti ng kanyang mata, na kung saan hindi mabuti. Gusto mong makita ang iris, ang may kulay na parte. Kinailangan ko syang tumingin sa bintana na kasunod sa pinto. Ang konteng iba sa posisyon ng tingin ay nagpabalik ng kanyang mata, nakawala ng puting parte, at nagbigay ng mas magandang kuha.


7.  Huwag Hayaan na ang Ilong ay Makasira sa Mukha

Ito ay medyo complikado, pero importante pa rin. Kung ayaw mo na ang iyong modelo ay nakaharap pasulong, kailangan mo silang ipatagilid Ipalagay na natin na ayaw mo ang buong kuha na makikita lang ang isang parte ng mukha, sila ay medyo tumagilid ng mga dalawampo’t limang porsyento na ang mga mata sa kuwadro. Kung ikaw ang guguhit ng linya na imahinasyon lamang sa gilid ng kanilang mukha pababa, ang linyang ito ay ang linya na hindi dapat masasakop ng kanilang ilong.

benlucas_portrait_posing_9_nosebenlucas_portrait_posing_9_nosebenlucas_portrait_posing_9_nose

Kung sila ay masyadong tumagilid at ang ilong ay nasa linyang ito, “masisira” nito ang natural na kurba ng mukha. Magiging parang “pinocchio” ito at napapahaba ang haba ng ilong. Maaari mo itong iwasan sa pamamagitan ng pagtalikod nila sa iyo ng kaunti, hanggang makita mo na may kaunting ispasyo sa gitna ng dulo ng kanilang ilong, at sa gilid ng kanilang mukha. Hindi mo gugustuhin na masira ang linya na yan o magkaroon sila ng hindi angkop na anyo ng mukha.


Sa kabuohan.

benlucas_portrait_posing_10benlucas_portrait_posing_10benlucas_portrait_posing_10

Narito ang listahan na pwede mong sundin para sa susunod na pagkuha mo ng litrato o larawan.

  • Ang buhok ay nasa likod ng isang balikat, sa harap ng isa.
  • Ang baba ay nakaharap na pasulong upang mabigyan pansin ang bahagi ng panga.
  • Ang braso ay nakataas o nakaposisyon palayo sa katawan.
  • Walang mga sagabal na nakalagay sa baywang.
  • Pagbaling ng Balikat.
  • Ang may kulay na parte ng mata o iris ay mas napapansin kaysa sa puting parte ng mata.
  • Hindi nasisira ng ilong ang linya ng mukha.

Ano ang nagawa mo upang iparamdam sa mga ang ordinaryong mga tao na parang sila ay propesyonal na mga modelo? Ibahagi sa akin kung ano ang iyong magagawa sa mga naibigay na gabay o paraan at kung ano ang iyong maibigay na payo sa mga komento.

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Photo tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.