Paano Pumili ng Pinakamahusay na Lente para Gamitin sa Potograpiya ng Larawan
() translation by (you can also view the original English article)
Habang maari naman gumamit ng kahit
anong klase ng lente para kumuha ng larawan, hindi ibig sabihin nito’y ang
iyong paksa ay magiging masaya na sa kung ano ang magiging itsura nila. Sa
pagtuturong ito, ating susuriin sa kung ano ang mangyayari kapag pinili mo ang
“maling” lente para sa larawan, at bagkus kung paano pumili ng tama.

Ang pagkuha ng isang mahusay na larawan ay hindi lamang sa kung gaano kamahal ang lente. Ang isang pinakamalaking dahilan ay ang focal length ng lente na iyong pinili. Umiwas sa mga may malapad na anggulo ng lente na magpapahigit sa artipisyal na katangian ng mukha, halimbawa. Isang lente na panglarawan na kadalasan ay nasa pagitan ng 85mm at 200mm para makalikha ng eksakto at nakakabigay-puri na representasyon ng mukha ng iyong paksa.
Panuorin ang leksiyon sa video na nasa itaas upang higit pang matutunan ang tungkol sa focal length at iba pang mga susi sa mga elemento para sa pagpili ng tamang lente sa pagkuha ng mga larawan. Pagpili ng tamang lente ay hahantong sa mga kahanga-hangang larawan na makakatulong sa iyong mga paksa na makamit ang pinakamahusay nilang itsura.



Panoorin ang Buong Kurso
Ang isang lente na portrait-friendly ay isa lamang sa mga ilan na nais mong magkaroon sa iyong kit. Ang pagkakaroon ng sari’t-saring mga lente ay hinggil sa pagkakaroon ng mga kagamitan na iyong kailangan para makalikha ng imahe nasa isipan mo.
Ito ang mga tinatalakay ko sa aking mga
kurso, Ano
ang Dapat Malaman ng Bawat Photographer Tungkol sa Lenses. Tutulungan kitang mas matutunan ang tungkol sa mga lente, ano ang
dapat na tignan sa pagpili ng mga bagong lente, at higit na masulit ang
paggamit sa mga lente na mayroon ka.
Hindi lahat ng lenses ay nilikha ng pantay-pantay, at ituturo ko sa iyo kung ano ang dapat hanapin sa paggawa ng iyong sariling lens lineup:
- Ang potograpyaPapaano Gumamit ng Telephoto Lens (upang Makakuha ng Malalayong Bagay ng Mahusay)David Bode
- Ang potograpyaAng Pagtakda ng Pamantayan: Ano ang Standard Zoom Lens?David Bode
- Ang potograpyaSuper Zoom: Kung Bakit Dapat Mong Isaalang-alang ang isang One Lens Wonder para sa iyong CameraDavid Bode
- Ang Seleksyon ng mga LensBago Bumili ng Mas Magandang Camera, Bumili ng Mas Magandang LensJeffrey Opp