Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Film
Photography

Paano Lumikha na Magmukhang nasa Pilm ang Iyong Kinuha na Video ng Libre

by
Difficulty:IntermediateLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang magmukhang kinuha sa pilm ay madalas na nauugnay sa isang mas mataas na antas ng kulay na larawan na may natatanging mga tono ng kulay (madalas kong tinutukoy ang mga ito bilang nasunog) pati na rin ang pagkakaroon ng kapansin-pansin na butil ng pelikula.  Ito ay bahagyang mas kaakit-akit kaysa sa tuwid na digital na video, na kung saan ito ay nagiging masyadong walang imahinasyon na lumabas diretso mula sa kamera, at nakalulugod sa mga manonood. Ang video na parang kinuha sa pilm ay karaniwang nararamdaman na mas natural at organiko.

Ang paggawa ng pilm sa pagkatapos-sa-produksyon na hitsura ay hindi mahirap gawin. Habang maaari mong gugulin ang maraming panahon para sa pagperpekto sa iyong hitsura, ang mga pangunahing kaalaman ay maaaring gawin ng lahat at hindi tatagal ng higit sa ilang minuto.  Sa pagtuturo na ito matututunan mo kung paano lumikha ng isang klasikong pilm na hitsura mula sa iyong kinuha na video gamit ang mga libreng mapagkukunan. 

Ang Iyong Kakailanganin

Ang pagtuturo na ito ay gumagamit ng After Effects o Premiere Pro, ngunit ang mga kagamitan na ating gagamitin ay gagana rin sa DaVinci Resolve at posible sa iba pang mga NLEs.  Upang sumunod sa aralin na ito kailangan mong i-download ang Free Print Film Emulation LUTs mula sa website ni Juan Melara (o dito sa sidebar). Kakailanganin mo ring mag-download ng Free Film Grain Pack mula sa VisionColor.

Kung ang iyong kinuha na video ay hindi kinunan sa Log o Cinestyle na profile, kakailanganin mo ring i-download ang Video2Log LUT ni Juan upang madaling isalin ang iyong kinuha na video sa isang Log na profile bago ipatupad ang print na pilm na LUTs. 

Kung ikaw ay bago pa sa paggamit ng LUTs at kailangan mo ng isang primer huwag kang mag-alala, kami ang bahala sa iyo: tingnan ang aming panimula sa mga look up table ng kulay at ang aming panimula sa pagtutulad sa pilm.

Ang Malikhaing Hitsura ng Pilm

Mahalagang tandaan na sa pagtuturo na ito kami ay naglalayon para sa isang mas malikhain na hitsura ng pilm, hindi isang perpektong pagtutulad ng pilm. Gagamitin natin ang mga pagtutulad ng print na pilm na LUTs, tulad ng Kodak 2383, ngunit dahil sa mga pagkakaiba sa mga profile at setting ng kamera, pati na rin ang mga karagdagang mga pagbabago na ginagawa namin sa larawan, walang garantiya na ang iyong kinuha na video ay magiging ganap na representasyon ng kung ano ang magiging hitsura nito kung ito ay nakalimbag sa Kodak 2383 na pilm.

Paano Gumawa Hitsura ng Pilm

Magsisimula tayo sa After Effects na workflow sa video sa ibaba. Ang Premiere Pro na workflow ay nasasaklaw ng 13:15 pataas.

1. Lumikha ng Reference Layer para sa ng Log LUT

Isinasalin nito ang iyong kinuha na video mula sa isang Standard o Neutral na profile patungo sa isang flat Log an profile.

After Effects

Una, kunin ang iyong kinuha na video at idagdag ito sa isang bagong Composition.

Susunod, lumikha ng isang Adjustment Layer (Layer > New > Adjustment Layer) at pangalanan ito na Log. Piliin ang iyong adjustment na layer at pumunta sa Effect > Utility > Apply Color LUT.  Magbubukas ito ng isang search na window. Hanapin ang Video2Log LUT na na-download mo kanina, piliin ito at i-click ang Open.

Premiere Pro

Idagdag ang iyong kinuha na video sa timeline. Pumunta sa Projects na paleta, i-right-click ito at piliin ang New > Adjustment Layer. Palitan ang pangalan ng layer ng Log at i-drag ito papunta sa timeline sa itaas ng iyong kinuha na video.  Hanapin ang Lumitri Color sa Effects na paleta at i-drag ito papunta sa iyong adjustment layer upang mailapat. Pumunta sa Effect Controls ng adjustment na layer at hanapin ang tab na Basic Correction na nasa ilalim ng mga opsyon ng Lumitri Color.  Sa ilalim ng Input LUT piliin ang Browse at pagkatapos ay may isang search na window ang magbubukas, hanapin ang Video2Log LUT na iyong na-download kanina, piliin ito at i-click ang Open.

2. Ilapat ang Print Pilm na LUT

After Effects

Lumikha ng panibagong Adjustment Layer (Layer > New > Adjustment Layer) at pangalanan ito na LUT. Tiyakin na ito ay nasa taas ng lahat.  Piliin ang iyong adjustment na layer at pumunta sa Effect > Utility > Apply Color LUT. Magbubukas ito ng isang search na window. Hanapin ang Kodak2383 LUT na na-download mo kanina, piliin ito at i-click ang Open.

Premiere Pro

Pumunta sa Projects na paleta, i-right-click ito at piliin ang New > Adjustment Layer. Palitan ang pangalan ng layer ng LUT at i-drag ito papunta sa timeline sa itaas ng Log iyong adjustment na layer. Hanapin ang Lumitri Color sa Effects na paleta at i-drag ito papunta sa iyong adjustment layer upang mailapat. Pumunta sa Effect Controls ng adjustment na layer at hanapin ang tab na Basic Correction na nasa ilalim ng mga opsyon ng Lumitri Color.  Sa ilalim ng Input LUT piliin ang Browse at pagkatapos ay may isang search na window ang magbubukas, hanapin ang Kodak2383 LUT na iyong na-download kanina, piliin ito at i-click ang Open.

3. Ilapat ang Film Grain

After Effects

I-import ang mga clip ng VisionColor Film Grain na na-download mo kanina, pagkatapos ay i-drag ang isa sa iyong komposisyon at ilagay ito sa itaas, sa itaas ng lahat ng iba pang mga layer. Susunod palitan ang blend mode para sa clip na maging Overlay. Maaari mong ayusin ang Opacity ng Grain na clip upang pataasin o pababain ang antas ng grain na pilm sa iyong kinuha na video.

Premiere Pro

I-import ang mga clip ng VisionColor Film Grain na na-download mo kanina, pagkatapos ay i-drag ang isa sa iyong komposisyon at ilagay ito sa itaas, sa itaas ng lahat ng iba pang mga layer. Susunod pumunta sa Effect Controls para sa Grain na clip at palitan ang blend mode para sa clip na maging Overlay sa ilalim ng tab na Opacity. Maaari mong ayusin ang Opacity ng Grain na clip upang pataasin o pababain ang antas ng grain na pilm sa iyong kinuha na video.

At Tapos na Tayo!

At iyan na! Maaari mong pagandahin ang hitsura upang mabagay ito sa iyong panlasa sa pamamagitan ng pagbabago ng Opacity sa Log o sa LUT adjustment layers. Maaari mo ring balikan ang anumang over exposure na mga isyu na mayroon ang iyong kinuha na video sa pamamagitan ng paglapat ng isang Levels na epekto at pagpapababa ng White Output.

Mga Link na Nabanggit sa Pagtuturo na ito

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.