Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Street

Araw-araw Na Nakakagulat : Ang Relasyon sa Pagkakataon ng Potograpiya sa Kalsada

Scroll to top
Read Time: 13 min
This post is part of a series called Street Photography.
Supporting Your Street Photography: How to Stay Focused and Productive

() translation by (you can also view the original English article)

Ang paksa ng potograpiya sa kalsada- totoong buhay - ay likas na hindi mahuhulaan. Kaya kapag ang mga litratista sa kalsada ay gumagawa ng kaakit-akit na larawan ng isang paksa na hindi nila nahuhulaan , ito kaya ay swerte o kasanayan?

Dahil kasingkaraniwan ng isang lugar ang potograpiya sa panahon ngayon, ang mga misteryong nakapalibot sa matibay na proseso ng litratista ay patuloy na mananatili. Naalala ko ang aking sarili bilang isang bagong estudyante ng potograpiya, mayroong napakaraming larawan na inire-reject sa aking contact sheet, kapag ako ay nakatagpo ng isang maganda, naiisip ko kung paano ako naging responsable sa paggawa nito. Ito kaya ay isang tira lang sa dilim, isang " Aba Ginoong Maria " na nangyari para sa wakas ay tumira, o ako ba ay nagpapagaling ng isang kasanayan sa pagkuha ng isang sandali at ilang mga paksa?

Ito ay isa sa pinakamahalagang talakayan na magkakaroon tungkol sa potograpiya, dahil ito ay isang tanong na mayroon ang maraming tao tungkol sa medium - kasama yoong mga nasa komunidad ng fine arts. Ang pagkakataon ay nasa puso ng maraming sentral na mga tanong sa potograpiya, kabilang ang likas kung paano inilalarawan ng potograpiya ang mundo, paano kontrolin ng mga litratista ang kapangyarihan ng isang di-mahuhulaang medium, at kung paano magpalago ng swerte.

Gamit ang Camera Para Makakita ng mga Paraan na Hindi Natin Kaya

Ang mga camera ay nakakakita sa paraan na hindi kaya ng mga tao . Para sa atin , ang oras ay patuloy na inilalatag : isang segundo papunta sa susunod, patuloy lang itong sumusulong. Subalit ang mga camera ay nagtatala ng pilak ng panahon at naglilinis ng mga sandali papunta sa isang di gumagalaw na pam-biswal. Ang paggawa ng potograpiya , sa simpleng pagsasabi ni Garry Winogrand , ay isang paraan upang " makita kung paano ang itsura ng mundo sa mga larawan. "

Ang oras at pagkakataon ay ang musa ng isang litratisa sa kalsada. Hindi mo eksaktong malalaman kung ano ang mangyayari sa ibinigay na 1/125 ng isang segundo , pero kung magpapasya ka na pakawalan ang shutter, may pakiramdam na ang pagdating sa fraction ng oras , kapag pinaliit nang tama, ay baka sakaling makagawa ng isang magandang larawan. Kapag kumukuha tayo ng isang larawan, tayo ay tumataya sa kinabukasan base sa ating pakiramdam at sa ating mga karanasan, at umaasa tayo na ang ating mga posisyon at anggulo , lalim ng larangan, bilis ng shutter- at lahat ng maraming sadya at di -sinasadyang mga desisyon na nagdala sa atin sa kung saan tayo nandoon, makita ang pwedeng makita - ay may kakayanan na makuha ang hindi kilalang pilak ng padating na panahon.

Tayo ay lumalakad sa mga kalsada, tulad ng sinabi ni Diane Arbus , " sa isang kondisyon ng pagiging nasa estado ng pagbabagong-loob ng kahit ano. " Ito ay ang pinakaloob na posisyon ng isang litratista sa kalsada. Ito ay isang paraan sa pakikisama sa mundo, isang partikular na kaginhawahan nang hindi nalalaman, isang imbitasyon para sa pagkakataon na gampanan ang isang papel sa ating paggawa ng larawan at sa ating mga buhay. Kami ay umaasang mababago sa susunod na sandali- kung ano man ang maaaring ipagkasundo ng sandaling yoon.

Ang larawang ating iniisip sa mga sandaling bago tayo mag-click ng shutter at ang larawang ating ginawa ay kailanman hindi eksaktong magkatugma. Ang camera ay kayang kumuha ng napakalaking detalye. Kaya nitong magtala ng lalim at lapad sa isang eksena na maaari nating kunin kaagad-agad. Kaya nitong maghinto at magpalabo ng mga gumagalaw ng mga bagay ( at pahiwatig sa kalikasan ng oras ). Kaya lang nating isipin ang mangyayari sa potograpiya : laging mayroong isang bagay na mas higit sa larawan kesa sa kung ano ang ating naranasan at inaasahan sa sandaling yoon. Ang bawat larawan ay mayroong sariling sandaigdigan.

