Unlimited After Effects and Premiere Pro templates, stock video, royalty free music tracks & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Adobe After Effects
Photography

15 Nangungunang Template para sa Adobe After Effects

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Ang mga slideshow ay isang mahusay na paraan upang makakuha ng pansin ng isang tao, at pamalagian ito. Pinili namin ang ilan sa mga pinakamagaling After Effects templates mula sa Envato Market para masiguro na ang iyong presentasyon ay makuha ang karampatang epekto.

1. Slideshow

Ang karaniwan After Effects slideshow ay Full HD at lubos na nai-customize. Ang proyekto ay tumatagal lamang ng isang minuto, na may 16 na placeholders at may kasamang kapaki-pakinabang na pagtuturo ng video upang gabayan ka sa proseso ng pag-ayos.

Slideshow
Slideshow ayon sa Lasha_Piliev at Envato

2. Mosaic Photo Reveal

Kasama ang puwang para sa napakalaking 100 mga larawan, maari kang lumikha ng eleganteng proyekto na video para sa lahat ng okasyon sa pamamagitan ng download na ito. May ilang mga bonus texture images na isinama para magamit bilang mga background.

Mosaic Photo Reveal
Mosaic Photo Reveal ayon sa yeaboy at Envato

3. Ang Parallax Slideshow

Ang Parallax Slideshow ay isang napaka-sikat na slideshow, at hindi mahirap maintindihan kung bakit: ito ay isang mataas na kaledad, mahusay na nakaayos at madaling i-customize na template. Ang proyekto ay may modular na kaayusan, kung kaya’t madaling palitan ang tagal nito. Basta’t ilagay lamang ang iyong imahe o video sa proyekto, i-edit ang teksto, magdagdag ng audio at tamasahin!

4. Awards Show Package

Bagaman tinatawag na Awards Show Package, ang proyektong ito ay may tunay na kakayahang umangkop. Mahusay para sa countdowns o presentasyon ng produkto, ang template na ito ay naglalaman ng opener, slideshow, bumper, closing credits, tatlong pagpipilian na lower thirds, background at project overlays.

Awards Show Package
Awards Show Package ayon sa Dimka4D at Envato

5. Slideshow

Kasama ang link para sa libreng ginamit na font, Itong snazzy slideshow ay may tatlong bersyon: maigsi, katamtaman o (nahulaan mo na) mahaba. Hindi mo na kailangan ng karagdagang plugins, at lahat ay dinisenyo na mabilis at madaling i-customise.

Slideshow
Slideshow ayon sa WINNVIDEO

6. IT Slideshow

Itong makabagong, funky slideshow ay tamang-tama para magpataas ng iyong presentasyon. Ang template ay madaling i-customise at may kasamang pagtuturo upang makapagsimula ka.

IT Slideshow
IT Slideshow ayon sa Drev0 at Envato

7. Watercolor & Ink Slideshow

Ang masining at malikhaing slideshow na tamang-tama para sa mga bakasyon, mga kaarawan o mga kasalan. Mayroon 30 elemento ng pinta, tinta at pinsel na kasama para makalikha ka ng isang tunay na espesyal ng sining na hindi pangkaraniwan sa iyo.

Watercolor Ink Slideshow
Watercolor & Ink Slideshow ayon sa GraphicINmotion at Envato

8. Cinematic Slideshow

Ang proyektong ito ay maaring gamitin bilang isang slideshow, panimula, presentasyon sa web, video sa tahanan, o anuman na iyong maisip! May 15 media at text placeholders, napakaraming pagpipilian para i-customize hanggang makamit mo ang kagustusan ng iyong puso.

Slideshow
Slideshow ayon sa DesireCreator at Envato

9. Modern Opener - Slideshow

Ang template na ito ay may kasamang 15 placeholders, na may pagpipilian para lumikha ng higit pa para sa tunay na kakayahang umangkop. Ang download ay may ilang espesyal na elemento gaya ng dust at light effects kung saan ay maari mo itong i-on o i-off ayon sa pagkakabagay.

Modern Opener - Slideshow
Modern Opener - Slideshow ayon sa MotionMount at Envato

10. Dynamic Opener

Ito ay mayroon bilang HD o stunning 4k, ang proyektong ito ay may kasamang 35 placeholders at nag-aalok ng kabuuan pamamahala sa mga kulay. Isang bagong update ang nag-rework sa istraktura ng proyekto mula saligan hanggang matapos, tinitiyak ng pag-download na ito ay mas madali para makagawa ka ng pansarili.

Dynamic Opener
Dynamic Opener ayon sa Majoroff at Envato

11. Fashion Slideshow

Ang imahe sa fashion slideshow ay gumagalaw ng pahalang at patindig. Gamitin ito bilang isang opener, wedding video display o fashion gallery. Ang mga matinding galaw at disenyong banayad at malugod ay pagsamahin upang makalikha nitong nakamamanghang proyekto na iyong maiibigang i-customise.

Fashion Slideshow
Fashion Slideshow ayon sa PixFlow at Envato

12. Artistic Parallax Slideshow

Lubos na nai-customise, Artistic_Parallax_Slideshow, ay isang elegante, cinematic, at simpleng galerya ng larawan na may istraktura na modular. Subukin ang video kaysa ang stills para sa isang tunay at namumukod tangi na proyekto.

Artistic Parallax Slideshow
Artistic Parallax Slideshow ayon sa Red-mouse at Envato

13. Sulat-kamay na Animated Font Slide Show

Lumikha ng magandang mensahe na may Sulat-kamay na Animated Font Slide Show. Ang proyektong ito ay naglalaman ng animated fonts at gumagamit ng universal controls, at may karagdagang individual character controls para sa totoong pag-customise. Kasama din ang mga banners, burloloy, numero, at mga bantas.

Handwritten Animated Font Slide Show
Sulat-kamay na Animated Font Slide Show ayon sa FluxVFX at Envato

14. Urban Opener

Ang Urban Opener template ay naglalaman ng 33 media placeholder at 17 text placeholders. Hindi mo na kailangan ng kahit anong karagdagan plugins at ang help file ay kasama upang ito’y maisagawa mo na.

Urban Opener
Urban Opener ayon sa MotionIdea at Envato

15. The Slideshow

May 22 placeholders na gumagana ng maayos sa video at still images, ang proyektong ito ay isang mabilisang, upbeat na presentasyon, na gumagarantiya na ilalagay ang iyong mga taga-panood sa mabuting kondisyon!

The Slideshow
The Slideshow ayon sa Motion-Bear at Envato

Nais mo pa bang Malaman ang Iba pa Tungkol sa After Effects?

Mahusay, narito ang ilan sa mga bagay na maari mong ikalugod:

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.