Unlimited After Effects and Premiere Pro templates, stock video, royalty free music tracks & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Video
Photography

Paano Magdagdag ng Zoom sa iyong Drone Video sa Adobe After Effects

by
Difficulty:BeginnerLength:ShortLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Pagdagdag ng zoom sa iyong drone footage sa post-production ay isang madaling paraan upang ang iyong mga kuha ay magmukhang mas dynamic at cinematic. Tamang-tama na gamitin ang Teknik na ito kasama ng 4k footage na may output na 1080p para sa final video (siguruhin na i-downlod ang halimbawang clip ng 4k na kasama sa project file na ito para sa pagtuturo!)

1. Setting Up

Una ay kailangang gumawa ng komposisyon na mas maliit sa iyong orihinal na kuha. Sa ating kaso tayo ay lilikha ng 1080p sukat ng komposisyon dahil ang ating drone footage ay 4k. Sunod, idagdag ang iyong 4k footage sa 1080p komposisyon. Kasama ang napiling layer pumunta sa Layer>Transform>Fit to Comp Height. Ito ay papalitan ang sukat ng iyong mga kuha para akma sa komposisyon.

2. Keyframe ang Scale

I-click ang iyong clip at ang his “s” sa keyboard upang makita ang scale ng iyong footage. Ito ay dapat na nasa 50% ngayon. Sa umpisa ng iyong clip, lumikha ng keyframe para sa scale na 50%. At pagkatapos ay ilipat sa dulo nang iyong kuha at itaas ang scale setting sa 100%. Ang end keyframe ay dapat na makalikhang awtomatiko. Maaring makita ang iyong mga kuha sa pamamagitan ng pag-pindot ng 0 sa numeric keypad.

3. Motion Blur

Maari mo din buksan ang Motion Blur para sa iyong clip upang makadagdag ng realistic motion blur sa iyong footage kapag ang scaling ay nagaganap. Ito ay nakapagbibigay ng mas natural na zoom look sa pinaka-huling kuha.

Bonus Tip

Ang makatamo ng transition sa pamamagitan ng drone footage na may natural na anyo kung minsan ay mapanlinlang kung ikaw ay lilikha ng isang montage. Isang paraan upang magawa na ang transition ay mapadali ay ang paggamit ng transition effects gaya ng mga Vintage Light Leaks na mayroon sa VideoHive. Light leaks ay mukhang maganda sa drone footage dahil ito ay nagmumukhang natural lens flare, na nakatutulong na maitago ang mga putol sa footage at magagawa nitong maganda ang pagdaloy ng sabay sabay. Kita naman na nakakapag-dagdag ka din ng diin sa transition sa pamamagitan ng paggamit ng kagaya nang mga Glitch Transitions, kung saan ito ay akma para sa action style drone video.

Nabanggit sa pagtuturong ito


Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.