Paano Magdagdag ng Panimulang 3D na Pagsubaybay ng Kamera sa Footage ng Drone sa mga Adobe After Effects
() translation by (you can also view the original English article)

Sa tutoryal na ito ay matututunan ninyo kung paano gumawa ng panimulang pagsubaybay ng kamera sa video footage ng drone gamit ang Adobe After Effects. Ito ay kahanga-hanga sa pagdadagdag ng mga titulo o kaya teksto ng lokasyon sa mas dinamiko at kaakit-akit na gawain. Maaari din tayong magdagdag ng mga grapiko o kaya footage na may mataas na uri ng daanan upang gawin itong magmukhang parang aktuwal na nasa eksena ito.
1. Magsimula na tayong Sumubaybay
Ang unang bagay na kailangang gawin ay magbukas ng Tracker panel sa After Effects. Ito ay nasa ilalim ng Window>Tracker. Ito ay magbubukas ng Tracker panel. Ngayon piliin ang inyong klip at ilagay ang playhead sa simula ng klip at piliin ang Track Camera.

Ang camera tracker ay magsusuri ng footage. Ang prosesong ito ay maaaring ng medyo matagal na oras depende sa inyong computer at kung gaano kahaba ang inyong kuha. Kapag tapos na ang pagsusuri makikita ninyo ang iba’t ibang mga pananda ng dinaanan sa inyong footage. Ngayon piliin ang Create Camera sa 3D Camera Tracker effect.



2. Magdagdag ng panimulang Teksto
Mula dito maari kayong magdagdag ng ilang panimulang 3D na teksto. Piliin ang text tool, i-type ang ilang teksto at pagkatapos ay ayusin ang layer ng teksto sa 3D, maaaring lumiit ang sukat nito dahil sa pagsubaybay sa kamera. Maaari ninyong gamitin ang scale na opsyon sa teksto upang palitan ang sukat nito.) Huwag mag-atubili na palitan ang posisyon ng inyong 3D na teksto gamit ang mga gizmo sa X,Y,Z na axis. (Maaari ninyong pindutin ang Shift na key upang mas mabilis na ilipat sa paligid ang 3D.)



Panghuli, maaari nating buksan ang Motion Blur para sa ating mga layer ng 3D na teksto. Ito ay magpapangyari upang magmukhang natural ang mga ito sa eksena.



3. Gawing Kaakit-akit
Maaari kayong magdagdag ng kahit anong layer at gawin itong 3D gamit ang paraan na ito, hindi basta teksto.
- VideoPaano Bigyang Diin ang mga Video ng Drone gamit ang Alpha Channel Stock FootageCharles Yeager
Isang bagay na gusto ko talagang gawin upang bigyang diin ang aking footage ng drone ay ilagay ang footage sa mataas na uri ng daanan, katulad ng Firework Elements mula sa VideoHive, sa ibaba. Ngayon magmumukha silang parang bahagi ng ating eksena dahil sila ay makatotohanang nasubaybayan sa footage! Maaari din kayong magdagdag ng ibang mga element ng mataas na uri ng daanan katulad ng Circling Eagles.



Nabanggit sa pagtuturong ito
- Firework Stock Footage
- Circling Eagles Stock Footage
- VideoHive Stock Footage
- Aerial Drone Video sa pamamagitan ng Ozark Drones