Layout Lowdown: Kilalanin ang Final Cut Pro X
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Sa iyong unang pagbubukas ng makapangyarihang app tulad ng Final Cut Pro X, ang mga menu at mga opsyon ay maaaring maging kagulat-gulat. Maaaring alam mo na ang iyong nais gawin, ngunit hindi mo alam kung paano gawin ang iyong proyekto sa pinakamadaling paraan.
Sa videong ito mula sa kurso ng Video Editing sa Final Cut Pro, tinalakay namin ang layout ng app, at natutunan mo ang mga mahahalagang kagamitan at mga kontrol upang magamit sa iyong video. Matututunan mo kung paano magsagawa ng mga pangunahing function tulad ng pagpili at pag-eedit ng mga clip gamit ang trim tool, paano gamitin ang effects panel, at kung paano i-export ang iyong video.
Sa katapusan ng leksyon ng video sa itaas, mararamdaman mo na mas magiging pamilyar ang Final Cut Pro sa iyo at maaari ka ng makagawa ng simpleng pag-eedit.



Panoorin ang Buong Kurso
Kung nais mo pang malaman ang paggamit ng Final
Cut pro, huwag palampasin ang buong kurso ng: Video Editing in Final Cut Pro. Sapat na ang kursong ito para
sa mga nagsisimula pa lang sa Final Cut Pro at sa mga may kakayahan ng gumamit,
tinatalakay ang lahat ng mga pangunahing kaalaman: pag-iimport at pagsasaayos
ng iyong footage, mga mahalagang kasanayan sa pag-eedit, fine-tuning ng iyong
pag-eedit, at ang mga pinakamagandang pamamaraan para i-export ang iyong mga
video.
Maaari kayong tumalon kaagad sa kursong ito gamit ang subskripsyon sa Envato Elements. Para sa isahang mababang buwanang bayad, makakakuha kayo ng access hindi lamang sa kursong ito, ngunit sa buong aklatan ng 1,000 mga kurso
Dagdag pa dito, maaari ka ng magkaroon ng walang limitasyon na pag-dadownload mula sa malaking[pangalan] library ng 320,000+ na mga larawan at 36,000+ na mga disenyo ng asset at mga template. Gumawa ng mga kakaibang font, mga graphic at mga template, at maghatid ng mas magagandang mga proyekto nang mas mabilis.
Paano Pagsabayin ang Panayam na Audio at Video sa Final Cut Pro X
Paano Gamitin ang Magnetic Timeline sa Final Cut Pro X
