7 days of unlimited video, AE, and Premiere Pro templates - for free!* Unlimited asset downloads! Start 7-Day Free Trial
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Drones

Paano Magdagdag ng Speed Ramp sa mga Drone Video sa Adobe After Effects

Scroll to top
Read Time: 2 mins

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Isang magandang technique na laging nakikita sa mga drone footage ay ang speed ramp effect. Maraming kilalang Youtube vlogger kagaya ni Casey Nestat ang ginagamit ito.

Magsisimula ka nang may mahabang kuha ng drone na nasa normal na bilis. Matapos ay bibilis ang mga kuha, at babalik muli sa pagiging mabagal. Makatutulong din itong kumuha ng malalawak na distansya nang mabilis, nang ipinapakita pa rin sa mga manunuod ang paligid.

1. I-on ang Pag-dial ng Oras

Bilang panimula ay kakailanganing buksan ang Time Remapping sa iyong mga kuha. (Huwag kalimutang i-download ang mga himbawang mga kuha sa Project file sa tutorial na ito!) Mag-right click sa iyong mga kuha sa After Effects na timeline at pindutin ang Time>Enable Time Remapping.

enable time remappingenable time remappingenable time remapping

Ngayon ay maaari nang dagdagan ang mga keyframe sa iyong mga kuha kung saan nais mabilisin o pabagalin. Magdagdag ng isa sa bawat pagkakataon, pabibilisin ito at matapos ay muli sa oras kung saan ito pabagalin muli. Ngayon ay iurong nang mas malalapit sa isa’t isa ang mga key frame para sa mas mabilis na “speed ramp” na mga seksyon, ngunit iwan nang pareho ang distansya ang mga seksyon na normal ang bilis.

add keyframesadd keyframesadd keyframes

2. Padulasin ang mga Keyframe

Padulasin ay mga keyframe sa pamamagitan ng pagpili sa mga ito at pagpindot ng Control sa isa sa mga keyframe. Lilikha ito ng lumilibot na mga keyframe (ang mga icon ay magiging bilugin) at tutulong sa pagpapadulas ng speed ramp animation.

roaming keyframesroaming keyframesroaming keyframes

3. Magdagdag ng Motion Blur

Buksan ang Frame Bending sa iyong mga kuha sa pamamagitan ng pagpindot sa ilalim ng film-stirp sa iyong mga kuha sa timeline. Magdaragdag ito na natural na paglabo sa paggalaw sa iyong kuha. Maaaring tignan ito sa pagbukas ng Enabling Frame Blending sa timeline preview. (Makikita ang mas malaking film-strip na icon sa taas ng timeline, katapi ng Motion Blur.)

4. Tanggalin ang Color Banding

Sa ibang mga kaso ay maaaring magkaroon ng color banding ang mga kuha. Madaling matatanggal ito sa pagdagdag ng adjustment layer sa taas ng iyong kuha, at matapos ay magdaragdag ng Noise effect. Gawin 4% ang halaga ng noise nang nakabukas ang color noise.

Faux motion blurFaux motion blurFaux motion blur

Bonus Tip

Ano ang Speed Ramp effect nang walang katambalang magandang sound effect? Siguraduhin ang pagpapaganda ng iyong mga speed ramp nang may “whoosh” na mga disenyo ng tunog. Mas gusto ko ang mga tunog na may malalim na bass na ginagaya ang hangin na dumadaan sa  manunuod tuwing mabilis. Ang Deep Whoosh sound effect mula AudioJungle ay isang magandang halimbawa. Maganda rin ang cinematic na tono ng Whoosh Impact. Hanapin ang iba’t ibang mga sound effect sa AudioJungle upang makakita ng pinakagagana para sa mga kuha sa drone.

Nabanggit sa pagtuturong ito


Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Photo & Video tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
Start your 7-day free trial*
Start free trial
*All Individual plans include a 7-day free trial for new customers; then chosen plan price applies. Cancel any time.