Baka tayo ay matisod sa isang bahagi , subalit gayunpaman ay nakakagulat , na pagsasalarawan ng masining na gawa sa kaloob-looban ng seryosong potograpiya: walang liliit sa pagsusukat at pagtitiklop sa tela ng panahon mismo.—Paul Graham

Subalit mayroong mas sanay sa paglalakad patungo sa mga hindi kilala at lumalabas nangmay larawan na may kahulugan. Halatang ang mga litratistang yoon ay may malalim na kaalaman at pagiging pamilyar sa kanilang kagamitan , at kanilang inilalagay ang kanilang oras sa paglilitrato , subalit kung ang kanilang paksa ay hindi mahuhulaan, paano ang mga litratistang yoon na mas madalas na nasa tamang lugar at sa tamang panahon kesa sa iba? Ang swerte ba o pagkakataon ay may kinalaman dito, sa madalas nitong pagpapakita sa manonood na hindi alam ang proseso ng potograpiya?

Masayang Tinatanggap ang Hindi Kilala

Ang sagot ay oo at hindi- subalit madalas ay hindi. Ang mga litratista sa kalsada ay hindi nakikita ang kanilang lilikhain : ang hinaharap ay talagang hindi malalaman. Sila ay hindi parang mga pintor, na sinasadyang gumawa ng paggalaw ng brush dito at doon at sa isang canvas at may lubos na kontrol sa kanilang nagawa. Subalit, ang mga litratista sa kalsada ay may ilang kapangyarihan sa hindi mahulaang paraan ng kinabukasan. Tayo ay may dalawang mahalagang paraan sa paggawa ng aksyon patungo sa paggawa ng magagandang mga larawa: maaari nating kilalanin ang mga oportunidad kapag sila ay umangat , at pwede nating intindihin at gamitin ang batas ng sanhi at epekto.

Flushing Avenue, Hangganan ng South Williamsburg and Bed-Stuy, Brooklyn, 2016. Potograpiya ni Amy Touchette

Pagiging Bukas sa Kung Ano ang Itsura ng Oportunidad

Kung aking susumahin ang ginagawa ng mga litratista sa kalsada, masasabi ko na sila ay nasa negosyo ng paghuli ng oportunidad na dumadating sa kanila, gamit ang kanilang pakiramdam. Ang swerte ay hindi laging dumadating na may dalang sensyales sa itaas na nagsasabing , " Sundan mo ako, ako ay namumuno patungo sa talagang magagaling na mga bagay. " Sa totoo lang, ilang metaporikal na senyales sa itaas ng mabuting kapalaran ay tila kabaligtaran ang sinasabi.

Isipin mo ang panahon sa buhay mo kung kailan talagang ang isang malas na pangyayari ay humantong sa isang bagay na talagang maswerte. Madalas ito ay tumutukoy sa " isang biyayang nagpapanggap ", ang mga pangyayaring ito ay hindi magaganap nang wala ang isa. Sa pagbabalik- tanaw, ating pinapalitan ang ating opinyon tungkol sa sinsabing kamalasan at nagiging mapagpasalamat na ito ay sinimulan ang kadena ng reaksyon unang-una.

Ang magaling ay naglalaro din sa labas sa kalsada- bagama't hindi karaniwan sa isang sukdol na pagpapanggap. Halimbawa, sa iyong pagtingin sa iyong viewfinder maaari mong isipin, " Wow, ang larawang ito ay magiging napakaganda kung ang babaeng nasa kulay kahel na damit ay lumakad papasok sa iyong kwadro.Hindi nagtagal, isang lalaki na naka pulang terno ay lumalakad papasok sa iyong kwadro. Hindi siya ang iyong inaasahan, subalit ang larawan ay biglang nabago patungo sa isang maganda ganunpaman, at iyong ini-snap ang kuha. Sino ang mangangailangan sa babaeng nasa kulay kahel , ngayon at ang lalaking naka pula ay dumating?

Ang oportunidad o swerte ay dumadating sa maraming hugis at paraan at porma, at ang karamihan sa kanila ay imposibleng mahulaan. Subalit maaari tayong makapasok sa ugali ng pagiging bukas sa mga paraan na nagpapakita ng swerte, at ito ang kasanayan na mayroon ( at regular na hinuhubog ). Ito ang dahilan, tulad ng madalas kong sabihin sa mga artikulong ito, na ang paglilitrato ay ang pagtanggap sa isang aral sa pamumuhay. Marami sa ating mga kasanayan na may kaugnayan sa pagiging magaling na litratista sa kalsada ay ang mga parehong kasanayan na kailangan upang mamuhay ng madali at may kaganapan ang buhay. Isa sa pinakamalaki ay ang matututo na sumabay sa agos , ang tanggapin kung ano ang inihain sa iyong harapan at ang samantalahin ang mga regalo na iniaalay ng buhay - at laging maraming mga regalo

Ang potograpiya sa kalsada ay nangangailangan ng pagiging malakas, bukas at umaasa tungkol sa kinabukasan. Mas mahaba ang ating pagpa-practice ng potograpiya sa kalsada, mas magiging malakas ang ating loob na kakayanin nating makita at hulihin ang pagkakataon kapag ito'y dumating na kumakatok , kung ano man ang hugis at porma nito.

