Paano Lumikha ng Timelapse na Video sa Final Cut Pro X
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang paglikha ng timelapse ay isang magandang paraan para kunin ang iyong mga litrato at gumawa ng mala-video na resulta. Kung walang oras o pagkakataon na gumawa ng b-roll na video - at kahit kung mayroon - maaaring iwan ang kamera sa isang puwesto at kumuha ng mga larawan sa loob ng takdang panahon upang makagawa ng simpleng timelapse.
Sa video na ito mula sa kursong Pageedit ng Video sa Final Cut Pro, makikita kung paano ito gawin gamit ang app. Matututunan kung paano gumamit ng mga plugin at effect upang maging tama at maayos para sa paglikha ng propesyonal na resulta.



Panoorin ang Buong Kurso
Ang araling ito ay bahagi ng buong kurso na tinatawag na Pageedit ng Video sa Final Cut Pro. Ang buongmabilisang kurso nito sa paggamit ng FCPX upang ipatnugot ang inyong sarilingmga video. Maging ito ay para sa inyo pansariling footage o para sa
proyekto sa negosyo, ang kurso ay mayroong lahat ng kailangan ninyo upang
makapagsimula bilang tagapamatnugot ng video.
Maaari kayong tumalon kaagad sa kursong ito gamit ang subskripsyon sa Envato Elements. Para sa isahang mababang buwanang bayad, makakakuha kayo ng access hindi lamang sa kursong ito, ngunit sa buong aklatan ng 1,000 mga kurso
Kung gustong kumuha ng mga halimbawa mula sa kurso, tignan ang leksyon sa ibaba:


