Layer Manager: Paano mas Mabuting Ayusin ang After Effects sa mga Proyekto
() translation by (you can also view the original English article)
Sa Leksiyon na ito, ating titignan kung
paano natin pangangasiwaan ang After Effects layers ng mas madali gamit ang
Layer Manager 3 script mula sa Videohive.

Layer Manager 3
Ano nga ba ang Layer Manager 3? Ito ay
isang iskrip para sa Adobe After Effects kung saan ay hinahayaan nitong
mapadaling pangkatin ang mga layers na magkakasama ayon sa pangalan at kulay
hanggang sa kabuuan ng iyong proyekto. Ito ay magagawang mapadali ang pagkilala
sa iba’t ibang mga bagay sa loob ng iyong proyekto at ito ay makakatulong sa
pag ‘clean things up’ bago mo ito maipasa sa kliente o sa kasapi ng koponan.



Bukod sa pangalan at pagtatalaga ng kulay sa layer groups, mayroon ka rin kakayahan upang i-toggle ang on at off common functions sa After Effects na makaka-apekto lamang sa pangkat na iyong tinukoy. Functions gaya ng:
- Nag-iisang Pangkat
- Patayin ang pagiging kita para sa pangkat na nasa Comp
- Gamitin ang pangkat bilang Guide Layers
- Itago ang lahat ng Group Layers sa Timeline ( i-Shy ang lahat ng Group Layers )
- i-lock ang lahat ng Group Layers
- Patayin ang lahat ng FX para sa Group Layers



Madali ka rin makapag-dadagdag ng mas marami pang layers sa isang pangkat sa anumang oras (o magtanggal ng layers) at maari ka rin magdagdag ng layers sa isang pangkat na nasa magkakaibang compositon timelines. (Ang script ay gumagana sa buong proyekto, hindi lamang sa isang timeline).