Pangongolekta ng Ulan
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
五月雨をあつめて早し最上川
samidare o atsumete hayashi Mogami-gawa
pangongolekta ng ulan
sa panahon ng tag-ulan - rumaragasang
Ilog Mogami



Pangongolekta ng ulan
Ang inspirasyon ngayon ay tula ni Matsuo Basho (松尾 芭蕉, Japan, 1644-1694) at ang larawan ng Ilog Mogami na kuha mula sa satelayt.
Ang Ilog Mogami
Hindi pa ako nakarating sa Japan, at malamang hindi na makarating kailanman. Hindi ko alam kung ano ang itsura ng Ilog Mogami, na pinalaki ng ulan na dala ng habagat. Hindi pa ako nakakita ng habagat.
Ngunit mula sa itaas ng kalawakan, sa maaliwalas na araw na may nagkalat na ulap, alam ko ang mga kurba ng Ilog Mogami. Sa mga salitang ito ay nararamdaman ko ang lakas ng ilog, ito'y buhay at mabilis na umaagos noong 1689. Iyan ay mahika.
Rumaragasa
Ang mga larawan ay makakatulong sa atin na lagpasan ang oras. Maaari din tayong hayaan ng mga ito na makarating sa mga imposibleng lugar, katulad paitaas sa ibabaw ng mga ulap.
Minsan ang mga larawan ay dumarating nang sabay-sabay. Minsan ang mga ito ay hindi na talaga dumarating. Minsan ang mga ito ay dumarating nang ganap na hindi inaasahan. Ang hamon sa atin ay hayaan natin ang ating mga sarili, na maging bukas nang sapat ang ating kaisipan upang tanggapin ang mga magagandang regalong ito ng pangyayari.


