Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Photo & Video
  2. Adobe After Effects
Photography

15 Pinakamagagandang Slideshow Template Tungkol sa Pag-ibig, Romansa at Kasal Para sa Adobe After Effects

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Handa ka na ba para sa Araw ng mga Puso? Mahilig kami sa pagmamahal dito sa Envato Tuts+. Noong nakaraang taon, pinakita namin kung paano lumikha ng smoke ring na hugis puso, at bago noon, hugis-puso na light painting naman. Ngayong taon, gusto naming mamahagi ng kahanga-hangang mga proyekto mula sa VideoHive. Heto ang 15 sa paborito naming mga proyekto sa After Effects para sa mga video tungkol sa romansa, pag-ibig o kasal, sakto para sa Araw ng mga Puso.

15 Adobe After Effects Template para sa Pag-ibig, Romansa at Kasal 

Graphic Pack para sa Wedding Slideshow

Ang isang mataas sa kalidad na graphic pack ay kayang magpakita at magpakilala ng litrato o video sa isang madali, malinaw at kaakit-akit na paraan. Ang template na ito ay nakabase sa 7 na parte, at maaaring gamitin ang bawat isa nang hiwa-hiwalay. Ang elemento na slideshow ay nakabase sa 11 na eksena na mayroong madadaling transisyon, kaya maaaring isaayos ang mga eksena nang madali. Ang isang kapaki-pakinabang at interactive na kontrol para sa pag-ayos ng kulay ay makatutulong sa madaling pagpalit ng lahat kulay at effect, sa iisang pindot lamang. Mayroong ding abilidad na hiwa-hiwalay na baguhin ang mga  kulay para sa bawat parte.

Pag-ibig

Maganda at simpleng romantikong mga slide na mayroong magandang background na musika. Ang perpektong kumbinasyon ng font, animation at romantikong mood.

Ang Secret Garden na photo gallery 

Ang Secret Garden na photo gallery ay dinadala ay tagamasid sa isang paglalakbay tungo sa tagong lugar kung saan ang mga pinakapinapahalagahang mga alaala ay iniilawan ng liyab ng kandila at sinag ng araw sa isang courtyard sa hardin! Lumikha ng nakatutuwa at klasikong kapaligiran na perpekto para sa mga larawan ng pamilya, montage ng kasal, presentasyon ng pag-alala, inspirasyonal na proyekto, at marami pang iba!

Pop-up Album V2 para sa Kasal

Ang elegante na pop-up album na ito ay maganda naiprepresenta ang mga larawan sa kasal sa isang romantikong kapaligiran. Nakaaakit ang mahusay na pagkakalikhang mga 3D na eksena at madulas na mga animation. Naglilikha ang mga ito ng magandang holiday atmosphere na dinadala ang  tagamasid sa mahiwagang araw na iyon.

A man and woman embrace in pop-up book

Hangin ng Pagbabago

Ang mahuhusay na mga disenyo at naglilikha ng perpektong halimbawa ng kagandahan at kasimplihan! Ang proyekto na ito ay mayroong madilim at maliwanag na mga bersyon: bagay sa presentasyon para sa mga kasal, engagement at anibersaryo. Mayroon din itong 4k, HD at Cinema na mga bersyon, pati mga nakatutulong na video tutorial upang gabayan ka sa buong proseso ng pag-edit. Ang proyekto na ito ay ginamit ng Christina Aguilera para sa music video ng kanta niyang Changed:

Ink Slideshow

Ang nakaaakit na template na ito ay binabago ang anyo ng mga imahe upang maging makulay na mga ink drop, na magandang dumadaloy mula sa isang imahe tungo sa isa pa. Ang malinis at maaliwalas na disenyo ay napupukaw ang atensyon ng tagamasid at hinahayaan ang iyong mga larawan na bumuo ng nakatatangi at kamangha-manghang mga kwento!

