Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)
Mas maganda ang mga mata kaysa sa ano pa mang kamera. Kapag tumingin sa isang tanawin, kagaya ng paglubog ng araw, kung saan mayroong malaking puwang sa pagitan ng pinakamatingkad at pinakamadilim na kulay, nakakakita ng mga mata lahat ng detalye. Ngunit hindi ito kaya ng iyong kamera: gagawin nitong itim ang mga anino o gagawing puti ang mga highlight.
Ang HDR (high dynamic range), o mataas na dinamikang saklaw, na potograpiya ay isang makapangyarihang kasangkapan para sa pagkuha ng mas maraming impormasyon sa mga anino at highlight ng imahe, na mas mataas kaysa sa kaya ng sensor ng iyong kamera.
Imbis na kukuha ng isang imahe at aasa na lang na maganda ang kalalabasan, kumuha ng maraming imahe at digital na pagsamahin. Sa isang frame ay ilalabas ang madidilim na bahagi ng imahe. Sa isa pa ay ilalabas ang pinakamaliwanag. At sa pangatlo ay palalabasin ang gitnang mga kulay. Ang tatlo ay normal ngunit ang lima, pito, o mas marami pa ay madalang.

Sa pagkuha ng HDR na imahe, ang kailangan lang gawin ay kumuha ng higit sa isang litrato ng iisang tanawin, na may iba’t ibang antas ng exposure. Kadalasan ay kaya na ng mga kamera ang awtomatikong exposure bracketing kaya tignan ang manwal para malaman.
Kapag nakuha na ang mga larawan, gumamit ng sofware kagaya ng Photoshop upang pagsamahin sa iisang exposure na may mataas na dinamikong saklaw.
- HDR5 na Magandang HDR na Larawan, at Kung Paano Gumawa ng SariliMarie Gardiner
- HDRBuking Na! 7 Mito Tungkol sa High Dynamic Range na PotograpiyaBen Lucas
- HDRPaano gumawa ng Mahabang Exposure na High Dynamic Range (HDR) na LarawanHarry Guinness
- PagkuhaGamitin ang Custom na Moda ng Kamera Para sa Mas Magandang Kalidad na HDRRob Taylor
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Photo & Video tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post