Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Video
Photography

Paano Gumawa ng VHS Look at VHS-Style na Transisyon sa After Effects

by
Difficulty:BeginnerLength:QuickLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Sa mga nakalipas na taon, naging popular ang retro “VHS Look”. Sa tutoryal na ito, malalaman natin kung paano maglagay ng VHS look sa ating footage sa After Effects, nang hindi gumagamit ng anumang mga third-party plugin.

Titingnan din natin kung paano gumawa ng “VHS style” na transisyon na maaaring gamitin upang bigyang-diin ang video. Madalas kong makita ang VHS-style na transisyon na ito sa isang palabas sa Youtube na tinatawag na The Modern Rogue, halimbawa. Makikita mo ang VHS na transisyon dito sa 2:33.

Hindi mo na kailangan pa ng anumang mga third-party plugin upang makagawa ng effect na ito. Subalit, maaari kang magkaroon ng mas magandang resulta sa pamamagitan ng paggamit ng footage ng isang aktwal na VHS static na kasama ng effect na ito.  Marami kang matatagpuang mga VHS static clip sa VideoHive. Heto ang ilan sa mga pinakapaborito kong VHS static clip:

Kung wala ka pang access sa anumang mga static clip, maaari kang gumawa para sa iyong sarili gamit ang Fractal Noise effect sa After Effects. Palakihin lamang nang napakalapad upang makagawa ng maraming itim at puting linya. Pagkatapos bigyang-buhay ang ebolusyon upang makagawa ng static move. Nagdagdag ako ng ilang fractal noise static sa file ng proyekto para sa tutoryal na ito.

Panghuli, malaki ang papel na ginagampanan ng disenyo ng tunog sa kahit na anong anyo ng VHS. Gumamit ng VHS at mga retro sound effect mula AudioJungle upang bigyang-diin ang static at mga transisyon ng iyong video. Heto ang ilan sa mga paboritong VHS sound effect:

Nabanggit sa pagtuturong ito

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.