Gawin Mo Ang Iyong Sariling Swerte

Mayroong kasabihang " ikaw ng gumagawa ng iyong sariling swerte ", at siguradong nagagamit ito sa potograpiya sa kalsada.

Ang mga litratista sa kalsada ay hindi clairvoyant , pero sila ay napaka sensitibo at alisto , at sila ay gumugol ng maraming, maraming oras sa paggawa ng sining sa bisig ng hindi nahuhulaang likas ng buhay. Bilang siyang resulta, sila ay nakakolekta ng mga obserbasyon at karanasan na nagpapakita ng mga pattern at hindi pagbabago. Isa sa pinakamahalaga sa mga pananaw na ito ay gumagana ang mundo mismo sa batas ng sanhi at epekto.

Ang lahat ay batid ang kanilang pisikal at panlipunang kapaligiran, iyan ang kung paanong napapaandar ng tao ang mundo. Subalit ang mga litratista sa kalsada ay nagpa -practice ng isang espesyal na uri ng kaaalaman. Kung kukunan mo ang isang lugar nang paulit-ulit sisimulan mong mapansin ang mga pattern. Siguro ay sisismulan mong mapansin kung paano ang mga tao ay malamang na paboran ang ilang mga lugar , tulad ng isang bangko sa parke o isang balkonahe doon. O sisimulan mong makita kung paano ang trapiko sa paglalakad ay karaniwang gumagalaw patungo sa malilim na bahagi ng kalsada. Sa bawat pamayanan may ilang beses sa isang araw na abala kasama ang mga tao na nagmamadali papunta sa kanilang trabaho o papauwi kasama ang kanilang mga anak pagkatapos ng eskwela. Sa bawat lugar, ang paghahalo ng init ng araw at kapaligiran ay nagbabago sa buong maghapon.

Kung gugugulin mo ang sapat na oras sa isang lugar, ay makakakuha ka ng pakiramdam sa kanyang ritmo. Kung makukuha mo ang pakiramdam sa sapat na mga lugar , sisimulan mong makita ang mas malawak na mga ritmo sa kung paano ang mga tao at ang kanilang kapaligiran ay nakikipag-ugnayan at nagsasama. Gawin mo ito nang sapat at, kahit na ang isang partikular na lugar ay bago sa iyo, makikita mo ang patterns sa lahat ng lugar. Sa ating mga halimbawa sa itaas, ang hypothetical na bintana at ang lalaking naka pulang terno, ito ay kombinasyon ng ating pagiging bukas sa posibilidad ng pagkakataon at ang ating kaaalaman sa agos- ang kaalaman kung paano ang mga tao ay gumagalaw - ito ay nagbibigay sa atin ng intuwisyon na manatili sa isang lugar hanggang ang isang larawan ay lumabas na lang. Ang ilang lugar at pagkakataon ay mas mabuti para sa paggawa ng larawan kesa sa iba: maaari kang matuto na kilalalanin ang mga " maswerteng " lugar na ito, at ilagay ang iyong sarili sa mga ito.

Ang Paggawa ng Sanhi Na Bumubuo ng Epekto

Habang nananatiling bukas sa maraming porma na ang swerte ay kinukuha ang susi, at nanonood sa pag-agos ng isang lugar ay kailangan upang tulungan tayong maging oriented at maalam sa kung ano ang tunay na nagbubukas sa ating availability upang makagawa ng magagandang mga larawan ay ang pag-unawa na ating maaabot ang epekto base sa sanhi na ating inilalagay sa lugar.

Ang swerte ay isang salitang hindi ginagamitan ng kabuluhan. Walang maaaring mabuhay nang walang sanhi - Voltaire

Halimbawa, kapag tayo ay gumagawa ng mga larawan sa kalsada, mayroong mga ilang bagay na maaari nating gawin upang madagdagan ang ating pagkakataon na makunan ang mga larawang ating gusto. Maaari tayong manghikayat ng mga tao na pagtiwalaan tayo sa pamamagitan ng pagkilos ng totoo habang kumukuha ng litrato. Maaari tayong gumamit ng mga salita at isama ang ilang emosyon na makatutulong sa mga paksa na hindi nagtitiwala sa direktang potograpiya at tanggapin ang ating pagkuha ng mga larawan na walang pahintulot. Maaari nating ilagay nang walang salita ang mga tao sa kaginhawahan sa pamamagitan ng kusang pagkilos at maaari nating iiwas ang ating sarili sa paggawa ng mga epektong hindi natin gusto - suspetsa at panghuhuli - sa pamamagitan ng hindi paggawa ng nakakakulong , paiba-iba at nakakagitlang mga galaw. At pwede tayong pumili ng mga lugar kung saan ramdam natin na tayo ay kabilang at nandoon.

