() translation by (you can also view the original English article)
Ang pag-iisip ng kawili-wili at kahali-halinang ideya para sa pagtataguyod ng pagkuha ng larawan ay isa sa mga paborito kong bagay. Ang subukan na akitin ang mga manonood at ang kumatawan sa paksa nang sabay ay maaaring maging isang hamon, kaya heto ang hitsura ng ginawa ko sa taga-Brighton na musikero na si Stuart Warwick upang magawa ko kayong papag-isipin sa labas ng kahon at magdala ng mga sariwang ideya sa inyong pagtataguyod sa pagkuha ng mga larawan.
Pagkuha ng Gig
Naging sapat ang swerte ko upang makita si Stuart na magtanghal sa London humigit-kumulang isang taon bago ang pagkuha ng larawan, at bilang resulta ay nasundan ko ang kanyang pahina sa Facebook. Nagpost siya ng status na humihiling ng mga detalye ng litratista dahil kailangan niya ng ilang bagong pantaguyod na mga larawan na kasamang ilalabas sa kanyang susunod na release at para sa kanyang online na presensiya.
Tumugon ako at nagkasundo kami na magkikita nang humigit-kumulang isang oras bago ang pagtatanghal, ang pinakamalapit ay sa Leeds, halos isang oras ang layo, kaya naglakbay ako at nagkita kami sa unang pagkakataon sa oras ng pagkuha ng larawan.
Ang Pananaw ko sa Pagkuha ng Larawan
Sa totoo lang, pumunta ako sa pagkuha ng larawan na ito na walang masyadong ideya kung paano ang magiging hitsura ng mga larawan, na siyang maaaring naging dahilan kung bakit naging kahali-halina ang sari-saring mga larawan. Sa bahay ng kaibigan ko tutuloy si Stuart nang gabing iyon at kinumbinsi niya ako na makakakuha kami ng magagandang mga larawan doon, kaya hindi ko talaga alam kung ano ang aasahan ko sa lugar na iyon.
Sa pagkakaroon namin ng usapan sa email ni Stuart, alam ko na ang habol niya ay mga hindi pangkaraniwang larawan na magpapakita ng kanyang pagiging palabiro, kaya pumunta ako doon na handang makibagay at gawin kung anuman ang maaari sa mga bagay na makikita ko sa panahong iyon.
Kagamitan
Dahil wala akong masyadong ideya sa gagawing pagkuha ng larawan, naglakbay akong dala ang mga piling kagamitan upang ihanda ang aking sarili sa kung anuman ang magaganap. Nang makita ko ang sitwasyon, nalaman ko na maaari kong gamitin ang natural na liwanag, kaya hindi ko kailangan ang flash o reflector.
Sa pagkakataong ito, ang paggamit lamang ng aking DSLR at 50mm na lens ang nagpanatiling napakasimple ng mga bagay. Kaunti lamang ang alam kong impormasyon upang makapaghanda. Kinailangan ko pang mag-isip sa aking mga paa nang bawat elemento ng gagawing pagkuha ng larawan. Ang hindi ko na pag-iisip sa mga ayos ng liwanag ay nangangahulugang nakapokus na ako sa pagkuha ng pinakamaayos na anggulo ni Stuart upang madagdagan ang karakter ng mga larawan.
Pagiging Kumportable ng Aking Paksa
Katulad ng madaming musikerong mga nakatrabaho ko, si Stuart ay hindi natural na mahilig magpose at magmodelo, kaya bago ko pa man ilabas ang kamera iginugol ko ang oras para maging relaks siya sa pmamagitan ng pagpapalitan namin ng mga hilig sa musika at pagtuklas ng mga kaibigan ko na kaibigan din niya.
Ang unang bahagi ng pagkuha ng mga larawan ay napakadiretso, nasa harap lamang ng pader si Stuart. Wala akong balak na gamitin ang ganitong mga larawan, ngunit sa pamamagitan nito ay masasanay siya na nakatutok sa kanya ang kamera at makakapag-ayos ako ng setting ng exposure. Ang limang minutong takda na ito ang nagpangyari upang pareho kaming maging maalwan at makapagpatuloy sa pagkuha ng mga larawan, habang naghahanap ng dagdag na elemento at nag-iisip ng iba't ibang mga lugar.
Pagdadagdag sa Pusa
Hayaan niyo akong linawin sa simula pa lamang na ito ay mungkahi ni Stuart. Nang kumportable na siya, payag na siyang gawin ang lahat ng klase ng mungkahi, ang una ay kinasangkutan ng paghawak niya sa pusa. Ang unang hamon ay mapaamo ang pusa na nasa ilalim ng upuan, at pagkatapos ng isa o dalawang panlilinlang, nagawa namin ang posisyon kung saan nahahawakan ni Stuart ang pusang ito sa iba't ibang mga pose.
Nagsimula kami na nakaduyan ang pusa sa bisig ni Stuart na parang isang sanggol, na naging maayos naman, ngunit gusto kong gumawa ng marami pa base sa katotohanan na nandoon ang pusa sa pagkuha ng larawan, kaya sinabihan ko si Stuart na akitin ang pusa gamit ang isa sa mga laruang isda nito pagkatapos ay ipakita ito sa kamera.
Mahirap na trabaho ito, halata naman na hindi sanay ang pusa sa pagpapakuha ng larawan at magpapapihit-pihit ito at mauudlot. Ang pangunahing layunin ko ay makakuha ng larawan na nakapokus ang malalaking asul na mga mata ng pusa. Kinailangan kong maging matiyaga.