Woman hugs man her eyes are closed

Mga Alaala II

Sa proyekto na ito, maaari kang magdagdag ng 204 na photo o video na file at 10 na text phrase upang tulungan paalalahanan ang mga tagamasid ng kanilang magagandang mga alaala at mga sandali sa buhay. Mayroong video operation manual: kahit ang isang baguhan ay madaling maiintindihan kung paano aayusin ang proyekto.

Love Story Slideshow

Simple at madaling ma-edit, walang plugin ang love story slideshow. Mayroong layer para sa pagkontrol ng kulay at hakbang-hakbang na file na nakatutulong

Man and woman kiss surrounded by line illustrations of doves

Ang Doodle Love 

Ang Doodle Love ay isang kaakit-akit na template na mayroong 20 na ginuhit na mga larawan, maraming placeholder, at isang automated na main composition upang gawing madali at mabilis ang iyong video.

A man and woman embrace surrounded by an illustration of stars and words of thanks

Valentine’s Day Corporate Hand Drawn Template V2

Tulad ng Doodle Love, ang simple ngunit madaling ayusing After Effects templates ay hinahayaan kang baguhin ang mga text, magdagdag ng logo, magdagdag ng sariling background, palitan ang kulay ng background, scale at baguhin ang pusisyon ng logo, at buhayin at patayin ang mga vignette at lighting effect.  

Romantic Fireworks

Ang kahanga-hangang gawa na ito ay remix sa pambungad na pamagat ng pelikulang Blue Valentine. Ito ay isang maganda at romantikong template na ginagawang mas kasindak-sindak ang kahit anong video ng kasal.

Man and woman kiss double-exposure with fireworks

Seize the Day

Ito ay isang romantiko at lumang-estilo na After Effects template na nakatutulong sa paglikha ng magagandang video ng kasal, kwento ng pag-ibig, pagbati sa kaarawan, o ano pa mang nakalumang slideshow. Gumagamit ito n ng estruktura na modular, mayroong detalyadong video tutroial, gumagawa kasama ng After Effects CS5 o mas mataas at hindi kinakailangan ng kahit anong plugin.

Lantern Night Wedding Photo Gallery

Ang pagka-romantiko at ang lantern lighting ay nakabubuo ng magandang proyekto para sa kahit anong romantikong kaganapan.

Picture of woman in wedding dress hangs in front of paper lanterns

Atelier Photo Gallery

Isang magandang photo gallery na binigayang inpirasyon ng isang Europeo na painteris atelier. Maganda para sa mga kasal o iba pang mga espesyal na ganap at larawan na slideshow. Maaaring gawing mabilis at madali ang pag-edit sa pamamagitan ng simpleng pagsingit ng iyong mga larawan sa mga placeholder composition. Maaari mo ring gamitin ang modular na estruktura ng proyekto at baguhin ang pagkakaayos ng 15 na mga eksena upang bumuo ng sariling kwento.  Ang pamamaraan na ito ay ipinaliwanag sa kasamang HD video tutorial. Mayroong 46 na Media Placeholder, 2 Text Placeholder, 2:01 min na tagal, Ful HD 1080p na resolusyon, 25fps, Estruktura na modyular, Walang 3rd party na plugin, nababagay sa CS6 o mas mataas.

White Wedding

Ang slideshow template na ito na para sa kasal ay maganda para sa higit pa sa mga kasal lamang: ipresenta ang iyong mga larawan sa holiday, mga paglalakbay, o kahit ang mga larawan mula sa kaarawan ng anak. Mayroong 17 image at video place holder. Perpekto sa pagpresenta ng iyong mga larawan at video

Paano Gumawa ng Nakatutunaw-Pusong Romantikong Slideshow

Bagaman ang mga proyekto na ito ay magbibigay sa iyo ng kahanga-hangang mga pinal na resulta, ang tunay na pundasyon ng isang magandang slideshow ay nagsisimula bago pa man maisip ang After Effects. Sa mga sumusunod na tutorial, iyong matututunan paano kumuha ng litrato, magsuri, mag-edit, at pagsama-samahin ang mga larawan na iyong tunay nakakailanganin para sa iyong slideshow:

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.