Ang Paglalabas ng Senyales : Ang Batas ng Atraksyon

Mayroon ding maraming mga misteryosong sanhi-epektong dinamika sa paglalaro sa labas na mahalagang kilalanin. Halimbawa, kapag tayo ay nagpapakita ng masamang pag-uugali o ang pagiging mapangutya o paranoid ay malamang na ating maakit ang mga bagay na nakakapagbigay pag-aalala sa atin. Marahil iyon ang lahat ng ating nakikita; dahil tayo ay abala sa ating negatibong pag-iisip , ang belo ng ating nakakasakit na pananaw ay bumabagsak sa lahat ng bagay. Marahil din ito ay dahil sa batas ng atraksyon : ating napapadala nang hindi nababago ang ating mga sensyales na magpapakita ng ating nasasa- isip at ang lakas sa ating paligid na tumutugon sa ating mga senyales sa parehong paraan.

Kung gusto nating magkaroon ng mas higit na kontrol sa wild west na siyang buhay, tayo ay kailangang maging tulad ng ating hinahanap, at hindi ng kung ano ang ating hindi nagugustuhan nang husto. Ang pagbabago sa ating mga paraan kailanman ay hindi madali ; karaniwan ay nangangailangan ito ng isang malalim, tapat na pagtingin at kung bakit tayo ay napapagod sa maraming isipin at ang lakas ng isang kampeon upang ialay ang ating mga sarili sa mga bagong paraan.

Tayo ay kung ano ang ating nakikita, higit na katulad ng tayo ay kung ano ang ating kinakain, kaya ang una kong ginagawa ay ang siyasatin at baguhin ang estado ng aking isip upang maunawaan kung ano ang nakikita ng aking mga mata . Sa pagpili ng iyong paningin, palibutan ang iyong sarili ng mga balita at mga tao at settings na nakagagaling at ang pagharang sa iyong sarili mula sa mga balita at tao at settings na pipigil sa iyong paglaki at kakayahang gumawa ng mga positibong ambag - isa sa pinaka epektibong paraan ng pagkakaroon ng mas higit na kontrol.

Mga sanhi na tayo mismo ang naglalagay sa pagkilos, tulad nito , ay maaaring hindi direkta at madaliang makagawa ng epektong ating gusto, at sila ay maaari ring hindi makapagbigay ng eksaktong epektong ating gusto. Subalit, tulad ng tirante sa isang kabayo, ang pagsakay ng wala ang mga ito ay pag-iwan sa iyong kontrol at, ang pinaka mapanganib sa lahat , ay magbubunga sa maling pagtanggap na ikaw ay hindi responsable sa kung paano mo pamamahalaan ang mga nangyayari sa iyo.

Konklusyon

Kung ano ang inilalatag sa kalsada at hindi nahuhulaan, at ito ang ang gusto nang karamihan ng mga litratista sa kalsada. Mabilis, puno ng mga surpresa, at likas na mabangis, sila ay lulong sa mga hamon ng pagkuha at komportable sa kanilang pag-upo sa hindi kilala. Upang madagdagan ang kanilang mga pagkakataon na makagawa ng mga kaakit-kakit na larawan, ang mga litratista ng kalsada ay niluluwagan ang hawak sa pamamagitan ng pananatiling bukas sa kung ano mang baka sakali ay ipakilala ang sarili at sadyang pagkuha ng mga hakbang upang ipahayag ang kanilang hinahangad.

Ang potograpiya sa kalsada ay hindi lamang tungol sa pagdaloy at pagkuha dito. Ang pagsasanay ng potograpiya sa kalsada ay lubos na nangangailangan ng pang-unawa na ikaw ay bahagi ng daloy at paglilinang ng kakayahan na magtrabaho sa loob nito sa pamamagitan ng pagiging maalam sa mga senyales na pinadadala ng iyong presensiya at pagkuha ng responsibilidad para sa mga epektong nabubuo nito.

Upang marinig ang pagtalakay namin ng litratista sa kalsadang si Gus Powell ng papel na ginagampanan ng pagkakataon sa kalsada, kabilang sa iba pang mga paksa, icheck ninyo ang podcast ng B&H Photography na " Pakikipagtulungan sa Pagkakataon at ang Kahalagahan ng Potograpiya sa Kalsada."

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Photo & Video tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.