Pinili ko ang gitnang pokus na marka at inayos ko ang pagkuha ng larawan, tinitiyak ko na nakaayos ang pokus sa mukha ng pusa sa bawat larawan. Natagalan kami, ngunit sa huli, nakuha namin ang mga larawan na gusto namin.
Pagtatrabaho gamit ang Katawa-tawang Salamin!
Nang matapos na ang senaryo kasama ang pusa, wala nang makakapigil kay Stuart sa pagpili ng lahat ng klase ng props, ang iba ay maaaring gamitin, ang iba ay hindi. Ang salamin ay pag-aari ng batang nakatira sa bahay na iyon at pagkasuot na pagkasuot ni Stuart, nakikita ko na mananalo kami!
Ang pagdadagdag ng isang elemento ng katatawanan sa pangkaraniwang pagkuha ng larawan ay ganap na nagpapakita ng kanyang pagiging palabiro. Ang malinaw na problema dito ay sa pagkuha ng larawan, isa sa iilang patakaran ay ang pagkonekta sa mga mata ng paksa. Sa pagkakataong ito, payag akong lumabag sa mga patakaran upang hayaan ko ang aking sarili na makuha ang karakter ng paksa.
Papunta sa Hardin
Ang paggamit ng kawili-wiling lugar ay maaaring magbigay ng ibang anyo sa larawan at gawin itong mas kahali-halina. Sa pagkuha ng larawan kasama si Stuart, ang pinakamalayo naming pakikipagsapalaran ay sa hardin, ngunit maging ito ay nagbigay ng pagpipilian na magpose siya sa harap ng iba't ibang klase ng taniman ng mga bulaklak, na hindi ko maisasaalang-alang sa ibang pagkakataon.
Sa dulo, ang mga ito ang naging paborito kong mga larawan nang araw na iyon, partikular na ang larawan na may pitchfork. Ang pagsasama-sama ng mga bulaklak sa likuran, ang mukhang mabagsik na pitchfork, ang terno ni Stuart at ang salamin na iyon ay hindi kailanman dapat maging maayos ang kalabasan, at hindi mo kailanman paplanuhin na kumuha ng ganoong klase ng larawan, ngunit nagawa nitong maging nakahahalina sa mga mata na larawan kung saan si Stuart ay nasanay na ng kaunti.
Pagkatapos ng Produksiyon
Ang pangunahing pokus ko pagkatapos ng produksiyon ay hindi ang mapunta sa tuktok. Karamihan sa mga larawan ay may sapat nang pangyayari para sa mga manonood na hindi na kailangang magdaan sa sukdulang pag-eedit. Ginamit ko ang Lightroom upang pantayin ang liwanag, partikular na ang ilan sa mga backlit na kuha.
Pagkatapos ay sinisigurado ko na tiyak ang mga kulay ng mga larawang lumalabas, partikular, ang mga pula sa mga larawan kung saan ang mga poppies at salamin ay mahusay ang pagkakaugnay. Ang ilang simpleng crop ang nagkukumpleto sa pagproseso sapagkat sinisigurado ko na walang nakakaistorbong mga linya na bumabalangkas sa mga larawan.
Ano ang Gagawin ko sa Iba Paraan?
Sa totoo lamang, lubha akong nalulugod sa sunod-sunod na mga larawan na nabuo pagkatapos ng pagkuha. Isaalang-alang ang biglaang paggamit ng props, sa palagay ko ay nagawa naming gamitin ang mga ito na may magandang epekto upang makakuha ng ilang mga kahali-halinang mga larawan. Hindi ko inisip na kailanman ay lalayunin ni Stuart na kumuha ng kahit na anong seryosong larawan.
Kung gagawin ulit namin ang pagkuha ng larawan, gusto kong kumuha ng mga tuwid na larawan sa hardin na wala kahit anong props, para lamang bigyan ko siya ng pagpipilian na magkaroon nito upang kung sakaling kailangan para sa publisidad na larawan para sa mga seryosong okasyon. Magdadala din ako ng pagkain ng pusa, dahil kinuha ng paghihimok sa pusang iyon sa ilalim ng upuan ang makubuluhang oras sa pagkuha ng larawan!
Ano ang Kailangang Alisin Mula sa Pagkuha ng Larawang Ito
Ito ay talagang pagsulong para sa akin. Akala ko umalis akong handa at dumating na may mga larawan na hindi ko kailanman naisip na kuhanin. Itinuro nito sa akin na magkaroon ng bukas na isip at makiayon sa agos.
Ang paggugol ng oras upang maging kumportable si Stuart sa pagkuha ng larawan at hayaan siyang gumawa gamit ang mga lokong props ay nagbigay buhay sa pagkuha ng larawan. Ginamit ko ang pagkakataon na kumuha ng larawan gamit ang backlit sa harap ng bintana, na naging talagang maayos at hindi ako natatakot na kumilos mula sa lugar kung pakiramdam ko ay parang may bagay na hindi nagagawa ng maayos.
Gusto kong ibigay kay Stuart ang iba't ibang larawan at minsan pakiramdam ko ay nagawa namin lahat ng kaya namin, ang paglipat sa hardin ay nagpatunay na ito ay isang matalinong hakbang. Naku, at huwag niyong inisin ang pusa, baka kailangan niyo na palakaibigan ito mamaya!