Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Post-Processing

Facebook JPEG Kompresyon: Paano Makamit ang Pinaka Kalidad na Imahe sa Iyong Timeline

Scroll to top
Read Time: 4 min
This post is part of a series called Image Compression for Photographers.
Save For Web: Better JPEG Compression with Adobe Photoshop
Twitter JPEG Compression: How to Create the Best Quality Image for Your Feed

() translation by (you can also view the original English article)

Nagawa na nating lahat yan, mag-upload nang larawang hindi kapani-paniwalang tignan sa ating software na pang-edit para lamang makaiwas sa kasuklam-suklam na gulo nang pagkokompres na ngayon ay nasa ating Facebook timeline. Sa paalaalang ito, tutulungan ko kayo na makamit ang pinaka kalidad na pwedeng resulta kapag nag-uupload nang iyong mga larawan.

Pagintindi sa mga Patnubay

Ang Facebook ay nagbigay sa atin ng mga patnubay na ito:

facebook guidelinesfacebook guidelinesfacebook guidelines
Ang mga patnubay ng Facebook sa pag-uupload nang larawan

Kaya tingnan natin kung ano ang gumagana. Tayo ay magsisimula sa mga pangkaraniwang larawan.

Pangkaraniwang lawaran sa Timeline

Iminumungkahi nang Facebook na tayo ay mag-upload nang 720px, 960px o kaya 2048px na lapad para sa para sa pinaka magandang resulta. Ito ang larawan na aking gagamitin para sa ating paghahambing:

example pictureexample pictureexample picture
Halimbawang larawan na gagamitin sa Facebook

Sineyb ko ang larawan sa bawat nasabing lapad at inupload ang mga ito; pagkatapos sineyb ang Facebook-kompres na bersyon pabalik sa aking kompyuter.

Ang unang bagay na dapat alalahanin ay ang pagkakaiba sa laki ng file. Kung iisa-isahin ko mawawala tayo sa bilang, kaya para makuha ang gitnang lapad: 960px, ang file na aking nasimulan na ay 523kb at ang aking naseyb sa Facebook ay 86.9kb kaya alam na nating magiging sukdulan ang pagkokompres.

Ito ang lahat na tatlong laki sa 100% sa Facebook:

facebook compression comparisonfacebook compression comparisonfacebook compression comparison
Ang paghahambing sa tatlo ay nagmumungkahi nang lapad na gagamitin sa Facebook

Mapapansin natin ang artifacting sa lahat ng tatlong larawan, partikular sa palibot ng ibabaw ng bridge kaya binigyan pansin ko iyon para maipakita sa inyo. Ang mas malaking larawan (sa taas sa kaliwa) ang may pinaka kakauting halatang senyales ng kompresyon at marami sa mga tao ay hindi mapapansin ito ng malapitan kaya hindi ito mahahalata, hindi tulad ng 720px na maaring pang lumaki.

Sinubukan ko ang parehas na laki ng mga file gamit ang PNG sa halip na JPEG at nakakuha ako nang kagayang resulta, kaya hindi ko na kayo babagutin sa bagay na iyon. Mahalagang malaman na ang PNG ay lumilikha ng malaking file kaya nanaisin na lang nang Facebook na bawasan iyon (mas marami pang patungkol dito mamaya). Ang natatanging pagkakataon na nakitang gumawa ito nang tunay na pagkakaiba sa mga larawan sa timeline ay kung magsasama ng teks, kagaya kapag ikaw ay nag-uupload nang anuman na may logo, halimbawa.

Pabalat na Larawan

Ito ang larawan na aking gagamitin para sa aking pabalat:

example cover photoexample cover photoexample cover photo
Ang halimbawa ng aking pabalat na larawan

Kung susubukan ko na i-upload ito sa buong resolusyon (7000px lapad), ito ang mangyayari:

facebook cover with compressionfacebook cover with compressionfacebook cover with compression
Pabalat sa Facebook na may buong resolusyon na larawan na ginamit

Hindi kaaya-aya sa kabuuan. Iminumungkahi nang Facebook unang-una na baguhin ang laki sa 851 x 315 kaya subukan natin:

facebook cover with resized photofacebook cover with resized photofacebook cover with resized photo
Pabalat sa Facebook na may binagong laki ngunit sobra pa din sa 100kb

Mas maganda, ngunit madami pa din ang lukot sa palibot ng puffin partikular. Ang larawan na ito ay halos 300kb bagaman at nirerekomenda nang Facebook na 100kb kaya sa pagkakataong ito, ginamit ko File > Save For Web (Control-Shift-Alt-S) sa Adobe Photoshop at inakma and Kalidad na makukuha nang pinal na larawan sa laki na mababa sa 100kb:

save for websave for websave for web
Gamitin ang Save for Web para ang laki ng lawaran ay mababa sa 100kb
facebook cover under 100kb and resizedfacebook cover under 100kb and resizedfacebook cover under 100kb and resized
Pabalat sa 851 x 135 at i-save sa laki na mababa sa 100kb

Sa inyong nakikita, ito pa lang ang nakakuha nang pinaka magandang resulta. Minsan nakakakita ako ng pabalat na lawaran na mas maganda ng kaunti ang resulta gamit ang PNG sa halip na JPEG, ngunit gaya nang aking sinabi kanina, mas mahirap panatilihing mababa sa 100kb ang laki ng file kaya subukan ang dalawa at tingnan kung ano ang gagana sa iyo.

Buod

Ito ang mga ilang puntos na aalahanin:

Para makamit ang Pinakamagandang Resulta para Timeline na Larawan:

  • Mag-upload nang mas malaki na larawan
  • I-save sa pinakamataas na kalidad
  • Gamitin ang PNG para sa larawan na may teks (logos)

Para makamit ang Pinakamagandang Resulta para sa Pabalat na Larawan:

  • Baguhin ang larawan sa 851 x 315
  • Gumamit nang Save For Web at maibaba ang laki sa 100kb
  • Subukan ang JPEG at PNG para makita kung ano ang mas maganda

Ang mga lawaran ay kaylanman ay hindi magiging buo kung walang kompresyon, maliban na lang kung babaguhin nang Facebook kung paano gawin ang mga bagay-bagay, pero magagawa nating silang mas kaaya-ayang masdan sa kaunting pagbabago dito at doon.

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Photo & Video tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.